Chapter 1

6.9K 138 5
                                    

Chapter 1



"According to Greek Mythology, the first human are born with 4 legs and 4 arms. Afraid of their power, God separated them into two and that 2 persons are called soulmates"

--



SOL's POV



It's been 6 years since we graduated from college. Masaya ako kasi natupad na ang pangarap ko at hindi lang iyon, sumobra pa dahil kilala na ako ngayon bilang Riley Sison sa show business. Oo, sikat na akong artista at model.



Hindi naman dapat ako papasok sa ganitong klase ng trabaho eh. Pero sinabi sa akin ni Manager Keana na kapag nag-artista na daw ako, mas dadami pa ang offer sa akin na trabaho.



I already experienced hosting, singing, and acting. Nakapagendorse na din ako ng iba't ibang uri ng products. I endorsed shampoo, lotion, soap, clothing, and even a university



Masasabi ko na I am blessed as Riley Sison. I can buy anything now the way I want to buy that before. And as Riley Sison, doon nabuo ang pamilya ko.



Nagulat na lang ako isang araw nang may tumawag sa akin. It was from unknown caller. Naghehesitate man ako ay sinagot ko na yun. Nagulat ako kasi it was my mother. She said sorry kasi hindi niya ako nagawang ipagtanggol noon at maging siya ay nagalit sa akin. Sinabi niya ring the whole family is so proud of me. Masaya ako dahil doon.




6 1/2 years na rin kami ni Kent ngayon. We're going strong pero parehas kaming busy. I also endorsed the company na hinahandle niya ngayon. Akala ko noon ay inaasar niya lang ako nang sabihin niyang restaurant ang ipapatayo niya kasi hindi ako magaling magluto. Pero hindi, ginawa niya talaga yun. At ang pangalan ng business? Master's Slave. Ang weird no? Simula kasi nang maging kami, Master at Slave na ang tawagan namin. Master minsan at Slave minsan. Pero kadalasan, we are calling ourselves with a special endearment for me. Napakasweet para sa akin ng tawagan naming "Bebe Boo" kahit na napakajejemon noon.




Siya mismo ang nakaisip nun. Pero hindi ko na lang tinanggihan kasi he was being sweet that time. Kaya corny man, ayun na talaga ang tawagan namin hanggang ngayon.



"Let us welcome our first caller for the night" Nakikinig lang ako ng radyo ngayon. Natupad din ang pangarap ni Kyra na magdj at ngayon, siya ay pasok sa tatlong best female dj's ng Pilipinas



Minsan nga napapaisip ako, is that really Kyra? Kasi kung papakinggan mo siya ngayon, she's far from the bubbly Kyra noon.



"Hello? Ano pong pangalan nila?" tanong ni Kyra sa tumawag sa kanya



"My name's Tess" pagpapakilala naman nung babaeng mukhang kakagaling lang sa iyak.



"So, bakit ka napatawag Tess?" tanong ni Kyra at umiyak nanaman yung caller. I can feel that she's in pain right now. Sobrang lakas ng hagulgol niya.



"Ano ba yan. Tumawag lang yata para iparinig sa bansa yung iyak niya. Bakit di siya magsalita?" reklamo ng katabi ko ngayon. Pinisil ko ang ilong niya kasi iniistress nanaman niya ang sarili niya kahit na hindi naman kailangan



"You're so mean Bebe Boo" binitawan ko na ang ilong niya at tinignan niya ako nang masama. Nginitian ko lang ito at nagpuppy eyes sa kanya



"But I mean a lot to you" bawi niya na ikinagulat ko. Akala ko kasi, he will kiss me the way he did before. Kapag kasi tinignan na ako niyan nang masama, the tendency is hahalikan niya ako o kikilitiin pero no. Bumanat nanaman po siya.



"Che! Ewan ko sayo! Hindi ko na tuloy napakinggan si ate" reklamo ko sa kanya kahit na kilig na kilig na ako



"Mas gugustuhin mo pang marinig yun kesa marinig ako?" nagtatampong sabi niya kaya nakaisip ako ng paraan para mawala yun. Ha! Akala niya siya lang ah.



"Sawang sawa na kaya ako sayo" patampong sabi ko



"Ganun?" I was about to laugh pero I managed to keep myself serious.



"Kasi ang puso ko, sigaw nang sigaw. Kent! Kent! Kent! So, paano ako hindi magsasawa?" nakita kong namula siya at niyakap na niya ako bigla.



This is the new us. This is the new Solent. Medyo iba na sa dating away bating kami pero nagkakatampuhan pa rin naman. For one minute? I guess. Ahaha




--



Author's note: So here goes Endless Love Chapter 1 <3 Support guys :)

Naaawa na ako sa mga nag-iintay eh

Changes (Book 2 of Master's Slave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon