Chapter 1 - No Consideration

138 4 1
                                    

“I have a heart; a heart of stone—but still it’s a heart.”

 [Chrystal]

Ay nako, sana naman successful itong pagiging stalker ko at magkaroon na ako ng kaibigan. T.T  Maniwala man kayo o hindi pero may taong walang kaibigan at ako na yun. Importanteng-importante para sa akin ang kaibigan. Mamamatay ako kung wala yun. Bat ba kasi kaylangan pa naming lumipat, ayan tuloy naghiwalay ako sa bestie ko. Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin. Siya lang! Nagkakaintindihan kami dahil pareho kami! Mahilig magbasa ng libro, puro encyclopedia ang binabasa, pinaghahatian namin ang rank 1, hinahakot namin ang lahat ng points, sabay kaming nagre-review para sa next year na klase. Tapos na kami review for this year eh.

Tama! Maghahanap ako ng katulad niya! Yung kaperaha ko! Wait…ano ba ako? Sabi nila ano daw ako… yung ano … ano ngaba yun? Yung parati lang daw mag-isa… Ano yun? Aloner? Ah! Loner. Let’s define loner… Loner – Comes from the word alone which means away from anybody and everybody. Ganito ba ako kakawawa? T_T Pero sige, susubukan kong makahanap ng loner tulad ko.

Ay sorry! Senti ako ng senti dito. Di pa pala ako nagpapakilala! Hi! I’am Chrystal Suarez!

Spotted. The girl in long skirt with untidy blouse and messy hair. Pano ko kakausapin? eh halos walang lumalapit sa babaeng yan. Don’t stop believing Chrystal! Let the stalking begin!

 Recess time ng simulan ko siyang sundan. Pumunta siya sa likod ng classroom namin. Doon sa burol. Wow! Ang ganda ng view! Sa baba matatanaw mo ang ilog at ang ibang parte ng Drysdale. May taste din pala ang loner na to.

Nakaupo habang nakasandal sa puno ng mangga. Bali nakaharap siya dun sa magandang view. Siguro ganito ang ginagawa niya kung gusto niya magkaroon ng inner peace. Ang galing!

“Hi!” Tatalon na sana ako papunta sa harap niya ng biglang siyang mapatayo.

“Ay Jeskee! Sino yun?!” Ang cute niyang magulat!

“Sorry! Nagulat ba kita?” Ang tanga mo Chrystal! Di ba obvious? Muntik na nga siyang gumulong pababa at sa paanan ng bundok pulutin.  

“Ako nga pala si Chrystal.” Naubos na yata lahat ng courage ko.

“Mag-isa ka lang yata.” Naubos na ang courage ko kaya kapal ng mukha nalang ang ginamit ko.

“Mag-isa ako kanina pero hindi na simula nong dumating ka. Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakarating dito? Ako lang naman ang nakaka-alam sa lugar na to ah.” Huhu! Parang tigre! Mama!

“Ah-eh sorry… sinundan kita. Wag ka mag-alala. Di ko naman to ipag-sasabi sa iba…Gusto ko lang naman makipag-kaibigan eh…” Mama!

Bat ganun?! Napakaharsh niya! Bad siya! Huhuhu! T_T

Nakita ko siyang pumasok na ng classroom. Di lang man nagsorry! Nakita ko siyang papalapit sa akin pero biglang may pumasok na teacher.

[Candy]

Agad akong lumapit sa kanya pero biglang may pumasok na teacher kaya bumalik nalang ako sa upuan ko. “Ms. Candy Real, please lead the prayer.” Sir naman o. Kaylangan talaga buong pangalan ko. Ang napakagandang pangalan, na laging pinagtatawanan. Sige, tumawa kayo. Anong pake ko?!    

Bago pa mag ring ang bell para dismissal, nakaready na ang bag ko. At pagtumunog na ang bell, asahan niyong nasa kalagitnaan na ako patungo sa gate ng school. Ganyan lang naman ako ka atat umuwi. Pero hindi ngayon…

“Uy tingnan niyo o may CANDY wrapper.” Panunukso ng classmate ko habang naglilinis ako ng blackboard. Ka-cleaners ko ang mga gung-gung na to.

Sige go. Tuksuhin niyo ba ako. Ano pake ko. As long di niyo ako galawin.

Not a Fairy Tale at AllDonde viven las historias. Descúbrelo ahora