♡Chapter 01♡

71 3 0
                                    

~Who is He?~

•Kim Jennie's Point of View•

*BLAAAG!!*

Bigla nalang akong nagising at nakaramdam ng masakit sa puwetan ko at naramdaman ko nalang na wala na pala ako sa hinihigaan ko...

Na Nahulog na pala ako...

Ang Sakit bess ng puwetan ko! Pero mas masakit pa rin ang walang pwet.

Buti pa nga yung Sahig sinasalo ako  ̄ω ̄ enough na nga ang hugot.

Bumangon na ako at chineck ko yung oras, Syeteeee! 6:15AM na pala! 6:30 ang start ng klae namin!

At dahil malapit na talaga akong ma-late, hiniram ko muna ang super powers ni Flash at nagmadaling maligo, after kong maligo binilisan ko na ding isuot ang aking,
Long Sleeve na Blouse na Pinaghirapan kong plantsahin kagabi, pati na din ang aking Grey Mini Skirt at ang Grey School Blazer ko. And last ang Ribbon ko, Ang Cute nung ribbon namin. ㅋㅋㅋ

o>_<o

Pagkatapos, kinuha ko na ang Bag ko at ang aking Pouch. Nilagay ko sa Pouch ko ang mga mahahalaga kong gamit, tulad ng Student ID, Wallet, Pulbos, Cellphone, etc. Naglagay ako saglit ng Lipbalm and Pulbos or foundation, whatever. Bago ako bumaba.

Pagkababa ko ay bumungad agad sakin ang aking tatay, na may bitbit na---

"LUNCH BOX?! " Sambit ko bigla.

"Oh, Anong problema? " Inosenteng tanong sakin ng aking Appa (Father in Korean) aba'y tinanong pa.

"Alam ko kasing di ka na makakakain ng almusal kaya, ipapabaon ko na sayo yung almusal mo." Sagot sakin ni Appa habang sinasara na ang Lunch Box at, nagtaka ako..

"Eh bakit pa sa Lunch Box at hindi sa Breakfast Box? Di ba pang almusal babaunin ko?" Inosenteng tanong ko at, nagtatakang tumingin sa akin si Appa.. namalayan ko nalang bigla na ma-la-late na pala ako.

"Eh kasi naman---"

Bago ko pa pagsalitain si Appa. Kinuha ko na yung Lunch Box na pink na may design na Minnie Mouse, at kiniss na si Appa sa Cheeks bago umalis. At dun rin nya namalayan na ma-la-late na nga ako. Agad na akong nagpaalam uli sakanya at Sinuot ko ang White Converse High ko. At saka na ako nagmadaling pumunta sa Bus Stop.

Sinuswerte nga naman, saktong-sakto ang dating ng huling bus. Sumakay na ako sa bus, atsaka tinapat ang Bus Card ko sa Detector. At humanap na ako ng mauupuan. Halos mapuno na ang Bus, dahil ito na ang huling Bus papunta sa University. Marami-rami din kaming Late.

Akala ko magdamag na akong tatayo dito pero may nakita naman akong bakanteng upuan sa may bandang dulo, pumunta na ako dun at umupo. Pagkaupo kay inayos ko saglit ang aircon at napatingin na din ako sa labas...

Napaisip ako kung magiging maganda kaya ang first day of school ko ngayon kung umpisa palang ay late na ako, Ang ganda pa naman sana ng Panahon...

Habang tinitingnan ko ang labas, may biglang nagsara ng Kurtina, aba'y bastos at buwisit. Porke siya yung katabi ng bintana. May karapatan na syang isara yun!

Tiningnan ko sya ng masama at, tinignan ko sya ng maigi, para bang tinatandaan ko mukha nya at ilalagay ko sya sa Hunt list ko. Hu-hunting-in ko yan mamaya! Aba'y panira ng moment. Di naman siya ang bida sa story ko. Bida-Bida kasi. Habang tinitignan ko sya nakatingin lang sya ng deretso sa harapan nya at nakasukbit ang kamay nya sa Bulsa ng Blazer nya at nakadekwatro pa.

Nakashades sya, Nakaheadphone, at Blonde yellow ang kanyang buhok. Parehas din kami ng Uniform ay for sure dun din sya nag aaral. Medyo Pamilyar ang kanyang mukha at parang may naaalala ako na di ko maalala, ewan ko ba!

It Can't BeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang