Invisible 10

70 1 0
                                    


Umuwi kaagad ako ng pagkayari ipaliwanag ni Iniyasha ang tungkol sa audition nila, bukas ng sabado na kaagad. Kaya kahit kagagaling lang sa practice game ng apat ay dumiretso na kaagad sila sa bahay nila Brenz upang magpractice for audition tomorrow. I'm so excited, sana ma-convince ang mga ibang tao sa Ho Recording para magkaroon na ng Album ang Norotimus Band, they're deserve to have an Album.

Pagkapasok ko sa mansion ay dumiretso ako sa kitchen dahil sa nauuhaw ako. Papasok pa lang ako sa kitchen ay parang nawalan na kaagad ako ng gana sa lahat, nakita ko si Kuya Sonie na nasa dining table at kumakain na ng dinner.

Napataas ang kilay ko at dumiretso na lang papasok sa kitchen at hindi siya pinansin. Bahala siya diyan, sana mabulunan siya.

"Hi, Nera." Bati sa akin ni Kuya, wala akong balak na pansinin siya kaya dire-diretso kong ininom ang tubig na nasa baso na kakalagay ko pa lamang.

Sinara ko ang ref at nilagay ko sa lababo ang baso at tumalikod na upang makapunta na sa kwarto ko at makapagpahinga. Nawalan na ako ng gana kumain ng hapunan, siya ba naman ang kasabay mo kumain, mawawalan ka talaga ng gana kahit masarap na ulam pa ang nakahain sa hapag.

Narinig ko na pabagsak niyang binitawan ang kubyertos na hawak niya, dahilan para matigilan ako sa paglalakad pero hindi pa rin humaharap sa kanya. "Sabihin mo lang kung gusto mo lang basagin, ako na mismong babasag para sayo. Ipapatama ko pa mismo sa mukha mo para siguradong basag." Blangkong sabi ko sa kanya habang nakatalikod.

Tumikhim siya bago ko narinig ang pagtunog ng bangko, hudyat na tumayo siya. "Tapang mo talaga, Nera." Ramdam ko ang ngisi niya kahit hindi ko siya nakikita. "Tignan lang natin kung hanggang saan aabot ang katapangan mo." Sabi niya bago humalakhak ng parang demonyo, sabagay demonyo na talaga siya kaya bagay na bagay sa kanya ang ganong halakhak.

Humarap ako sa kanya at gustong-gusto ko talagang suntukin ang mayabang niyang mukha, kahit wala pa siyang ginagawa. "Hinahamon mo ba ako? Ha, Sonie?" Kita ko na nawala ang ngisi sa mukha niya ng marinig niya ang tawag ko sa kanya. Seryoso siyang tumitig sa dalawang mata ko.

"Respect me, Nera. Kahit bali-baliktarin mo ang mundo. I'm still your brother. Remember that, Nera." Seryoso niyang sabi sa akin habang may mapanganib na matang nakatingin sa akin.

"Respect? You?" Sarkastikang sabi ko habang nakaturo pa sa kanya bago ako humalakhak ng malakas, na alam ko na um-echo sa buong mansion. "Nagpapatawa ka ba? Ni sa sarili mo wala ka non, tas bibigyan pa kita? Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Kuya..." Diniinan ko ang pagkakasabi ko ng Kuya habang mariing nakatingin sa kanyang mga mata. "Nakakatawa ka pa rin."

Dumilim ang mga mata niya, kitang-kita ang nanunuot na galit doon ngunit wala siyang magawa dahil siguro alam niya sa sarili niya, na tama ang lahat ng pinagsasabi ko. "Sige, Nera. Gumanyan ka lang." Ngumisi siya sa akin. Nakakatakot na ngisi pero wala akong pakialam. "Siguro ngayon, na sayo ang pabor ng lahat ng pagkakataon. But I'll tell you, Nera. Kapag ako kumilos, babaliktad ang sitwasyon. Ako nasa tuktok, habang ikaw, nasa ibaba." Sabi niya sa akin kaya medyo na-alarma ako sa sinabi niya, madumi siya maglaro, sobrang dumi. "Hindi pwede na mas angat ka kesa sa akin, Nera. Dahil ako dapat ang mas angat."

Tumawa ako ng nakakaloko sa mga pinagsasabi niyang walang kwenta. Pumalakpak pa ako para mas lalong convincing. "Ikaw? Angat? Oo maaaring angat ka sa ngayon dahil sa lintik na maduming banda na iyan, but I'll tell you din, babaliktad din ang mundo sa inyo at sa Norotimus Band. Sila ang mas nababagay na nasa tuktok kesa sa inyong madumi maglaro!" Galit na sabi ko sa kanya. Nanggigigil ako, tang ina. Gusto ko baliin ang leeg niya ngayon pero ayaw ko makulong. Over my sexy and gorgeous body!

Ngumisi siya sa akin. "May alas ako, Nera, dahil may nalaman ako." Bumundol ang kaba sa aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Ganon na pa kagago itong Kuya ko para may malaman kaagad siya, halos isang araw pa lang siya nandito at may nalaman na siya?!

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon