Invisible 9

92 2 0
                                    

"Shit mga bakla!" Nagtitiling sigaw ni Iniyasha habang papalapit sa amin. Nandito kami ngayon sa court, manunuod kami ng practice game ng basketball, dahil nandito ang apat. Si Justine, Angelo, Brylle at si Brenz. Hindi lang sila talented kundi sporty din sila.

Kanina pa kaming 15 minutes naghihintay dito sa bench pero hindi pa nagsisimula. Naiinis na ako dahil ang tagal magsimula at nakakadagdag pa sa inis ko yung mga cheerleader na sigaw ng sigaw sa may bandang likod namin, chinercheer nila ang apat. What do I expect?! They're famous and popular sa girls kaya hindi na ako magugulat na napuno ngayon ang gym.

"Bakit ka nagtititili diyan?" Mataray na tanong ni Jane kay Iniyasha.

"Sasabihin ko sa inyo after the game, mukhang magsisimula na kasi. Sasabihin ko rin naman ito kila Angelo, Brylle, Justine at Brenz. Kaya sabay-sabay na para hindi na mangawit ang bunganga ko." Excited na sabi ni Iniyasha na kumikislap pa ang mga mata.

"Hulaan ko." Sabi ko sa kanya bago ngumisi. "Hindi ka na virgin, ano? Sino ang malas na lalaki?" Nakita ko ang pagsimangot niya dahil sa sinabi ko.

"Gaga ka talagang babae ka! Hoy kahit ganito ako kalandi at kaganda, hindi ako basta basta magpapaano, ano! Over my zumba body!" Sabi niya sa akin at umirap pa sa akin.

Hindi ko na siya napatulan dahil nagsimula na namang magtilian ang mga cheerleader ng lumabas na ang mga basketball player ng University namin.

"Oh my Gosh! Ang gwapo nilang lahat!" Sigaw ng isang babae malapit sa tabi namin. Totoo ang kanyang sinabi dahil gwapo nga silang lahat at ang tatangkad, walang maliliit sa kanila. Pero alam ko sa sarili ko na isa lang ang nangingibabaw sa paningin ko kahit na lahat sila ay gwapo, si Brenz. Pinakatitigan ko si Brenz, nakangisi siya habang nakikipagkwentuhan kay Justine, Brylle at Angelo.

Kuminang ang hikaw niya sa kanang taenga niya, dahil sa hikaw na yon, lalong nagsusumigaw ang kanyang kaangasan at kakisigan. Oh fuck, Brenz. Binibigyan mo ako ng sobrang daming rason para hindi ako magpag-move on sayo. Shit, pinapahirapan mo pa ako lalo.

Bigla siyang tumingin sa banda namin nila Jane kaya nahigit ko ang hininga ko ng masalubong ko ang seryoso at mariin niyang tingin.

"Go Brenz!" Sigaw ni Iniyasha kaya nabaling ang tingin ni Brenz kay Iniyasha. Tumango lamang si Brenz kay Iniyasha bago binalik ang tingin kila Justine at nakipagkwentuhan ulit.

"Grabe, ang gwapo at ang hot ni Brenz. Buti hindi ko siya nagustuhan." Sabi ni Iniyasha na parang nanghinayang pa na hindi niya nagustuhan si Brenz. Tinignan ko ng masama si Iniyasha.

"Subukan mo lang magkagusto, Iniyasha. Maghahalo ang balat sa tinalupan." Sabi ko ng seryoso habang nakatingin ng masama kay Iniyasha. Umirap siya sa akin.

"Oo na, sayo na. Akala mo naman mag-jowa na, kung makapagselos." Sabi ni Iniyasha sa akin. Hindi ko na siya pinatulan pa at tinignan na muli si Brenz na nakikipag-usap sa couch nila.

"Go Norotimus Band!" Sigaw muli ng mga kababaihan dahilan para tumingin si Justine sa mga babae at kumaway sa mga ito with his flirty grin. Napailing na lang tuloy ako dahil doon.

"Akala mo naman kung sinong gwapo, fuck boy naman." Rinig kong bulong ni Jane sa tabi ko. Lumawak ang ngisi ko dahil doon, mukhang may nagseselos.

Tinignan ko muli si Brenz at pinakatitigan ang suot niyang jersey, kulay maroon ang jersey niya at ganon din ang pang-ibaba niyang short, ang number na nakalagay sa likuran at harapan ng jersey niya ay number 17. I wonder, why its seventeen. Nagulat ako ng may nilagay siya sa kanyang buhok, parang itong garter dahil manipis lang, nawala ang buhok na tumatabing sa kanyang noo dahil doon. Habang nakikita ko siyang ganon, nakikita ko na mas nadepina ang mukha niyang akala mo ay inukit ng sobrang galing na sculptor. Parang matutunaw ako habang tinititigan ko siya, sana aware siya na sobra akong nahuhulog sa kanya para maiwasan niya naman na mahulog ako sa kanya ng sobra. Tang ina naman!

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon