Chapter 7

3.5K 119 5
                                    

EL

Chapter 7

SOL'S POV

Nakaalis na si ate. At kasabay nun, nagpaalam na rin si Kent. May business nga pala siyang inaasikaso sa Maynila kaya hindi siya makakatagal dito.

Nagbabasa ako ng libro nang may tumawag sa akin.

"Hello?" bungad ko nang masagot ko na ang tawag

"Oy! Musta na? Buti naman nakuha ko na number mo" nagulat ako sa narinig ko at napangiti.

"Johann. Musta na? Teka, paano mo nakuha number ko?" gulat kong tanong sa kanya

"Well, sabihin nalang natin na cute ako" pagmamayabang niya kaya napaismid ako

"Eh? Ano namang konekta noon?"

"Binigay ng manager mo number mo sakin" napa-ahh na lang ako bilang sagot

"So, ano? Bakit mo tinawagan ang pinakamagandang Riley?"

"Yabang mo uy! Ahaha. Para sakin, si Sol ka pa rin kahit anong gawin mo"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Inaalala pa niya pala na ako si Sol at hindi ang sikat na Riley. Ang Sol na makulit, maingay, taklesa, na hindi pwedeng gawin ni Riley kasi masisira ang image niya.

"I miss you" bigla kong nasabi at nakaramdam ako ng lungkot

"Drama mo uy. Siya nga pala, chef na ako ngayon" pagmamayabang niya. Sabagay, deserving naman siya eh.

"Oh? Bat di ka mag-apply kay Kent?"

"Ayoko dun. Masyadong busy. Maraming tao lagi. Buti pa sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, hindi hassle" natawa naman ako sa sinabi niya. Parang alam ko na tuloy kung saan siya napadpad

"Pupunta nga pala ako diyan sa probinsiya niyo. Namimiss na kita eh. Isasama ko na din si Joaquin" bigla akong naexcite sa sinabi niya

"Sure. Bilisan niyo ah?"

"Excited. Oo na po" natawa naman ako sa sinabi niya.

Hindi pa rin siya nagbabago. He's still the Johann na makulit.

SOMEONE'S POV

Malapit mo na akong makita ulit. At pag nangyari yun, sisiguraduhin kong wala na kayo ni Kent pagkatapos nun. At magkakaroon naman ng tayo. Yung tayo na alam kong mahal mo din ako. Yung tayo na mahal mo ako hindi bilang isang kaibigan kundi higit pa doon

Changes (Book 2 of Master's Slave)Where stories live. Discover now