Chapter 3

23 1 0
                                    

Kaye's P.O.V

"Hoy! Kaye! Umayos ka nga! Baka pagalitan tayo ni sir santos pag nakita tayo!" Bulong saakin ni erlyn.

Aish! Kasi naman ang boring magturo nitong hayop (chaaar!) na titser na to eh! Kaya naisipan ko namang guluhin tong si erlyn.

Isa pa tong erlyn na to eh! Akala mo naman nag-aaral talaga yan ng mabuti! As far as i know takot lang yan na mapagalitan ni sir santos kaya ganyan kung umasta. May pasulat-sulat pang nalalaman ang lola niyo!

Sinundot ko ang tagiliran ni Erlyn kaya tumingin siya saakin sabay hampas sa balikat ko. Aray ah! Ang sakit nun ah! Agad ko naman siyang binawian. Hinampas ko siya sakanyang braso.

"Aray!" Napasigaw si erlyn dahil sa ginawa ko. Ops! Napalakas ata ako ng paghampas.

Napatingin naman saamin ang buong klase pati na rin si sir santos, kaya agad siyang lumapit saamin.

"What are you doing you two? Miss dela cruz and miss delos reyes?" Tanong saamin ni sir santos habang nanlalaki ang mga mata nito at ang butas ng kanyang ilong. Gusto kong tumawa pero hindi ko yun pinahalata dahil parang galit na galit ito.

"Ahehe" tanging pagtawa lang ang naisagot namin ni erlyn

"Get out!" Nagulat kami pareho ni erlyn sa biglang pagsigaw ni Sir santos pero mas natawa ako sa naging itsura niya ngayon

"Pero, sir-" biglang pinutol ni sir ang sasabihin ni erlyn

"No buts. GET. OUT. OF. MY. CLASS. NOW!" agad kaming napatakbo palabas ng room ni erlyn dala dala ang aming mga gamit.

Nang makalabas kami ng classroom ay bigla akonh sinabunutan ni erlyn

"Aray!" Daing ko dahil ang sakit ng pagkakasabunot niya saakin

"Nakita mo yung ginawa mo!? Yan tuloy napagalitan tayo ng wala sa oras, and worst napalabas pa tayo ng classroom!" Sabi ni erlyn habang hawak-hawak ang aking buhok.

Hindi naman ako nagpatalo kaya bigla ko rin siyang sinabunutan. Aba! Di ako papatalo oyy!

"Ugghhh!" Napadaing naman siya dahil sa pagsabunot ka sakaniya.

"Anong ako!? Ikaw kaya! Kung hindi mo sana ako hinampas edi sana di rin kita hinampas!" Sabi ko

"Hoy! Ikaw kaya nauna! Kung di mo sinundot yung tagiliran ko edi sana di rin kita hinampas!" Wika nito

Nagpatuloy kami sa pagsasabunutan habang nasa hallway kami. Pero bigla kaming tumigil at tumawa na parang baliw. Bigla naman kaming sinita ng isang guro. Kaya napatakbo kami.

"Hahahahaha, nakita mo ba yung itsura ni sir santos kanina hahahahahaha, para siyang gurilya kung magalit hahahaha" natatawang sabi ni erlyn

"Hahahahaha nagpipigil nga ako ng tawa kanina eh hahahaha!" Natatawa ko rin sabi

Natawa naman kami sa sitwasyon namin ngayon. Para kaming mga baliw, ang gulo-gulo ng mga buhok namin. Kaya naisipan naming pumunta ng cr.

Nang makapasok kami sa cr ay may narinig kaming nag-uusap sa may cubicle.

"Uy!sarah! Alam mo ba! Nagkita kami ni rex kahapon? Sabi ni girl 1

"Oh tapos! Anong nangyari?" Tanong naman ni sarah daw?

"Niyaya niya ako mag-hotel! Tapos may nangyari saamin! Bes! Alam mo ba!? Ang laki ng ano niya parang nasa 7 inches bes! Nakakaloka ang ano niya bes!" kinikilig na sabi ni ateng girl

Nagkatinginan naman kami ni erlyn dahil sa narinig namin. Medyo napatawa ako sa itsura ni erlyn dahil parang nasusuka ito sa mga naririnig haha

Lumabas naman ang dalawang babae na tumatawa pa, napahinto sila sa pagtawa ng makita kami ni erlyn.

"Tapos ano pa!?" Tanong ni sarah na parang wala lang. Pumasok ako sa isang cubicle habang si erlyn naman ay sa kabila.

"Ayon, umabot kami hanggang round 3" narinig kong sabi ni ate girl. Taray naman ni ate girl buti kinaya ng kaniyang bulaklak ang 7 inches.

"Ay tal-" naputol ang usapan ng dalawa dahil may biglang sumigaw sa labas

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh"

"Ano yun?"

"Tara tignan natin" narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan ng cr kaya naisapan ko nang lumabas. Pagkalabas ko ay nakita ko rin si erlyn na palabas na rin.

"Naloka ako sa kwentuhan ng dalawang yun ah! Kala mo ganda! Buti kinaya ni ateng girl ang 7 inches na ano ni kuya! Haha" natawa naman ako sa sinabi niya

"Hayop ka! Inggit ka?" Natatawa kong tanong

"Yaks! No! Pero ano yung sigaw kanina?" Tanong niya

"Oo nga noh? Tara labas na tayo"

Pagkalabas namin ng cr ay nakita namin ang kapwa naming estudyante sa baba na nagsisitakbuhan, nagsisigawan, nagtutulakan,  nag-iiyakan at kinanain ang kapwa namin estudyante- teka kinakain?

"K-kaye! A-anong meron?" Kinakabahang tanong ni erlyn

"H-h-hindi ko rin a-a-alam" kinakabahan narin ako

"Ahhhhhhhhhhhh!" Napatingin kami sa hallway at nakita namin ang isang babae na tumatakbo

"A-ate anong meron?" Tanong ni erlyn sa babae

"H-h-hindi k-k-ko a-alam! Basta tumakbo na kayo at magtago!" Hingal na hingal si ateng girl habang nagsasalita

"Hindi ko alam kung anong meron, basta kapag nakagat ka nila magiging kagaya ka rin nila!" Sabi ni Ateng girl sabay takbo

"Tumakbo na kayo habang may oras pa!" Pahabol ni ateng girl

Hindi namin alam ang gagawin kaya nanatili kaming nakatayo ni erlyn sa may hallway habang ang iba ay nagsisitakbuhan.

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now