Chapter 8

10 2 0
                                    

Bianca's P.O.V

"Ready na ba?" Tanong saamin ni vince

Tumango naman kaming tatlo.
Binuksan ng kaunti ni vince ang pintuan at sinilip ang labas. Nang masiguradong walang zombies ay lumabas na kami ng room.

Dahan-dahan kaming tumakbo ng hindi lumilikha ng ingay. Buti nalang naka-rubber shoes kaming lahat. Bumaba kami ng hagdanan papunta ng ground floor.

Nang makarating kami sa may baba ay may nakita kaming maraming zombies, kaya napabalik kami sa taas.

"Paano na yan?" Tanong ni vince

"Doon tayo sa isang hagdan!" Sabi ni kaye.

Dahan-dahan ulit kaming naglakad patungo sa isang hagdan. Napatigil kami sa paglalakad ng huminto si vince

"An-" tinakpan ni vince ang bibig ni erlyn. Sinenyasan niya kami na tumahimik. May zombie pala.

Inihanda naman ni vince ang hawak niyang walis tambo. Saka niya itinusok ang dulo ng walis sa ulo ng zombie kaya natumba ito.

"Taray ni bakla! Nagiging lalaki na!" Natatawang saad ni erlyn na nasa harap ko.

Natawa kami ni kaye sa sinabi ni erlyn. Pero nagulat kami kasi sunod-sunod na nagsilabasan ang nga zombie sa isang classroom.

"Ahhhhhhhhhhhhhh!"

Napasigaw kaming lahat kaya mas dumami sila.

"SA TAAS TAYO! SA MAY FIRE EXIT!" sigaw ni erlyn kaya napatakbo kami lahat.

Agad na nakasunod yung mga zombies kaya mas binilisan pa namin ang pagtakbo. Agad na binukasan ni erlyn ang pintuan ng fire exit kaya agad kaming pumasok. Nang makapasok kaming lahat ay isinarado agad ni vince ang pintuan.

"Oh my! Muntikan na tayo dun ah!" Hingal na hingal na saad ni vince

*booooogssssh!

Agad kaming nakarinig ng kalampag sa may pintuan, kaya agad kaming bumaba. Nang makarating kami sa ground floor ay agad kaming nagtungo sa may bodega ng eskwelan na to. Buti na lag at wala kaming nakasalubong na zombie.

Pumasok kami agad sa bodega at isinara ang pintuan. I-on ko naman ang ilaw sa bodega dahil medyo madilim sa loob.

Nagpahinga muna kami ng ilang minuto. Nang makapagpahinga kami ay naghanap na kami ng pwedeng pang-armas.

"Eto oh, baseball bat!" Sabi ni vince sabay kuha sa dalawang baseball bat.

"Eto rin oh, bakal! Mas maganda to!" Sabi ni erlyn sa hawak niyang itak.

"Ilang bakal ang meron dito?" Tanong ni vince kay erlyn

"Wait lang," naghanap pa si erlyn kaya tinulungan na namin siya ni kaye

"Ito! Meron dito" masayang sabi ni kaye sabay pakita saamin ang hawak niyang bakal

"Bakla!, sayo nalang oh" sabay abot saakin ni vince ang isang hawak niyang baseball bat.

"Salamat, bakla" pasalamat ko

"Ano? Ready na ulit kayo?" Tanong saamin ni bakla

"Game na kami!" Sagot namin.

Dahan-dahan kaming lumabas ng bodega. Napatakip ako ng mata dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mata.

Sumalubong saamin ang tahimik na kapaligiran.

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now