Chapter 8

3.5K 115 24
                                    

Chapter 8

"Kuya Thol! May naghahanap po thayo tha labath. Dalawang lalaki" dalawang lalaki? Wow! Ang ganda ko naman?

"Ah sige" sabi ko at pinisil ang pisngi ni Ryan. Lumabas na ako ng bahay at nagulat sa nakita ko.

"Johann" sabi ko at nagmamadaling buksan ang gate

"Excited nga" rinig kong bulong ni Johann kaya natawa silang pareho ni Joaquin. Napansin ko namang lalong gumwapo si Joaquin ngayon.

"Wow! Spell excited? Sabi mo sa last week ko na dito para sabay tayo uuwi? Dalawang tatlong linggo pa kaya" asar ko kay Johann. Unexpected kasi talaga ang dating niya ngayon kaya hindi ko inasahan. Malamang! Unexpected nga eh.

"Ayaw mo ba kaming papasukin?" naiinip na sabi ni Johann habang buhat yung malaki niyang backpack

"Ay! Pasok pala" natatawa kong sabi

Sinamahan ko sila pagdating sa sala. Kaming dalawa lang ni Ryan ang nandito ngayon kasi nasa trabaho sina daddy pati si kuya. Si mommy naman, kinakausap na daw yung may-ari ng rancho na bibilhin namin. Oo, rancho.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit all of a sudden, kakailanganin pa namin ang rancho eh may hacienda na naman kami. Pwede namang magpatayo nalang kami ng sarili naming rancho kesa bumili pa diba?

Haay. Wala naman akong magagawa eh. Isa pa pala, si mommy din pala ang kakausap dun sa may-ari ng bibilhin ko namang lupa. I'm thinking kasi na what if, yung mga co-artists ko ay maisipang sumama dito? Edi pagkakaguluhan pa sila sa hotel? Pwede namang dito eh.

Nagulat ako nang makarinig ako ng click ng phone. Nakita ko si Johann na pinicturan ako.

"HOY! STOLEN!!! Burahin mo yan" reklamo ko sa kanya

"Na uh! Sabi ko nga, hindi ikaw si Riley. Ikaw si Sol. Tignan mo, icompare mo" pinakita niya sa akin yung Sol na wagas makangiti, at yung Riley na napakakontrolado ng ngiti. Sabagay, I can't smile like this pag on-cam. 

"Kasi naman eh! Bakit stolen? Sabihin mo kasi! Magpopose naman ako eh" natawa silang pareho sa sinabi ko. Actually, naninibago ako kay Joaquin. He's not like that to begin with. Hindi naman siya nakikihalubilo sa amin ni Johann before but now, nandito siya at nakikitawa na.

Sabagay, time can change a lot of things.

"Kuya Thol! Thino thila?" sabi ni Ryan na ikinabigla ko. Nasa gilid ko lang pala siya at nakatingin din sa dalawa.

"Ay! This is Kuya Joaquin, and this is Kuya Johann. Friend ko si Kuya Johann tapos brother niya naman si Kuya Joaquin" pababy na sabi ko at narinig ko ang pigil na tawa ni Johann.

Humanda ka saking loko ka!

SOMEONE's POV

*smirk*

a/n: SINO SI SOMEONE?

Ang makahula, ikikiss ko xD Joke.

Hulaan niyo guys :)

Hindi votes ang kailangan ko dito. COMMENTS ah?

10 comments answering this question:

Sa tingin niyo, sino si Someone at bakit siya yung naisip mo?

Well, I just need this para malaman ko kung itutuloy ko pang yung TAONG yun si Someone :) Para kasing ang saya niya eh xD

Prize? Dedication sa next chapter at edited na name niya. Mag-eeffort talaga ako for that. I swear! Ahaha

Changes (Book 2 of Master's Slave)Where stories live. Discover now