Chapter 16

68.5K 1.8K 97
                                    

"I- I LOVE YOU"

Napatikom ng bibig si Nathalia nang biglang sabihin nito ang tatlong salita. Ngunit, bakit tila hindi masarap pakinggan sa pandinig niya? Dahil alam niya sa sarili niya na hindi 'yon para sa kanya. Para kay Rachel na kamukha niya.

Nilapag niya ang bulaklak sa lamesa.

"Mahal mo ako dahil kamukha ko siya?"

Mabilis itong umiling. "Hindi sa ganun. Oo kamukha mo siya-"

"You know what? Aalis na ako."

Dumilim ang mukha nito. "Aalis ka?" Nakatiim bagang nitong tanong.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib at napalunok. Nanayo ang balahibo niya sa matalim nitong titig. Parang hindi ito sa Aleck na nakilala niya. Ang gwapo at malamlam nitong mukha naging natatakot na awra.

Nilakasan niya ang loob na magsalita. "Lilipat na ako ng bahay." Bigla na lang siyang nagdesisyon na wala naman sa plano niya. Gusto niyang manatili sa mansyon kasama ang binata ngunit may nagtutulak sa kanya na umalis dahil pakiramdam niya ay hindi siya nararapat na tumira doon. May dahilan siyang umalis, tama na ang umasa na mamahalin siya ng binata dahil kahit kailan, hindi mangyayari 'yon. Ang kamukha niya ang mahal nito. Kamukha niya na matagal nang patay.

"Hindi ka aalis." Madiin na banta nito.

"Aalis ako." Wika niya sa mataas na boses. "Desisyong kong umalis." Dahil mas lalo akong masasaktan kung mananatili pa ako sa tabi mo.

"Bakit ka aalis? Bakit mo ako iiwanan?" He said, may halong lungkot ang boses nito ngunit ang mukha nito ay madilim pa rin.

Nakakahina ng tuhod.

Ayaw ba niya akong umalis? Aasa na naman ba siya? No! Ayaw nitong umalis siya dahil nanakita nito sa kanya si Rachel. Ang babaeng mahal na mahal ng binata.

"Lilipat lang ako ng ba-"

"Hindi mo kaila-"

"Kailangan." Putol niya sa sasabihin nito. Bumuntong hininga siya. "Kalimutan mo na lang kung ano man ang nangyari sa'tin. " Tumawa siya ng pagak. Ang sikip-sikip ng dibdib niya. "Hindi nga pala tayo."

"I don't want to forget it. Oo! Walang tayo pero akin ka."

"Hindi ako sa'yo!" Sigaw niya dito. She took a loud breath upang pakalmahin ang sarili. "Walang nagmamay-ari sa'kin. Sarili ko lang!"

"When I first marked you, you're already mine. Akin ka. Hindi ka aalis."

Umiling siya. Saan ba nanggagaling ang sinasabi nito? Hindi niya kayang paniwalaan. He's crazy!

Akmang lalagpasan niya ito upang makaalis dito ngunit hinawakan nito ng madiin ang kanyang braso. Matalim itong tumitig sa kanya. "Nasasaktan ako!" Napangiwi siya nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. Bumabaon ang kuko nito sa balat niya at paniguradong magkakapasa 'yon.

Dumagundong sa kaba ang puso niya nang makita ang madilim nitong mukha. Nakakatakot! Nakakapanindig balahibo! Si Aleck pa ba ang kaharap niya? Sa nakikita niya ngayon, tila hindi ito si Aleck. Kakaiba ang dilim ng awra nito. Ito ang unang beses na makita niya ang kakaibang talim ng titig nito. Tila hihimatayin ka sa mata nitong dumidilim.

"Hindi ka aalis!"

Napakislot siya sa sigaw ng boses nito. Dumagundong ang malaki nitong boses sa kabuuan nang penthouse nito. Nakakabingi!

"B-bitawan mo ako."

Kahit ang kabog ng kanyang dibdib ang tanging naririnig. Nilakasan pa rin niya ang kanyang loob na panindigan ang kanyang desisyon. Para saan pa na manatili sa lugar na ito kung alam niyang wala siyang lugar dito. Hindi siya ang kailangan ng binata, ang babaeng kamukha niya ang gusto nitong makapiling at hindi siya.

SPG 1: Act of Obsession(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon