Chapter 2

109K 2.5K 325
                                    

WALA SA PAGKAIN ang atensyon ni Nathalia kundi sa lalaking kaharap niya ngayon habang katabi naman niya si Kaithleen na tila hindi pansin ang pagiging tensyonado niya. Hanggang ngayon kasi sariwa pa sa kanyang alaala ang Anaconda na nakita niya kagabi, hindi kaya siya nakatulog. Nagtagal pa nga siya sa silid ng isang oras para hindi niya makasabay si Aleck dahil nahihiya talaga siya ang kaso pagkababa niya ay hinihintay pala siya ng mga ito.

Bahagya siyang sumulyap kay Aleck ngunit nagbaba rin siya ng tingin nang magtama ang mga mata nila. Pansin niya na kaswal lang ito habang kumakain at tila nakalimutan na ang nangyari kagabi. Siya lang talaga ang apektado. Bakit kasi nakakita pa siya ng anaconda?

Hindi naman iyon ang unang beses na makakita siya ng anaconda pero ang laki kasi parang giant anaconda. Napakagat labi siya at pinilig ang ulo dahil kung anu-ano naman ang naiisip niya.

Stop thinking Nathalia! Stop thinking of his anaconda! Anang niya sa isip.

"Kuya, nahanapan mo na ba ng trabaho si Nathalia?" Tanong ni Kaithleen.

Tumikhim siya.

"Bakit kailangan pa niyang magtrabaho kung nagsusulat naman siya?" Malamig na nito.  

"Kulang kasi ang kinikita ko bilang writer," Sagot naman niya.

"Ano, kuya? Tanggap na ba siya?" Tanong ni Kaithleen.

"Yeah. She  will be my secretary." Anang naman nito.

Nakakinig lang si Nathalia kahit na siya lang naman ang pinag-uusapan.

"Di'ba kuya may secretary ka na? Si Hiyasmin?"

Tumango naman ito bago tumingin sa kanya na nagpakabog ng kanyang dibdib. Ibang klase kasi tumitig sa kanya ito parang buong pagkatao niya ay nababasa nito.

"Ikaw ang magiging secretary ko kapag may meeting ako sa labas. Out of town. Ikaw ang aking magiging kasama kapag may pupuntahan ako," wika nito.

Tumango naman siya. "Good" wika nito at tumayo. "I'll give you fifteen minutes to prepare yourself. Magsisimula ka na ngayon. I'll wait you outside." Wika nito bago umalis.

Bigla naman siyang sumubo ng isang tinapay at tatakbong nagtungo sa elevator. Hindi na niya napansin si Kaithleen na natatawa lang sa pagiging aligaga niya.

Pagkabukas ng elevator, nagmadali siyang pumasok sa silid saka dumiretsyo sa banyo at mabilis na naligo. Hindi na siya nakapag-ayos pa ng mukha at mabilis na nagsuklay ng buhok nang marinig niya ang busina nito sa labas.

Halos matapilok pa siya sa paglalakad dahil sa suot niyang heels. Inayos niya muna ang sarili bago siya lumabas. Nakita niya ito na nakasandal sa kotse habang pinapaikot ang susing hawak nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nila. Bigla namang namula ang kanyang pisngi nang pasadahan siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa. Na-conscious tuloy siya sa suot niyang mini skirt saka blusa na nakatiklop ang mahabang manggas hanggang sa siko. Inayos niya ulit ang kwelyo ng blusa kahit na hindi naman iyon nagusot.

"You're five minutes late," anas nito.

"Sorry ha? Fifteen minutes lang ang binigay mo sa'kin," sarkastimo niyang wika ngunit ngumisi lang ito.

Inirapan niya ito saka siya lumapit dito. Akmang bubuksan niya ang pinto ng back seat nang magsalita ito. "Gagawing mo akong driver?" 

"Ito na nga oh!"

Nauna itong pumasok sa driver seat bago siya naupo sa front seat. "Sungit!" Bulong niya habang sinusuot ang seat belt.

"May sinasabi ka?"   

SPG 1: Act of Obsession(COMPLETED) Where stories live. Discover now