EPILOGUE

105K 2.5K 145
                                    

A/N: I dedicated this to Nathalia Magsayo. Thank you for letting me use your name in my story. It's an honor. I hope you will love it.

"OH! NAPADALAW ka. Ang aga, ah." Gulat na bulalas ni Kaithleen nang pagbugkas siya nito ng pinto.

"Ano... ahm..." she cleared  her throat.  "Nandyan ba ang mag-ama ko?" Tanong niya saka bahagyang sinilip ang loob ng penthouse nito.

She just woke up earlier na hindi katabi si Aleck. Akala naman niya ay nasa kusina lang ang asawa at nagluluto ng almusal. Ngunit wala rin ang kanilang anak nang pumasok siya sa silid nito. Iniisip naman niya na nasa kusina ang kanyang mag-ama at gumagawa ng breakfast. Minsan kasi ay naabutan niya si Aleck sa kusina na tinuturuan ang anak nila na gumawa ng pancake para sa kanya.

Nagsimula na siyang mag-panic ngunit mabilis niyang pinakalma ang sarili. Hindi man lang siya inabisuhan ng dalawa kung gusto ng mga ito na mag-bonding nang wala siya. She tried to call his husband for how many times, but still his phone was cannot be reached. Wala ring naiwan na sulat  kung saan nagpunta ang mga ito. Sinubukan niya ring tawagan ang bestfriend nitong si William ngunit hindi sinasagot ang kanyang tawag.

May napansin siyang pagkain sa lamesa na nakataklob kaya mabilis siyang kumain. Naligo agad siya at nagbihis saka dumiretsyo sa penthouse ni Kaithleen. 

"Wala sila dito. Bakit?" Niluwagan nito ang pinto upang makapasok siya.

Napabuntong hininga siya. "Nagising kasi ako na wala sila."

"Baka naman nagbonding lang ang mag-amo mo. Relax lang," anito.

"Yeah." Aniya. Masaya siya na kaalaman na nagbo-bonding ang kanyang mag-ama ngunit hindi niya maiwasan na malungkot.

Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama ni Aleck. Ngayon lang siya nakaramdam ng kutob. Pakiramdam kasi niya ay may nililihim ang kanyang asawa at dinamay pa ang kanilang anak. Minsan kasi ay nakikita niya ang mag-ama niya na palihim nag-uusap saka nagbubulungan at halatang ayaw iparinig sa kanya.

May tiwala naman siya sa asawa at alam niya na hindi ito nambabae. Wala siyang nakikitaan na tumingin ito sa ibang babae kasaman man siya o hindi. Mas lalo pa nga ito naging malambing sa kanya nang dumating ang kanilang anak. Si Amil Tumelo Montenegro.

Sobrang saya ni Aleck at nagtatalon sa tuwa nang malaman na lalaki ang kanilang panganay. Gusto kasi nito ng lalaki para babae naman daw ang susunod.

She's so lucky to have him in her life, plus their little one. Mas lalo niyang nakilala ang asawa. Sobrang sweet at caring. Maalaga sa kanilang anak. Perfect husband at perfect dad talaga.

Isa lang ang kanyang kinabahala ang trabaho nito. Hindi pa kasi ito umaalis sa puder ni Prime.  Nag-aalala siya na baka may masamang mangyari kay Aleck dahil sa klase ng trabahong meron ang grupo nito. Hindi naman niya mapigilan dahil kasing tatag ng pader ang samahang SPG.

Anniversary nila kasi ngayon at mukhang nakalimutan ng asawa niya. Dati kasi, dalawang araw pa lang ay pinaghandaan agad ni Aleck. He always asked her of what country did she want to spend their anniversary.

Nakapunta na sila sa France, London, England, Norway at Italy. Syempre kasama ang kanilang anak. Hindi kasi niya kayang mawalay sa anak kahit isang araw lang. Wala namang magawa si Aleck kundi ang isama ang anak. Kaya minsan ay wala silang sexy time at mga nakaw na sandali lang ang mayroon sila. Sa banyo o kaya kapag tulog si Amil.

"May problema ba?" Napatingin siya kay Kaithleen dahil sa tanong nito.

Bumuga siya ng malalim na hininga saka naupo sa sofa. "Para kasing may nililihim sakin si Aleck."

SPG 1: Act of Obsession(COMPLETED) Where stories live. Discover now