Chapter 7

9 1 0
                                    

Bianca's P.O.V

Nagising ako bigla ng may marinig akong sigaw galing sa labas. Pagkatingin ko sa mga kasamahan ko ay nagising.

"Ugh! Sakit ng katawan ko!!" Reklamo ni vince ni vince habang paikot-ikot sa sahig.

"Arte mong bakla ka! Bumangon ka na nga diyan!" Wika ni bianca habang nakakunot ang noo nito

Matapos naming mag-unat-unat ay kumain na kami, buti nalang at may naitira kami kahapon.

Habang kumakain ay nagkwentuhan kami ng kung ano-ano. Tawa kami ng tawa pero yung mahina lang kasi baka mamaya may makarinig saaming impakto.

Nang matapos kami ay inayos na namin yung mga gamit namin.

"Sooooo, ano na? Ano nang gagawin natin?" Tanong ni kaye saamin

"Uhm, siguro ang una nating gagawin ay maghanap muna tayo ng nha bagay na pwede nating panlaban sa mga zombies" suhestiyon ko, na kinasang-ayonan naman ng tatlo.

Napatingin ako sa kabuan ng classroom na ito, tanging blackboard, kurtina at 2 walis tambo lang ang nandito, pero plastic kasi yung hawakan kaya madaling masira.

"Tanging dalawang walis tambo ang nandito na pwede nating gamitin panlaban sa mga zombies" wika ko, saka tumingin sa kinaroroonan ng dalawang walis tambo.

"Sirain nalang natin tong blackboard na to?" Tanong saamin ni vince

"Hindi ko alam kung klaseng utak ang meron ka!? Kapag sinira natin yang board baka may makarinig saating impakto!" Saad ni kaye na ikinatuwa naming dalawa ni erlyn

Napataas naman ng kilay si vince

"So? Anong gusto mo? Yung walis tambo? Juice ko day! Isang palo lang jan sa mukha mo, sira na yan!" Sabi ni vince habang nakataas ang kilay nito

"Wow! Nahiya naman yang baba mo sa mukha ko!" Sabat ni kaye

"Tumahimik na nga kayo! Ang cha-chaka niyo mag-away!" Singit ni erlyn sa dalawang nag-aaway

Pagkatapos ng mga dalawang ng apat na oras ay napagdesisyonan na naming umalis. OO! Apat na oras kami nag-plano, nag-aasaran pa kasi kami tapos nag-usap-usap ng kung ano-ano.

Si vince ang may hawak sa isang walis tambo habang kay kaye naman yung isa.

Naisipan namin na maghanap ng mga bagay na pwedeng pang-patay sa mga zombies. Kaya naisip namin na magtungo sa bodega ng school, since malapit lang siya.

Nasa harap na kami ng pintuan ngayon, kita kong nanginginig ang kamay ni vince nang hawakan niya ang door knob

"Mga bakla! Kinakabahan ako!" Kabadong sabi ni vince

"Kami rin naman dito kaya daliii! Buksan na ang mahiwagang pintuan!" Wika ni erlyn na nasa harap ko lang.

Si vince sa may harapan, si erlyn naman ang pangalawa, pangatlo ako at panghuli si kaye.

Akmang bubuksan ni vince ang pintuan ay biglang nagsalita si kaye.

"Waaaaaiiit! Kinakabahan pa ako!" Sabi niya sabay talon at huminga ng malalim.

"Ok, game na!"

Bubuksan na sana ni vince ang pintuan pero biglang nagsalita si erlyn

"Juice colored! Wait lang! Kinakabahan rin ako!" Namumutla na si erlyn habang nagsasalita siya

Kailan pa kaya kami matatapos nito!?

"Ready na ba, mga bakla?" Tanong niya saamin.

Um-oo na kami

Nang mabuksan niya ang pintuan ay agad niyang isinara dahil bigla akong nagsalita, napasandal si vince sa may pintuan

"Hindi ko ata kaya to" sabi ko sakanila.

"Oh my gosh! Mga bakla! Ayoko na!" Saad ni vince

Kinakabahan na talaga kaming lahat. Pero kapag mas papairalin namin ang takot namin ay baka di na kami makalabas dito.

"Mag-dasal nalang muna tayo!" Suhestiyon ni vince.

Ibinaba nina vince at kaye ang hawak nilang walis tambo at nag-hawak kamay kami saka nagdasal.

Matapos naming magdasal ay naisipan na namin lumabas na ng classroom

Zombie Apocalypse: Never Die AloneWhere stories live. Discover now