Chapter 13

3K 97 0
                                    

Chapter 13

SOMEONE's POV

Mukhang may manggugulo sa plano ko ah? Manggugulo ba? O baka naman, makatulong pa?

"Oy" tawag ko dito kaya nagtataka siyang tumingin sa akin

"Bakit tol?" tanong niya pagkalapit sa akin

"Nararamdaman kong may gusto ka sa kanya." walang paligoy ligoy na sabi ko sa kanya

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Sol. May gusto ka sa kanya. Halata ko yun" mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko

"Oh? Eh ano sayo?"

"Napakalaking harang ni Kent sa kaligayahan natin. Magtulungan tayo. Sirain natin si Kent. Hanggang sa maghiwalay sila ni Sol. At pagkatapos nun, tayo nang dalawa ang magiging masaya sa piling ni Sol" paliwanag ko dito

"Nababaliw ka na. Hindi pwede yang sinasabi mo. Tsaka kung maghiwalay man sila, isa lang sa atin ang magiging masaya. Balewala rin yang pakikipagtulungan mo sa--" hindi ko na siya pinatapos at hinalikan ko siya.

Mainit, marupok. At alam kong hindi niya malilimutan yung halik na yun.

"Tayong tatlo. Pwedeng magmahalan tayong tatlo. Bahala ka na, sabihin mo lang sakin kung gusto mo" sabi ko sa kanya at biglang dumating si Sol

SOL's POV

Nagpunta ako sa garden dahil nandito daw sina Shine. At tama nga ang sinabi ni Liza sa akin, nandito nga silang dalawa ni Johann.

"Oh? Mukha yata kayong nakakita ng multo? At bakit parang tulala ka Shine?" tanong ko sa kanila nang makalapit ako

"M-mukha ka daw kasing multo" asar sa akin ni Johann kaya hinampas ko ito sa braso

"Kayong dalawa, wala na kayong ginawa kundi asarin ako" reklamo ko sa kanila

"S-siyempre. Pinanganak kaya kami para asarin ka" bawi naman ni Shine kaya hinampas ko rin siya. Nagtawanan naman ang dalawa at naalala ko kung bakit ako nagpunta dito.

"Ay Shine, usap pala tayo" sabi ko sa kanya

Napansin ko kasing mukha siyang problemado eh.

"Ah eh, maiwan ko muna kayo" paalam ni Johann at umalis na

"Oh? Mukha yatang seryoso yan ah?" biro niya nang tuluyan nang makaalis si Johann

"Eh kasi ikaw eh! Bakit ba parang may moodswings ka ngayon? As far as I know, hindi ka naman bipolar. At imposible din namang magkaregla ka. Kaya bakit ganun?"

"E-ewan. Hindi ko alam" tinignan ko si Shine sa mata. This time, seryoso na ang mga tingin kong iyon.

"Shine, yung totoo?" tanong ko sa kanya at nakita ko yung pagkabalisa niya

"K-kasi.... Ewan" halatang pinipigilan niya yung sarili niya. At doon pa lang, parang nagkaclue na ako.

"Mahal mo pa rin ako?" prangka kong tanong sa kanya

Hindi naman siya nakaimik kaya isa lang ang ibig sabihin nun. Mahal niya pa rin ako.

"Shine, hindi kita pipigilan sa nararamdaman mo. Mahal din naman kita eh--" pinutol niya ang sasabihin ko

"Kaya lang bilang kaibigan lang? Alam ko na yun" sabi pa niya nang may ngiti sa labi

Nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya niyakap ko siya

"Sorry"

Changes (Book 2 of Master's Slave)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora