"So. He finally broke up with her, huh? Nice." sabi nito ng nakangisi.  "Where's Kyle?" tanong ulit nito. Hindi ba siya nauubusan ng tanong? 

Bago ko sinagot ang tanong niya, nilagok ko na agad ang laman ng baso ko. Tapang talaga. Kailan kaya ako masasanay sa lasa ng alak? "Aba malay ko dun?"

"Si Steven?" at nagtanong nanaman si gago. 

"Dude. Hindi ka ba nauubusan ng tanong?" sinalinan ko ulit ng alak ang baso ko. Mukhang masarap nanaman ang tulog ko nito. Tamang amats lang. 

"Just answer me." mataray na sabi nito. 

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Nasa Cavite siguro?" 

Sa ilang oras na nakilala ko ang kapatid nitong si Mildred ay masasabi kong magkaibang magkaiba talaga sila ng ugali. Buti naman at hindi namana ng kapatid niya ang mood swings ng kuya niya. Masyadong mainitin ang ulo ng isang 'to. Kinulang siguro sa bebe time.

"So, what's for dinner?" Napalingon kaming dalawa sa nagsalita.

Si Mildred. Nakasuot ito ng bestida na may print na cartoon. Nag-mukha tuloy 'tong elementary sa suot nito. 

"Adobo." tipid na sagot ni Zeke.

"Wow! Let's eat!" masiglang sabi naman ni Mildred. Agad na dumiretso ito sa hapagkainan at nagsalin ng kanin. 

"Shut up." pagtataray ni Zeke.

"Dude. Kapatid mo yan." pagbabanta ko dito. Ang sungit talaga nito. Paano ba sila naging magkapatid ni Mildred? Ibang klase.

"So, saan ka nags-school kuya?" paninimula ng usapan ni Mildred. Nagsalin ito ng ulam sa kanyang plato. Mukhang magana kumain ang isang 'to. Masarap isama 'to sa buffet. Tiyak na hindi kami malulugi.

"Ask Silver." 

"Um, sa Northville University." nagtusok ako ng patatas at saka kinain ito bago ulit ako magsalita. "Sabay tayo?" tinignan ko ito.

"Talaga?" parang nagningning naman ang mata nito sa offer ko. Hay. Parang bata talaga. 

"Sure, kung gusto mo." 

Tahimik lang kaming kumakain ngayon. Sa bagay, halos palagi namang ganito. Bihira lang kaming magusap kapag nasa harap ng hapag kainan. 

"Mildred." tawag ko rito.

Tumingin ito sa akin at sumagot ng may laman pang pagkain sa bibig. "Yes?"

"Saan nag-aaral si Hana?" bigla kong tanong dito.  Curious lang. Baka kasi makita ko nanaman ulit yung babaeng napkin. Kung sakali man ay kailangan ko ng ihanda ang tenga ko sa nakakabingi nitong boses. Asar pa man din yun sa'kin.

"Secret. Crush mo?" dire-diretsong sabi nito. Napaka-chismosa naman ng kapatid ni Ezekiel. Hindi naman porket nagtanong ako ay may gusto na agad ako. Ampota.

Napatingin kaming dalawa. Mukhang nasamid si Zeke sa sinabi ni Mildred.

"Teka. Saan ka pupunta?" 

"Nawalan ako ng gana." walang ekspresyon na tugon nito. Bago pa man kami makapagsalita ay umalis na ito. Anong problema nun?

"Oo nga pala." tumingin si Mildred sa akin at saka dinuro duro ako gamit ang tinidor. "Bakit mo nga pala ako iniwan kanina? Baliw ka ba? Akala ko ba hihintayin mo ako sa labas? Tapos ano? Sapakin kaya kita." galit na galit na sabi nito.

"Chill." pinag-ekis ko ang dalawang braso ko at saka sya tinignan. "Pwede ba? Wag mo kong tignan ng ganyan. It freaks me out."  

Inirapan lang ako nito.

"Well, nainis kasi ako sa kaibigan mo. Yung Hana? Ang nagger. Sarap tapalan ng tape sa bunganga." pag-eexplain ko dito. 

"Nagpaalam ka man lang sana!" sa pagkakaalala ko ay nagpaalam naman ako. Masyado ka lang preoccupied sa bisita mo kaya hindi mo napansin ang pag-alis ko.

Magrarason pa sana ako ng may marinig kaming nabasag mula sa itaas.

"What the fuck?"  Napatayo kaming dalawa ni Mildred at nagkatinginan. Mukhang problemado si Ezekiel a? Pinagdiskitahan nanaman ang vase sa taas. Kaya nauubusan na kami ng furnitures dito sa bahay e. Sa tuwing mababadtrip ang isang yon, ihahagis na lang basta basta kung ano mang mapulot niya. Tapos bibili ulit ng panibago para idisplay. Labo talaga ampota.

"Psst. Silver" napatingin naman ako kay Mildred.

"Oh?" bored na tanong ko dito. 

"Gangster kayo ni kuya di ba?" tanong nito habang nakangiti ng malaki. Ampota.

"ANO!?" 

**


Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Where stories live. Discover now