Invisible 7

67 2 0
                                    


"Hindi naman sa lahat ng oras kailangan ipakita mo sa lahat na matatag ka. Sofie, minsan ipakita mo sa kanila na mahina ka kasi Sofie, the more na naipapakita mo na matatag ka, the more rin na hindi nila maiisip na nasasaktan ka, kasi nakatanim na sa isip nila na matapang ka at lahat ng problema mo malalampasan mo, kahit wala kang karamay." Napayuko ako ng marinig ko ang boses ni Nanny Sai sa aking isip. Na parang pinagsasabihan niya ako habang ako ay nakatanaw sa puntod niya.

Gabi na ngunit nasa sementeryo pa rin ako, pagkaalis ko ng bar ay dito ako kaagad dumiretso dahil si Nanny Sai, ang lagi kong pinupuntahan sa tuwing malungkot ako, kasi siya lang ang kayang magpagaan ng aking loob kahit nasa langit na siya. Si Nanny Sai ang nag-aruga sa akin simula bata pa lamang ako. Dahil walang inintindi ang mga magulang ko kundi business at kung paano magpalago ng pera.

Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit ngunit kaagad din akong uminahon ng maisip ko na nasa harap ako ng puntod ni Nanny Sai. "Hija, kahit anong mangyari, huwag kang magtatanim ng sama ng loob saiyong mga magulang. Kasi kahit anong gawin o galit mo, magulang mo pa rin sila, kailangan mo silang respetuhin at galangin. Mahal ka nila, lahat ng ginagawa nila ngayon ay para saiyo, para saiyong kinabukasan." Sabi ni Nanny Sai sa akin nung ako ay sampung taong gulang na. Wala ako kamuwang-muwang, non. Kaya tumango ako kay Nanny Sai at nirespeto ko pa rin sila kahit isang beses lang sila umuwi kada taon. Tiniis ko lahat ng iyon dahil si Nanny Sai ang nasa isip ko. Pero nung nawala si Nanny Sai which is 12 years old ako, doon na ako napuno sa kanila. Dahil akala ko uuwi na sila dito sa Pilipinas para alagaan ako, para punuin nila ang pagkukulang sa aking puso, para bigyan ako ng atensyon at para pasayahin muli ang nalulungkot kong puso, ngunit walang Mommy at Daddy na nag-stay. They just stayed one week before they left. Dahil ang Kuya ko ay naiwan sa ibang bansa na nagte-train na to how to manage our business. I guess, my expectations hurt me. I expect that they will stay in my side after Nanny Sai death but they didn't. My expectations turn to disappointments.

Kaya siguro ako nasasaktan ngayon, I expect again. I expect that Brenz will fall in love with me. I expect that Brenz will learn how to love me. And I expect that Brenz will love me just like how I love him.

Fuck all of my expectations. Expectations always hurt!

Hinawakan ko ang puntod ni Nanny Sai at kinausap siya. "Nanny Sai, thank you so much. Kung wala ka siguro nung bata pa ako, siguro pariwala akong bata ngayon." I said and I laughed, pero sa pagtawa ko, ramdam ko ang nginig at lungkot. "I miss you." Sabi ko at inalis ko ang mga damong tumatakip sa puntod niya. "And I love you, I wished ikaw na lang naging Mommy ko." Sabi ko at ramdam ko ang mga luha na bumababa sa pisngi ko. Kay Nanny Sai lang ako umiiyak ng ganito. Sa kanya lang.

"Sana hindi na lang si Brenz, ang minahal ko, Nanny." Ngumiti ako ng mapait. Sino bang nilolo ko? Sa lahat ng ngiti at tawa na ipinapakita ko sa harap ng maraming tao, alam ko sa likod nito ay ang totoong ako. I'm lonely girl, I'm pathetic girl. At ang palaban at ang bitch na Sofie, alam ko sa likod niyon ay isang mahina at madaling masaktan na Sofie. I'm full of lies. Ramdam ko ang pagkakunwari ko sa harap ng maraming tao.

Sinusuot ko ang maskara na alam ko na magtatago sa totoong ako.

"Sana hindi na lang ako si Sofie." Sabi ko habang lumuluha. "Sana naging ibang tao na lang ako. Edi sana, hindi ako nasasaktan ng ganito." I said bago ko pinunasan ang aking mga luhang lumabas sa aking mga mata. "Sige, Nanny. I have to go." Sabi ko bago ako tumalikod sa puntod niya at naglakad papunta sa aking sasakyan. Umihip ang malakas na hangin ng panggabi at para akong niyayakap nito.

Ngumiti ako ng totoo. "Thank you, Nanny." Kahit wala na siya, ramdam ko na kino-comfort niya ako. Gusto niyang pagaanin ang mabigat kong loob.

