Invisible 15

55 1 0
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok pa. Bumaba kaagad ako sa aking kusina, nagluluto pa lang yung mga maid. Kaya nung nakita nila ako ay halos manginig sila sa pagmamadali.

Napataas ang aking kilay dahil sa kanilang ginawa.

"Pag nawalan ng lasa ang niluluto niyo, ipapakain ko sa inyo yan." Seryosong sabi ko sa kanila kaya kahit nanginginig sila ay naging slowly but surely ang kanilang ginagawa.

Dumiretso naman ako sa ref upang kumuha ng maiinom, kinuha ko ang chocolate drink at ininom na kaagad iyon bago pumunta sa dining room at umupo.

Nakadekwatro habang nakahalukipkip akong nakaupo sa aking bangko. At bumabalik sa aking isipan ang nangyari kagabi. Sobrang sweet ni Brenz sa akin, at dahil doon ay patuloy akong umaasa sa kanya.

May tumikhim sa aking gilid kaya napatingin ako doon, si Kuya Sonie pala. I rolled my eyes. Kaaga-aga, sira na kaagad ang araw ko. Huwag niya akong umpisahan.

"You're in love." He said na parang siguradong-sigurado habang nakangisi siya. Hindi ako kumibo kaya umupo siya sa harapan ko. "You're in love with Brenz. At iyon ang nalaman ko, Sofie." Ngumisi siya sa akin. Malademonyong ngisi na ikinabahala ko.

"No. I'm not." Sabi ko sa isang palaban na boses. Ngunit alam ko sa sarili ko na kinakabahan na ako. May plano siya, at iyon ang aalamin ko.

Lumawak ang ngisi niya sa akin. "Someone saw you. In the bar, kagabi. You're with Brenz, at ang sweet niyo daw." Sabi niya bago niya inilagay ang kanyang braso sa lamesa, at mariing tumitig sa akin.

I swallowed hard. Hindi ako makapagsalita. Pero gagawin ko, kailangan kong magsalita para walang gawing hindi maganda ang demonyong Kuya ko sa akin at kay Brenz. "Nandito ako kagabi. Nakakulong sa aking kwarto. Baka kamukha ko lang ang nakita niya. Fake news." Sabi ko ng mataray at umirap pa sa kanya.

Ngumisi siya sa akin bago nilabas ang kanyang cellphone. At dahil don, mukhang alam ko na ang ipapakita niya sa akin. Hinarap niya ang phone niya sa akin at may pinakita siyang litrato sa akin. "Here's the evidence, Sofie. Sabihin mo sa aking hindi ikaw iyan." Nakita ko roon ang isang babae at lalaki na mukhang kakapasok pa lang sa bar. Nakadantay ang braso ng babae sa braso ng lalaki. Parehas silang nakangiti sa isa't-isa. Halata ang kanilang mga mata ay punong-puno ng kasiyahan.

Nanginig ang binti ko dahil mukhang talo na ako pero kahit nasa harap na ang ebidensya ay patuloy akong tumanggi sa kanya. "Hindi nga sabi!" Sigaw ko na mas lalo niya lang ikinangisi.

"Don't worry, Sofie. I knew from the start na in-love ka kay Brenz. Pinasundan kita kahit nasa Australia ako ng malaman ko sa kaibigan ko na close mo ang bandang Norotimus Band na kinaiinisang banda ko sa lahat." Kwento niya sa akin habang nakangisi ngunit kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. "At hindi ko inaasahan na malalaman ko na ikaw ay in love sa Vocalist na ikinaiinisan kong banda." Sabi niya habang may mariing mata na nakatingin sa akin. "Bakit ako inis sa kanila? Dahil inaagaw nila ang meron kami, Sofie." Puno ng hinanakit na sabi niya.

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Wala silang inaagaw sa inyo, Sonie. Kaya magtitigil ka sa mga pinagsasabi mo na may inaagaw sila sa inyo, pero in the first place ay wala naman. Kung ano man ang meron sila ngayon ay deserve nila iyon at pinaghirapan nila na makamit nila iyon." Seryosong sabi ko sa kanya. Nawala ang ngisi sa kanyang mga labi dahil sa aking sinabi.

"Kahit ano pang sabihin mo ay hindi ako makikinig dahil inagaw naman talaga nila ang meron kami. Matanong nga kita Sofie. Iyang banda ba na iyan ay kilala mo?" Tanong niya sa akin na ikinatigil ko. I know them. Kilala ko sila. Pero kung papalalimin ko ang pagkakakilala ko sa kanila ay wala akong masasabi dahil I only know their name.

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon