Chapter 10

3.3K 97 0
                                    

Chapter 10



KYRA'S POV



(oo guys! Si Kyra din <3 Eh kasi may FB na siya eh <3 Kaya kung gusto niyo magkaPOV yung inaabangan niyo, gawa na kayo ng account nila guys ;))



Nakakapagod talaga ngayon. Paano ba naman kasi, may guesting ako sa isang afternoon show tapos nag-overtime pa ako ngayon?



Hindi ko na nga alam paano pagkakasiyahin oras ko eh. Buti pa si Sol, chill lang ngayon.



Speaking of Sol, matagal na akong walang naririnig sa kanya ah? It's almost 2 weeks since nung last call niya. Di ko naman siya matawagan kasi nahihiya ako.



Oo, nahihiya na ako sa kanya ngayon. Parang ang taas taas na kasi ng narating niya eh. Nahihiya na akong mag-approach sa kanya kahit hindi ko alam kung bakit.



Nakakamiss yung baklang yun ah. Sana maalala niya ako kahit papano ano?



Nakapagpaalam na ako kay Manager Keana na uuwi na ako. Oo, siya din yung manager ko. Kaming dalawa lang ni Sol ang handle niya at para kaming magbebestfriends dahil doon.



Naglalakad na ako papunta sa carpark nang biglang magring ang phone ko.



Geez, sana si Sol na to. Ewan ko pero naeexcite akong matawagan ang bestfriend ko. Namimiss ko na talaga yung bruhang yun.



Nang makapa ko na ang cellphone ko, sakto namang may nakabangga sa akin kaya natumba ako.



"Ouch" daing ko sa pagkabagsak ko




"Sorry miss" sabi ng lalaki na nakabangga sa akin at nagkatinginan kaming dalawa "DJ Kyra?" gulat na sabi niya at miski ako, nagulat nang nakita kung sino iyon. That's our BEST male DJ. None other than:



"Harold" gulat kong sabi sa kanya




Nakaramdam ako ng hiya nang malaman kong siya yung nakabangga ko. Bakit pa kasi ngayon pa ako naging aanga anga eh.



"Sorry talaga" sabi niya at umalis na. Pupunta na siguro siya sa audio room kung saan ako galing. Ngayon lang kami nagkaabot kasi lagi siyang busy sa loob ng audio room. Hindi ko pa siya nakakausap kahit kailan dahil doon kaya nagulat ako nang malate siya ngayon at nakabangga ko pa.



Nakaramdam ako ng kakaibang feeling sa dibdib ko. What? Bakit ganito?



--




a/n: I'm planning to make her a story kaya lang not sure kung may magbabasa. Kaya eto na lang muna <3 Malay niyo, yung BOOK 3/4 pala is tungkol sa kanila?




KUNG MERON! Ahaha



That guy is Harold Dizon <3 Luigi De Ayola guys ;)

Changes (Book 2 of Master's Slave)Where stories live. Discover now