Invisible 17

69 1 0
                                    


Nagising ako ng namamaga ang aking mga mata. Akala ko, wala na silang epekto sa akin, pero nagkamali pala ako. Sobrang laki ng epekto nila sa akin, hindi dahil sa magulang ko lang sila, kundi dahil hanggang ngayon, naghahanap pa rin ako ng pagmamahal at atensyon na magmumula sa kanila.

Naghanda na ako upang makapasok na sa University. Naligo, nagbihis, at inayos ang aking mukha, buhok at damit.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa hagdanan.

Pumasok na ako sa dining room at nagulat ako ng makita ko sa kitchen si Mom and Dad na nagluluto habang si Kuya ay nakaupo na sa dining chair, nakapalumbaba siya.

Nung namataan ako ni Kuya ay kaagad itong ngumisi sa akin. "Good morning, Nera." Nahimigan ko sa kanyang boses ang pang-aasar. Hindi ko siya pinansin, tinapunan ko lamang siya ng malamig na tingin.

"Oh, honey." Si Mom ay biglang lumingon sa akin habang nakangiti, may suot siyang apron at may hawak siya sa kanang kamay niya ng sandok. Dahil sa pag-aaway at nag-uumapaw na galit ko kagabi ay hindi ko napansin ang mukha ni Mom. Maganda pa rin si Mom ngunit nakikitaan ko na may mga guhit na sa kanyang mukha dahil na rin sa kanyang katandaan, pero nakikita pa rin ang kanyang kagandahan na nakuha ko mula sa kanya. "Good morning." Bati niya sa akin at lumaki ang kanyang ngiti. Hindi ko siya pinansin. Katulad kay Kuya, tinapunan ko lang siya ng blangkong tingin.

"Good morning, Nera." Bati naman sa akin ni Dad at ngumiti rin. Katulad ni Mom, nakikitaan ko na rin ang mukha niya ng mga guhit. Ngunit kitang-kita pa rin ang tikas ng kanyang katawan at strikto, ngunit gwapo niyang mukha, na nakuha ni Kuya sa kanya. Hindi ko rin siya pinansin.

Umupo na lang ako sa dining chair kaharap ni Kuya.

Nakangisi pa rin siya sa akin. "Ano, ngingisi ka na lang hanggang mamaya?" Mataray na sabi ko sa kanya.

Humalakhak siya sa akin. "No, Nera. I'm just wondering if you're happy right now." Sabi niya habang may nag-uuyam na tingin sa akin.

Nilagay ko ang mga braso ko sa mesa bago ako tumingin ng direkta sa kanya. "Sa lahat ng ginawa nila sa akin, Sonie. Sa palagay mo, ganon na lang kadali patawarin sila? Come to think of it." Sabi ko habang blangko ang tingin sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita dahil ni-serve na ng mga maid ang mga pagkain sa mesa na sila Mom and Dad ang may luto mismo. Siguro kung bata pa ako, matutuwa ako ngayon dahil kumpleto kami. Ako, si Mom, si Dad at si Kuya. Pero hindi na ako bata, mulat ako sa lahat, hindi na ako tanga kahit pinagmumukha nila akong tanga.

Maya-maya ay umupo na si Mom and Dad sa dining chair. Nasa may harapan ko sila Mom, Dad at Kuya. Habang ako ay nasa kabila.

Walang kibo na kumuha ako ng mga kakainin ko.

"Try this one, honey. Masarap to." Tinuro ni Mom yung isang dish na mukhang masarap nga, pero may hipon. Hindi nila alam, na may allergy ako sa hipon. Sabagay, dapat hindi na ako magtaka. Ilang years lang sila nagstay sa tabi ko, kaya hindi nila ako nakilala ng lubusan. Kung ano ba ang ayaw ko kainin, kung ano ba ang favorite food, fruit, color and hobby ang kinagigiliwan ko.

Hindi ko kinibo si Mom sa kanyang sinabi. Nagpatuloy ako sa pagkain.

"This one, Nera." Tinuro rin ni Dad ang isang dish na may beef. But sadly, I don't eat beef.

Si Kuya ay nakangisi lang sa akin habang nakatitig ng mariin. Tinitignan kung ano ang magiging reaksyon ko.

Inirapan ko lang siya.

"Honey, bat iyan lang ang kinakain mo? Lahat masarap ang niluto namin." Tinignan ko ang pagkain ko. Bacon and egg lang ang nakalagay sa akin. Dahil sa lahat ng inihanda nila ay hindi ko kinakain, kundi seafoods, beef naman.

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon