Chapter 4

14 1 0
                                    

Bianca's P.O.V

Nang makapasok ako sa classroom galing sa canteen, naabutan ko ang iba kong mga kaklase na nagtatawanan at nagsisigawan. Dumiretso ako sa aking upuan at tinanong si hannah- seat mate ko kung nasaan na si ma'am

"Marami daw ginagawa si ma'am sa faculty kaya ang sabi niya gawin daw natin ang gusto nating gawin, basta wag lang daw gumawa ng gulo" sagot niya

"Ah ganon ba? Sige salamat"

Naisipan kong lumabas muna ng classroom dahil ang ingay, di rin kasi ako sanay sa ingay. Naisipan kong pumunta sa may garden dahil mas tahimik dun.

Nang makarating ako sa may garden ay sumalubong saakin anh sariwang hangin. Umupo ako sa may damuhan, sa may tabi ng malaking puno. Inilabas ko ang aking phone at headset pati na rin yung drawing materials ko. Mahilig kasi akong mag-drawing ng kung ano-ano. Pinatug-tug ko ang favorite song ko na A sky full of stars by cold play, ang ganda lang kasing pakinggan.

Naisipan kung mag-drawing ng isang aso, bakit aso? Kasi... Wala lang haha.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Habang nagd-drawing ako ay parang may narinig ako tili. Tinanggal ko ang headset, pero wala naman akong narinig. Baka guni-guni ko lang yun.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Nagulat ako dahil sa narinig kong sigaw na nagmula sa school ground. Hindi ko na sana papansinin pero sunod-sunod na yung mga sigaw na naririnig ko.

Inayos ko ang mga gamit ko at nagsimulang tumayo. Medyo kinakabahan na ako dahil baka may kung anong kaguluhan ang nangyayari sa school ground.

Nagdadalawang isip ako kung pupunta pa ba ako o hindi na dahil baka madamay lang ako sa kaguluhang nangyayari sa school ground.

Dahil sa curiosity ko ay pumunta ako sa school ground.

Nanginig ako sa aking nakita habang nakatayo ako sa di kalayuan sa may school ground. Maraming dugo ang nagkalat sa paligid.

Kitang-kita ng dalawa kong mata ang nangyayari sa school ground. Mga kapwa kong estudyante na nagsisitakbuhan, nag-iiyakan at kinakain nila ang kapwa nilang estudyante.

Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano kainin ng mga kapwa ko estudyante ang kapwa nila estudyante.

Kitang-kita ko rin ang mga dugo na dumadaloy sa kanilang damit na dating kay na ngayon ay kulay pula na. Kung paano lumabas ang laman loob ng ilang estudyante.

"Tumakbo ka na!"

"Alis ka na diyan, kung ayaw maging kagaya nila!"

"Run! Bitch! Run!"

Sabi saakin ng ilang estudyante na nakakasalubong ko na tumatakbo palayo sa school ground.

Gusto kong tumakbo, gusto kong umalis, gusto kong tumakas pero tila parang napako ang aking paa sa aking kinatatayuan. Natatakot at kinakabahan sa mga nangyayari.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Tila nawawala ako sa aking sarili. Naiiyak na ako

"HOY! BAKLA! ANO PANG TINATAYO-TAYO MO DIYAN!? TARA NA! TAKBO!!" hindi parin ako gumagalaw saaking kinakatayuan

Nagulat nalang ako ng may biglang humila sa aking kamay, pagtingin ko taong yun ay nakita ko sa vince. Hinayaan ko nalang siya na hilain ako paalis sa lugar na ito.

"SO ANO! BALAK MO BANG MAGPAKAGAT SA MGA PAPABELS NA KUMAKAGAT! NAKU! GIRL WAG NGAYON! WALA TAYO SA TAMANG PANAHON AT ORAS PARA GAWIN YON!" Sigaw saakin ni vince habang tumatakbo kami.

Nagising naman ako sa realidad, kaya binilisan ko na rin ang pagtakbo.

Zombie Apocalypse: Never Die AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon