Chapter 5

85.4K 2.2K 101
                                    

"DUDE, BALITA ko may binabahay ka na daw."

Napatingin si Aleck sa kaibigan niya na nakangisi, si Maru Sevilla. Napapailing na lang siya saka sinimsim ang hawak na boteng rum. Malamang si Azrael na nagtsismis sa mga barkada nila na myembro ng SPG o kaya naman si Nyke, itong dalawang lang naman ang nakakita kay Nathalia na kasama niya. Siguradong inalam ng mga ito kung sino ang babaeng kasama niya.

"So, totoo nga?" anang naman ni Wilfred.

Ningisihan niya lang ang dalawa saka tumingin sa babaeng nakamaskara na tanging dalawang maliit na tela lamang ang tumatabon sa maseselan nitong parte habang sumasayaw sa gitna ng stage. Nasa club island sila ngayong gabi kasama ang kanyang kaibigan na members din ng SPG –sina Maru, Wilfred at Jude. A club island that allowed a prostitutes. Ang sikretong isla na pinamumungaran ng masasamang gawain tulad ng casino at black market. Ang kapatid ni Prime Mondaragon –ang leader ng SPG, ang may-ari ng islang ito.  Phoenix Mondragon, the syndicate leader and the owner of this club.

Napapailing na lang siya sa mga lalaking parang asong ulol habang pinagmamasdan ang stripper na sumasayaw sa pole. Mausok, maingay, at meron namang nagmamake-out sa kung saan. Mga babaeng waitress na halos hubad sa suot na kapirasong tela, meron namang nagsesex sa ibabaw ng lamesa.

Napapangiwi na lang si Aleck, gusto na niyang umuwi at makita si Nathalia ngunit hinihintay pa nila si Razier Alonzo na kasulukuyang kausap nito si Prime Mondragon. Razier Alonzo, isang guro sa sarili nitong paaralan. Hindi niya masyadong ka-close si Razier pero masasabi na niyang tapat itong kaibigan. Kadalasan kasi ang kasama niya sina Darius, Wilfred, Andrew. Mga tatlong lalaki na hindi mabilang kung nakailang babae na.

Tumayo na siya nang makita si Razier na palapit sa pwesto nila. Hudyat na siya naman ang kakausapin ni Prime.

Tumingin muna siya kay Jude at ngumisi. "Your twin brother is here." Tumingin siya sa kakambal nito kung saan niya nakita. Tutok na tutok ito habang nakatingin sa nagsasayaw.

"Fuck!" Tumayo si Jude at nilapitan ang kakambal nito. Tumawa naman ang mga kasamahan nila.

Pumasok si Aleck sa elevator at pinindot ang huling floor na office ni Prime. Misteryosong tao si Prime, hindi ito nakikipagkita sa mga tao maliban sa kanila na myembro ng SPG. He's powerful, very influential man, at dyos kung siya'y ituring. Madami itong connections, at isa ito sa tumulong sa kanya noong panahong lugmok siya sa nakaraan at noong mawalan siya ng pag-asa na mabuhay pa.

Dire-diretsyo lang siya maglakad nang bumukas ang pinto ng elevator. Isa-isang nag-bow ang mga tauhan sa kanya. Taas noo lang siya pumasok sa loob ng opisina nito. Bumalot ang tensyon sa buong kabuuan ng opisina.

Bumuga siya nang malalim na hininga. Pagdating talaga kay Prime, kahit pa na lalaki siya nararamdaman niya ang tensyon at matapang na awra nito. Nakaupo ito sa swivel chair na mahaba ang sandalan at nakatalikod siya. Bumubuga ito ng usok nangangahulugang naninigarilyo ito.

"Who's this young lady who caught your attention?" Baritonong boses na wika nito.

Hindi na nagtataka kung malaman nito ang tungkol kay Nathalia. Ito kasi ang unang pagkakataon na may babae siyang hinayaan na makapasok sa buhay niya.

"Nathalia Magsayo, master." Sagot niya.

"I know, and you're married with this girl."

Tumango siya. "Yes, master."

"Interesting." Humalakhak ito, napuno ng boses nito ang kabuuan ng opisina. "By the way, buksan mo ang folder na nasa table."

Bumuntong hininga siya. Na-relief siya na wala na itong iba pang tatanungin. Kumunot ang noo niya nang kunin niya ang folder at buksan ito.

SPG 1: Act of Obsession(COMPLETED) On viuen les histories. Descobreix ara