Chapter 4.2

3.5K 119 2
                                    

Chapter 4.2




"Ayun! Ayun! Waaaah" tuwang tuwa na sabi ni Ryan nang makatakas yung paru-paro. Nandito kami sa garden at nanghuhuli siya ng mga yun.




"Manang mana talaga sa inyo yang batang yan" sabi sa amin ni mommy




"Sa inyo kami nagmana ma" balik naman ni ate kay mommy. Natawa kami lalo na si kuya.




"Bukas nga pala, pupunta tayo sa resort. Last day ko na bukas oh" sabi ni ate sa amin




"Sure" sabay na sabi naming tatlo nila mommy. Wala si daddy ngayon dahil sa business namin.




"Picnik! Picnik! Picnik!" cheer ni Ryan na ikinatawa namin. Bata pa lang pero alam na yung tungkol doon. Ahaha




"Teka, kukuha lang ako ng mga pagkain" sabi ni kuya at tumayo





"Sama na ako" prisinta ko at sumama sa kanya





Nandoon kami sa kusina nang magsalita siya.



"Mukhang problemado ka yata?" inilapag niya ang mga pagkain sa lamesa at kinuha yung dalawang box na lalagyan




"Ako? Hindi ah" pagtanggi ko naman kahit na totoong problemado ako




"Haaay. Sabi ko na nga ba magdedeny ka eh. Pero alam mo? Kaming mga lalaki, mapride kami eh. Pero kung mahal talaga namin ang isang tao, gagawa at gagawa kami ng paraan para magkaayos yung relasyon namin. Sooner or later, magugulat ka nalang kasi nandyan siya sa may pinto then he will say sorry" sunod sunod na sabi niya. I know he's right, pero saan naman niya nakuha yun? Loveless yan ah?





"Weird" ang tanging sagot ko sa kanya





"Huh?" nagtataka naman niyang tanong





"Wala ka naman kasing lovelife pero parang ang dami mong alam. Where did you get all of that?"





"Nainlove na din ako. Wag ka nga! Ano? Ikaw lang may karapatang mainlove?" sagot niya na ikinatawa ko




Niyakap ko siya nang mahigpit






"I love you kuya"






--






"Baby! Halika dito. Kakain na tayo" tawag ko kay Ryan at bigla bigla itong tumakbo papunta sa amin.




"Baby? Siya yung baby na tinutukoy mo?" nagulat ako nang makita ko sa gate si Kent. Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng tuwa kasi tama si kuya, when a guy loves you, he will do anything just to prove his love for you. Even if it takes them to cut their pride.





--





a/n: Someday, I'll be what you need. Lalalalala. Gusto kong gawan ng kanta itong Endless Love kaya lang wala akong inspirasyon. Huhu. Pahingi naman oh. Chos!

Taglandi pa more xD

2 chapters ngayon kasi malapit na akong magbabye sa wattpad pansamantala :) malapit na magpasukan eh

Changes (Book 2 of Master's Slave)Where stories live. Discover now