Chapter 18- spg

81.7K 1.7K 152
                                    

KINAUMAGAHAN, masama ang timpla ng mukha ni Nathalia nang magising siya. Pinilit niyang makatulog sa kakaisip na magkatabi ang dalawa sa kabilang silid at maaaring may ginagawa ang dalawa na ginagawa din nila ni Aleck. Ngunit naalimpungatan siya ng madaling araw nang maramdaman niya ang pagtabi ni Aleck sa kanya. Nagpanggap siyang tulog ngunit gising ang diwa niya. Niyakap lang siya nito hanggang sa nakatulog din siya dahil naging panatag ang kanyang puso. Ang bilis gumaan ng kanyang pakiramdam sa isang yakap at haplos lang ng binata.

Ngunit nagising siya nang wala na siyang katabi. Hindi na niya pinagkaabalahan pa na alamin kung nasaan ito. Sigurado naman siya na kasama nito ang girlfriend. Hindi naman niya pwedeng awayin ang babae dahil asawa lang siya sa papel. Ang pinagtataka niya kung girlfriend 'yon ng binata, bakit pinapermahan pa siya ng kontrata? Pwede naman ang girlfriend nito ang iasawa nito. Hindi 'yong aabalahin pa siya, nakakasakit na kasi.

Pagkatapos niyang maligo at nagbihis. Dumiretsyo agad siya sa kusina para magluto para sa sarili niya. Ang kapal naman nila kung ipapagluluto pa niya ang mga ito. Hindi naman siya masokista para gawin 'yon. Sinangag niya lang ang natirang kanin kagabi saka nagprito ng isang itlog.

Mabilis niyang naubos ang pagkain. Napadighay pa siya sa sobrang kabusugan. Patayo sana siya nang marinig niya ang dalawang boses na paparating. Umirap siya saka dinala ang plato sa sink. Hindi niya huhugasan 'yon, hindi naman siya katulong. Secretary lang siya. 

Palabas na siya ng kusina nang makasalubong niya ang dalawa na nagtatawanan. Nakakapit ang babae sa braso ni Aleck. She forget her name kasi hindi naman importante.

Tinaasan siya ng kilay ng makita siya. Blangko lang ang ekspresyon ni Aleck habang nakatingin sa kanya. Tinaasan niya din ng kilay ang babae. Hindi naman siya magpapatalo.

"Did you cook breakfast for us?" Mataray na tanong nito.

"Bakit? Katulong ba ako?"

"That's your responsibility because your just his secretary. Katulong ka man o hindi." Pagtataray.

"E'di ikaw ang magluto," sarkastikong wika niya.

"Aba! Sumasagot ka pa."

"Hayaan mo na." Ani Aleck. "Ako na lang ang magluluto."

Matalim siyang tumingin kay Aleck, ningisihan lang siya nito.

"Ako na ang magluluto." As if naman na hahayaan niyang magluto ito para sa babaeng ito. Siya lang dapat ang ipagluto, hindi 'yong kung sino-sino lang.

Padabog niyang binuksan ang ref saka naghanap ng pwedeng maluluto pang-almusal. Habang nagluluto siya, hindi niya pinapahalata na nakikinig siya nang usapan ng dalawa. Nagsaing siya sa rice cooker saka nagprito ng hotdog bago ang bacon.

"Nasaan ka nga pala ng madaling araw? Nagising ako wala ka na sa tabi ko." Pagtatampong wika nito.

"Nasaan ka nga pala ng madaling araw?" Panggagaya niya sa boses nito ng pabulong.

"May sinasabi ka?"

Humarap siya sa babae. She smiled, sarcastic. "Sabi ko, luto na po."

Lumapit siya sa mga ito dala ang isang plato ng hotdog. Padabog niyang nilapag 'yon. "Kain na, mahal na prinsesa," sarkastikong wika niya.

Matalim ang tingin na bumaling siya kay Aleck. May pagbabanta ang bawat titig niya sa binata. Nakita niya ang paglunok. May takot rin pala ito sa kanya.

Iniwan niya ang dalawa sa kusina. Lumabas siya at nagtungo sa likod-bahay. Naglakad-lakad siya sa damuhan habang pinapakalma ang sarili.

"Kapag ako talaga nakaalis sa islang ito. Hinding-hindi na ako magpapakita sa babaerong Aleck na 'yon," naiinis niyang wika habang pinagbabato sa malayo ang mga napupulot niyang maliit na bato.

SPG 1: Act of Obsession(COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang