CHAPTER TWENTY

Magsimula sa umpisa
                                    

Lihim na nitirik nalang ni Kitty ang kanyang mag mata. Mukhang hindi lamang ito ang unang beses na maaring nabanggit ng mga ito kay Husky ang bagay na iyon. Ang hirap din pala ng maraming kapatid. Mas excited pa kasi ang mga ito sa lovelife niyang non-existent naman. Kung alam lamang ng mga ito na wala nga yatang pag-asa ang pag-ibig na iyon, malamang isa-isa ng nagaklas ang mga ito. Nakakahiya.

"ANONG meron ngayon?" Takang tanong ni Kitty kay Husky matapos ang kanilang 'bonding' sa opisina nito. Hindi niya lubos akalain na sobrang nakakapagod pala ang ginagawa ng binata sa buong araw. Tinatambakan ito ng mga papel na wala na yatang katapusan at kabi-kabila din ang meeting ito.

"Gusto ko lang magrelax. I know kailangan mo rin ito," sabi nito sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay. "I'm sorry for stressing you out. Napaka-demanding ng trabaho ko."

Hindi siya umimik dahil mas busy siya sa pagdama ng hawak ni Husky sa kanyang kamay. Ngayon lamang niya lubos na napagmasdan ang magkahugpong nilang kamay. Parang eksaktong kabaliktaran niya ang binata, ngunit para silang itinakdang magtagpo.

At least, gusto niyang isipin na ganoon.

May kinuha si Husky mula sa sasakyan nito. Bago na iyon ngayon dahil ang pick up nitong nasira ay nasa paayusan parin. Sabi ng binata sa kanya, matatagalan pa iyon bago maipaayos.

Napakunot siya nang makita niya ang ang gitarang hindi niya kilala. "Kailan mo binili yan?" Kastigo niya sa binata. "At bakit ka bumili—"

"Iyan ka na naman sa pagrereklamo mo," anito sa kanya saka siya tiningnan habang nakangiti ito. "Hindi naman para sa'yo ito. Para sa'kin."

"B-bakit?"

"Tuturuan mo akong mag-gitara at kumanta," sabi ito sa kanya na lalo yatang ikinalapad ng ngiti nito.

"Ikaw? kakanta? Bakit?"

"Para fair tayo," sabi nito. "Since pumapasok ka sa office, hindi ba dapat ako rin, rumaraket kagaya mo?"

"P-pero—" nag-aalangan siya. Sa mga nakalipas na linggo, hindi siya nag-aalala pamilya dahil may iniwan pa siyang pera. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Husky. Hindi ba dapat mas nagpaplano na tayo kung paano tayo babalik sa dati kaysa—"

"Can't we just enjoy being in each other's body for a while?" SInserong sabi nito saka tumingin sa kawalan. Naroroon sila sa isang parte ng Manila Bay at pinapanuood ang pagsayaw ng tubig sa ilalim ng liwanag ng buwan. Maraming tao sa lugar ngunit iniisip ni Kitty na mas mabuti iyon, dahil kapag naiwan silang dalawa ni Husky na mag-isa, maaaring gumawa siya ng bagay na hindi niya inaasahan.

"Ang tagal na natin sa katawan ng isa't isa, Husky. Hindi ka pa ba nag-enjoy?" Aniya sa tonong nagbibiro ngunit kung siya lamang ang tatanungin, ayaw pa rin niyang bumalik sa tama nilang katawan.

"Alam mo, sa totoo lang, hindi ko na maimagine ang sarili ko kapag wala ka na sa tabi ko."

Kulang ang salitang gulantang para ilarawan an ganging reaaksyon ni Kitty sa mga narinig niya kay Husky. nagbibiro ba ang binata? Nilingon niya ito ngunit seryoso, pero nakatanaw sa malayo ang tingin nito.

"Nakakatawang isipin 'no? Pero hindi ko rin alam kung bakit ganoon Kitty. I just felt that you were a part of me now and I can't imagine myself without you in it." Nilingon siya ng binata. "Ganoon kalaki ang naging epekto sa 'kin ng pangyayaring ito sa'tin."

"H-huksy..." hindi niya alam kung paanong sisimulan ang mga gusto niyang sabihin sa binata. Sa dami niyon, tila nagsala-salabid na sa kanyang isipin ang mga salita at ni isa ay hindi magawang iusal.

"I never really thought I'd thank you for this, but thank you so much Kitty. Dahil nang makilala kita, marami akong nalamang mga bagay na hindi ko alam dati, marami akong narealize at nakita ko ang mundong iba sa mundong ginagalawan ko." Hinawakan ni Husky ang kanyang kamay saka siya tinitigan ng diretso sa mata. "Meeting you made me realize that I was happy with my life but I'm not contented."

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon