Invisible 11

88 3 3
                                    


"So, let's start." Sabi ng announcer.

Nakita ko na naghanda na sila Brylle, Justine, Angelo at Brenz. Kinuha na ni Brenz ang microphone na may stand. He's wearing a gray plain V-neck shirt, bagay na bagay talaga sa kanya ang ganyang porma kasi nangingibabaw ang kaputian niya. Sa pangibaba naman ay maong pants na kulay black na hapit sa kanya at kulay itim na sapatos. Kaya hindi ko masisisi kung bakit ganito na lang makasigaw ang mga babae dito, at gusto ko rin sumigaw. Because he's so fucking hot.

Sisigaw sana ako kung hindi ko lang nakikita si Kuya na nakangisi habang nakatanaw sa bandang nasa harap niya. Tignan lang natin kung magtagal pa ang ngisi mo na yan.

Pumaibabaw ang tunog ng gitara na hawak ni Brylle at Angelo. Seryoso ang kanilang mga mukha habang ginagawa nila ang part nila.

Ang maiingay na tao sa studio ay biglang tumahimik dahil ang tunog na hatid nila Brylle at Angelo ay talagang matatahimik ka. At ang mahinang kalampag ni Justine sa drum ay talagang mananamnam mo ang bawat tunog.

Humawak na si Brenz sa kanyang mic habang may stand.

Kitang seryoso silang lahat at naghatid iyon ng kilabot sa akin. Ngayon ko lang sila nakita na ganito kaseryoso, at sa isang kanta ko pa sila nakita na ganito.

Bumuka ang bibig ni Brenz na hudyat na kakanta na siya. May dulot itong kilabot na talaga hinihimay ang aking pagkatao. Kakaiba talaga ang dulot at epekto niya sa akin.

Share with me the blankets that you're wrapped in
Because it's cold outside, cold outside, it's cold outside
Share with me the secrets that you kept in
Because it's cold inside, cold inside, it's cold inside

Nang kumanta siya ay parang may mga anghel na dumaan sa studio. Sobrang tahimik at lahat ng mga manunuod ay tinaas ang kanilang mga kamay at pinagalaw ito ng dahan-dahan.

Gusto kong maiyak dahil alam na alam ko ang kanta na iyan. Iyan ang palagi kong pinapatugtog nung panahong first year college pa lang ako. At yung unang beses ko nakita si Brenz, iyan ang tumutugtog sa earphone ko non, at yun din ang panahong nagkagusto ako sa kanya.

And your slowly shaking finger tips
Show that you're scared like me so
Let's pretend we're alone
And I know you maybe scared
And I know we're unprepared
But I don't care

"Ang ganda ng kanta. Ang ganda ng boses. Ang ganda ng lahat. All in all perfect." Sabi ni Jane sa aking tabi na kaagad na ikinatango ko.

Ang ganda ng lahat. At alam ko na sa bawat manunuod na naandito sa studio ay may mainit na kamay na humahaplos sa puso nila, katulad ng nararamdaman ko ngayon. Iba ang hatid ng kanta sa akin, sa amin. Lalo na sa akin dahil iyang kanta na yan ay kasama sa nakaraan ko.

At hanggang ngayon naman, I'm not just an invisible woman. I'm vulnerable, too.

Tell me, Tell me
What makes you think that you are invincible
I can see it in your eyes like you're so sure
Please don't tell me that I'm the only one that vulnerable
Impossible

Nung mag-chorus ay sumabay ako sa pagkanta dahil sobrang saulo ko ang lyrics na iyan. Lalo na may malaking part ang kanta na iyan sa nakaraan ko.

Tinaas ko pa ang aking mga kamay at nakisabay sa kanilang pagkanta.

'Go, Brenz.' Sigaw ko sa aking isip habang nakatanaw sa kanya na nakapikit at halatang ninanamnam ang kanyang pagkanta. Ang ganda talaga ng boses niya. At ninamnam ko rin ang aking pagkanta.

"Hindi mo sinabi na maganda pala ang boses mo." Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Jane. Humarap ako sa kanya at binaba ang nakataas kong kamay.

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon