Chapter 22

72K 1.8K 58
                                    

WALANG LAKAS ng loob si Nathalia na kausapin si Aleck. Nanghihina agad ang kanyang loob saka baka hindi rin siya kausapin nito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin ni Aleck. Umakyat na lang si Nathalia sa taas saka nagtungo sa dati niyang silid.

Bumuntong hininga siya saka napangiti. Namiss niya ang silid, at walang nagbago. Nasa maayos pa rin ang mga gamit ngunit nang mapako siya sa kanyang kama. Pinamulahan siya ng pisngi nang maalala na ang kamang 'yon ay naging saksi sa kung paano sinamba ni Aleck ang kanyang katawan. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses niyang sinuko ang sarili nang walang kapalit.

Pinilig niya ang ulo saka nagtungo sa banyo upang maligo. Mabilis siyang naligo dahil nakakaramdam siya ng gutom. Tila gutom na ang baby sa kanyang tyan. Nagsuot siya ng over sized shirt saka cotton short. Nagblower muna siya ng buhok bago lumabas ng silid.

Nakita niya si Kathleen na nasa naghahain ng hapunan. Umangat ito ng mapansin siya. "Si kuya?"

"Baka nasa library pa."

"Hindi mo ba siya kinausap?"

Umiling siya. "Wala akong lakas ng loob."

"Asawa mo siya at may karapatan ka na magtanong. Dapat nga hindi na siya maging affected sa pagkamatay ni Rachel. Sinisisi kasi niya ang kanyang sarili."

Lumapit siya kay Kathleen at naupo. "Bakit? Ano bang dahilan ng pagkamatay ni Rachel?"

Bumuntong hininga ito. "Hindi dapat ako ang magsabi sayo nito. But, well. Mukhang walang plano si kuya na sabihin sayo," anito saka naupo kaharap nya. "Iniisip kasi ni kuya na siya ang may dahilan ng pagkamatay ni Rachel. I think nasabi na sayo ni kuya kung ano organisyon ang SPG?"

Tumango siya. The sindycate group na pumapatay ng tao.

"Anim na taon na ang grupo ng SPG. Kaunti lang ang detalye na alam ko sa grupong 'yon. Alam kong pumapatay sila and hindi ko kayang pigilan si kuya. Pamilya na ang turing niya sa mga gago niyang kaibigan. And Prime na hindi man lang nagpapakita sa mga tao. Malaki ang naging tulong ni Prime para lumago ang negosyo ni kuya. Si Prime ang dahilan kung bakit bilyonaryo si kuya at ang iba pang members. "

"Apat na taon ng namatay si Ate Rachel. Kinidnap ito ng kalaban nila. Ginahasa at pinatay. Nakita na lang namin ang bangkay niya sa labas ng kanilang bahay. Iyong inabandonang bahay diyan sa tabi. Bahay 'yan ng mga magulang ni Rachel. Matapos mamatay si Rachel ay umalis ang mga magulang niya patungo sa States upang manirahan. " pagkukwento nito. "Hanggang ngayon hinahanap pa rin ang grupong pumatay kay Rachel." Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Huwag mong pagdududahan ang pagmamahal sayo ni kuya. He's madly in love with you, not because magkamukha kayo ni Rachel. Mahal ka ni kuya. Just talk to him and pag-usapan nyo."

Tumango siya saka tumayo. "Kakausapin ko siya." Aniya saka nagmadaling lumabas sa dining room.

Nakaramdam siya ng awa sa nangyari kay Rachel. Hinahanap pa rin ni Alex ang hustisya sa pagkamatay ng dati nitong nobya. Hindi dapat siya makaramdam ng selos sa taong matagal ng patay. Pero hindi naman niya masisisi si Alex kung hindi pa nito nakalimutan si Rachel. 

Huminto siya nang nasa tapat siya ng nasaradong pinto. Ilang beses siyang bumuga ng malalim na hininga saka napapikit. Pinakalma niya ang sarili saka mahinang kumatok.

"Come in." Narinig niyang wika nito.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Nakaupo ito sa mahabang sofa habang nakatungo. Nag-angat ito ng tingin nang tumikhim siya. Walang emosyon ang mukha nito na nagpakabog ng kanyang puso.

Napakagat labi siya at tumungo. Hindi siya makatingin sa intensidad nitong titig. Paano ba niya sisimulan?

"Sorry," Mahina niya usal. "Hindi naman sa ayaw kong mabuntis. Nabigla lang ako pero 'yong nararamdaman ko sa puso ko. Ang saya-saya ko. Ina na ako. Dinadala ko ang anak ng taong mahal ko."

SPG 1: Act of Obsession(COMPLETED) Where stories live. Discover now