Chapter 9

7 1 0
                                    

Bianca's P.O.V

Habang tumatakbo kami ay may nakasalubong kaming walong zombies. Inihanda namin ang hawak-hawak naming armas.

Isa-isa silang nagsilapitan saamin, lumapit saakin ang isa kaya pinukpok ko ng pagkalakas-lakas ang ulo ng zombie. Nawasak ang ulo nito kaya kitang-kita ang utak nito, nagsitalsikan naman ang dugo nito sa aking damit.

Ganun rin ang ginawa ng mga kaibigan ko. May lumapit pang isa sa akin kaya pinukpok ko ulit sa ulo.

Nang mapatay namin silang lahat ay may dumating pang anim na zombies, at isa-isa namin silang pinatumba.

Bigla ulit may dumating na lima, nahawakan ako ng isang zombie, kakagatin niya sana ako pero bigla itong natumba. Nakita ko si erlyn na nakatayo sa harap ko.

"Ok ka lang?" Nag-aalang tanong ni erlyn.

"Ok lang ako" sabi ko sabay yakap sakanya

"Salamat" pasasalamat ko

"Welcome!" Nakangiti nitong wika

"MGA BAKLA! TARA NA! PARAMI NA SILA NANG PARAMI!" sigaw ni vince

Agad kaming tumakbo pero, nang medyo nakalayo kami ay nagpahinga muna kami saglit bago pinagpatuloy ang pagtakbo, nang biglang nahulog ni erlyn yung hawak niyang bakal.

"Wait lang mga bitches! Kukunin ko lang ang aking magic sword!" Saad niya saka tumakbo papunta sa kung saan nahulog ang magic sword kuno.

"Dalian mo, bakla!" Wika ni vince

Nang makuha niya ito ay may biglang lumas na zombie sa may gilid.

"ERLYN! SA MAY KALIWA MO!" sigaw ni kaye.

Unti-unting lumapit ang zombie sa pwesto ni erlyn. Napaatras si erlyn, tumakbo ang zombie kay erlyn.

"ERLYYYYYYYYYYYN!" Napasigaw kaming lahat dahil nakagat si erlyn sa balikat.

Tumakbo agad si vince sa kinaroroonan ni erlyn. Pinag-papalo ni vince ang zombie, nang mapatay niya ito ay agad kaming lumapit ka erlyn.

"Erlyn!" Nakita ko si erlyn na hawak-hawak ang kanyang balikat. Maraming dugo ang lumalabas mula sa kanyang balikat.

Agad hinubad ni vince ang kanyang jacket, ipinatapal niya ito sa balikat ni erlyn para matigil ang pagdurugo.

"E-erlyn!" Naiiyak na kaming tatlo dito dahil sa sitwasyon niya.

"Guys! Andiyan na sila! Tulungan niyo akong buhatin si erlyn!" Agad naming binuhat si erlyn

"Mga bakla, Iw-*ubo* an niyo na *ubo* ako!" Napaubo ng dugo si erlyn habang nagsasalita

"Hindi ka namin iiwan erlyn! Kaya manahimik ka na lang diyan." Sabi ni kaye

Nahihirapan kaming tumakbo dahil sa kabigatan ni erlyn. Sa awa ng diyos wala ng humabol saaming mga zombies.

"Sa Computer lab. tayo" sabi ko

Nang makarating kami sa computer lab. ay agad naming isinara ang pintuan. Buti na lang at walang mga zombies dito.

"M-mga b-bakla, p-p-patayin n-niyo n-na a-ako" nahihirapang saad ni erlyn.

"Hindi kami mamamatay tao, oyyy!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni vince

Malalim ang bawat paghinga ni erlyn, tila naghahabol ng hininga

"Erlyn, wag na huminga. Mabaho!" Sabi ni vince

"H-h-ha-y-yop k-ka" hirap na sa paghinga si erlyn.

"M-mga b-bakla, s-s-sige n-na, p-p-patayin n-n-niyo n-na a-a-ako" naluluhang saad ni erlyn.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kami mamamatay tao" naiiyak na rin si vince

"S-s-salamat s-sa lahat, sa mga g-good m-memories. S-salamat d-dahil lagi k-kayong n-nandiyan sa t-tabi k-ko, t-tuwing m-may p-problema, t-tuwing stress na stress ako sa b-buhay lagi niyo kong pin-" napa-ubo ulit ng dugo si erlyn "-pinapasaya"

Naiyak na kami ng tuluyan dahil sa sinabi ni erlyn, bumalik lahat ng ala-ala na nangyari.

Yung time na kapag may quiz kami tapos tinatamad kaming mag-review, pupunta kami nina vince, at carl sa classroom nila erlyn, sab, kaye at pat. Magtatanong kami ng sagot tapos ibibigay nila yung isang piraso ng papel na may sagot. Ganon rin kami sa kanila. Mga cheater lang ang peg!

Kapag halfday kami, pupunta kami sa favorite na kainan namin, tapos magku-kuwentahan ng kung ano-ano.

"Stress reliever lang ang peg!?" Naiiyak rin na saad ni kaye

"H-huwag n-nga k-kayong umiyak! A-ang ch-chaka n-niyo" wika ni erlyn

"Ay t-taray! N-nahiya naman kami sayo! Magiging impakta ka rin mamaya!" Pinipigilan ni vince na huwag umiyak pero hindi niya napigilan.

"K-kaya patayin niyo na a-ako d-dahil a-ayoko na m-makita niyo k-kong m-maging impakta" natatawang saad ni erlyn

"Ayy teh! Simula nung ipinanganak ka. Nung nasa sinapupunan ka palang ni tita. Chaka ka na." Wika ko  habang pinupunasan ang aking luha.

"K-kala mo g-ganda ah? Love you mga bakla"

Mas lalo kaming napaiyak nung hindi na gumagalaw si erlyn. Inihanda na ni kaye ang hawak niyang bakal.

"Sorry erlyn, rest in peace" saad ni kaye bago niya sinakak ang ulo ni erlyn
.
.
.
.
Rest in peace Erlyn

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now