THE END

75.3K 1.9K 84
                                    

AWANG-AWA SI Nathalia sa kalagayan ng kanyang asawa. Pinag-igib ba naman ng kanyang tatay si Aleck. Kailangan daw nitong mapuno ang sampung drum ng tubig. Eh, dalawang kilometro ang layo ng bukal. Wala naman siyang magawa kundi ang tumingin lang dahil pinagbawalan siya ng kanyang ama na tulungan si Aleck. Buntis din siya kaya ang magagawa na lang niya ay i-cheer ito.

Tila hindi ito nakakaramdam ng pagod. Nagagawa pa nitong ngumiti at kumanta saka kikindatan siya. Pagkatapos nitong mag-igib ay pinagsibak naman ito ng kahoy kahit may gasul sila. Aanhin naman ni tatay ang kahoy na nasibak? Sadya lang talaga nito pinahihirapan. Kasabwat pa ang kanyang dalawang kuya dahil ang kuya niyang si Jay-ar ay nahuli na ang kiliti nito. Tila butong-buto ito kay Aleck. Bukod sa pinagtrabaho ito sa kompanya nang wala man lang interview at pagpasa ng resume ay nalaman niya na nakatira pala ito pansamantala si condo ni Aleck. Dinadalhan pala ito ni Aleck buwan-buwan ng mga grocery saka doble ang sahod. Matagal nang nahuthutan.

Iyong dalawa naman niyang kuya ay nanlilisik ang mga mata habang nakitingin sa bawat kilos ni Aleck. Tila wala namang pakialam ang kanyang asawa bagkus ay ningingitian pa nito.

Sumapit ang tanghali nang magulat sila dahil biglang may letchong baboy sa lamesa. Nag-unahan agad ang tatlo niyang kapatid saka ang asawa ng mga ito at anak. Dalawa niyang kuya ay nag-asawa na. Si kuya Jay-ar saka ang pangalawa na si kuya Enzo. Ang panganay na si Kuya Trevor ay nanatiling binata. Sa palagay niya ay hindi maka-move on sa ex na pinagpalit sa isang matandang mayaman.

Naupo na rin ang kanyang ina na may ngiti sa labi. Ngunit ang ama niya ay walang emosyon na mababakas sa mukha. Ang hirap talagang paamuin ang tatay pero si nanay ay nakuha agad ang loob ni Aleck. Naaawa rin kasi ito kay Aleck. Tila hindi naman sanay si Aleck na mag-igib at magsibak ng kahoy.

Naupo silang magkatabi ni Aleck. Ito ang nagsandok ng ulam at kanin sa kanyang plato. Nilagyan rin siya ng mansanas sa gilid ng plato. Nahihiya naman si Nathalia kasi lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila lalo na ang matalim na mata ng kanyang tatay.

Naghahanap siya ng tyempo para makausap ng masinsinan ang kanyang ama. Alam niyang nagtatampo ito sa kanya dahil wala man lang siya pasabi na nag-asawa siya. Wala naman kasing kasalan na naganap. Hindi niya sasabihin pa 'yon sa ama. Baka mas lalo itong magalit kay Aleck. Baka isipin na pinikut siya ni Aleck which is not true. Dahil kusa naman niyang binigay kay Aleck ang sarili kasama na ang kanyang puso.

"Kumain ka ng marami, babe! Ayaw kong nagugutom kayo ni baby," malambing na ani Aleck kaya napaubo ang kanyang mga kuya.

Napatungo naman siya dahil hindi niya kayang tingnan ang kanyang ama. Pahamak talaga itong si Aleck, oh. Baka mas lalo siyang pahirapan ni tatay.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga sila ni Aleck sa kubo na malapit sa puno ng mangga at tanaw sa bahay nila. Hindi pa nga nila naubos ang letchong baboy kaya pinamigay sa mga kapitbahay ang natira. Mabuti na lang na hindi tsismosa ang mga taga baryo niya.

Nakaharap sila sa palayan na pag-aari ng kanyang tatay. Nakahiga si Aleck at nakaunan sa kanyang hita habang sinusuklayan niya ang buhok nito gamit ang sariling kamay. "Napagod ka ba?" Pag-aala niyang wika.

Ngumiti ito. "Sisiw lang sakin."

Hinawakan niya ang kamay nito nang mapansin niya ang pamumula nun. "You don't have to worry. Makukuha ko rin ang kiliti ng iyong ama."

"Mahal na mahal kita," aniya na nagpangiti kay Aleck.

"Damn! Kung walang lang nakakita baka kanina pa kitang naangkin dito," pagpipigil na wika ni Aleck na ikinapula ng kanyang pisngi.

Aamin niya na nakakamiss ang mainit nitong katawan na lumulukob sa kanyang hubad na katawan. Namimiss na niya ang mga sexy time nila ng asawa. May galang at respeto siya sa kanyang magulang kaya hanggat maari ay pinipigilan niya ang kanyang sarili.

SPG 1: Act of Obsession(COMPLETED) Where stories live. Discover now