Kinuha ko ang susi ko sa aking pouch. Bago ko pa maisuot ang susi sa pintuan ng sasakyan ko ay may biglang humawak sa aking braso.

I looked up para makita kung sino iyon at napaatras ako ng makita ko si Justine iyon. Kita ko ang seryoso niyang mga mata. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso.

"Justine?" Sabi ko, akala ko ngingisi siya sa akin, katulad ng lagi niyang ginagawa kapag tinatawag ko ang kanyang pangalan, ngunit hindi siya ngumisi.

"Why do you have to pretend? Pretend that you are a strong woman? Pretend that you're a bitch in front of me, in front of your friends and in front of everyone? Why, Sofie?" Seryoso niyang tanong na nakapagpakasakit na naman sa puso ko. "You don't have to pretend in front of me just to be like you. Because whatever or whoever  you are. I really really like you." He said na nakapagpatigil sa akin.

"Are you serious?" Gulat na tanong ko. At tinuro ko ang sarili ko. "You like me? Why?"

Ngumiti siya sa akin, ang totoo niyang ngiti. Mas gwapo siya kapag nakangiti. "Why not?" Sabi niya at kinuha ang aking braso na nakahawak sa pouch ko bago ako hinila papalapit sa katawan niya.

Nanlaki ang mata ko niya ng niyakap niya ako. "Andito lang ako, Sofie. If you need a shoulder to cry on." Seryoso niyang sabi. Habang ako ay naipako na sa kinatatayuan ko. Because at last, I found my comfort zone. "God, this is the perfect time to be serious. Finally, I have a reason why I need to stop that shit things." Sabi niya at tumawa. Ako ay ngumiti at niyakap siya pabalik. Kahit wala akong naintindihan sa sinabi niya, alam ko na, nasa tabi ko siya palagi to count on.

Sana matagal ko ng nakilala si Justine.

Kumalas ako sa yakap at tumayo ng tuwid sa harapan niya. "Thank you so much, Justine. Salamat ng marami." Sabi ko at maya-maya ay ramdam ko ang luha kong papatulo na. "Hindi ko na kasi kaya ang sakit." Sabi ko at maya-maya ay naramdaman ko na naman ang mainit niyang katawan sa akin.

"Its okay, Sofie. Just cry. I'm here, hindi kita tatawanan at hindi kita sasabihan ng mahina. In fact, you're a brave woman. Kahit sobra ka ng nasasaktan sa buhay mo, andito ka pa rin sa mundo. Matatag at hindi sumusuko." Sabi niya na kaagad nakapanlambot sa puso ko.

Sana si Justine na lang ang minahal ko, instead of Brenz. Sana si Justine na lang ang naunang dumating.

Kumalas muli ako sa yakap bago ko pinunasan ang aking mga luha. "Ikaw kasi pinaiyak ako!" Sabi ko at tumawa. Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya.

Ngumisi siya muli, bumalik na naman ang dating Justine. "Mas maganda ka kapag nakangiti at tumatawa ka. Kaya tahan na diyan. Maraming rason para maging masaya ka." Sabi niya na ikinangiti ko.

"I know." Sabi ko at pumasok na sa sasakyan ko. Binaba ko ang bintana ng sasakyan ko bago kinausap si Justine. "I have to go, Justine. Thank you sa time." Sabi ko at ngumiti.

Tumango siya sa akin habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. "Good bye, Sofie." Sabi niya at kumaway sa akin. Hindi ko na ibinalik sa pagkakasara ang bintana at sinara ko naman ang aircon ng car. I need a fresh air.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko palabas ng semeteryo. Habang papalabas ay naisip ko ang mga nangyari kanina. Hindi ako nagsisisi na umiyak ako sa harapan ni Justine, I know, I can trust him.

Nung nasa gate na ako ng sementeryo ay may natanaw akong isang lalaki na nakasandal sa pader at nakatingala sa langit habang ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa bulsa ng kanyang pantalon. Nung una ay hindi ko ito makilala ngunit ng malapit na ako sa kanya ay natanaw ko kung sino ito, ganon nalang ang pagkagulat ko ng makilala ko siya.

Brenz?

Madilim ang kanyang mata na nakatingin sa sasakyan ko, nakita ko na umayos siya ng tayo. Akala niya ata hihinto ako dahil sa nakita ko siya ngunit hindi ako huminto dahil dire-diretso kong pinaandar paalis ang aking sasakyan.

Masakit na hindi ko siya pinansin. Pero mas masakit na umasa.

Humigpit ang kapit ko sa manibela.

Pero pinakamasakit ang mapaasa.

-

Hi! Kindly press the star para ganahan naman ako magsulat hehe! Thank you have nice day!😊

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon