Invisible 12

78 1 0
                                    


Pagkayari ko pumunta sa banyo ay dumiretso na muli ako kila Brenz. Hindi ko pinahalata ang emosyon na nakalukob sa akin. Galit at kaba para sa gagawin ng Kuya ko. May alam na siya, tungkol sa akin, at kinakabahan ako dahil doon. Ayos lang na sabihin ni Kuya na ako ang kumanta pero ang hindi ayos sa akin yung may iba pa siya plano para sa akin at sa Norotimus Band.

'Lord, bakit nilikha niyo pa ang walang modo at gagong lalaki na iyon?!' Sabi ko sa isip ko.

Saktong pagdating ko doon ay biglang tumunog ang phone ni Iniyasha kaya kaagad siyang lumayo upang sagutin ang tawag.

"Wait lang, guys!" Sigaw niya kahit na nasa malayo na siya. Tumango ako sa kanya bilang pang sang-ayon.

"Nagugutom na ako." Reklamong sabi ni Justine bago nag-inat. Kita ko naman na nagtaray ang itsura ni Jane dahil sa sinabi niya.

"Edi kumain ka. Ano, isusubo pa namin ang pagkain saiyo?" Mataray na sabi ni Jane habang nakataas ang kanang kilay niya.

Ngumisi si Justine sa sinabi niya. "Hindi naman pagkain ang gusto kong kainin, babe. Kundi ikaw." Malanding sabi ni Justine kay Jane kaya si Jane ay biglang namula. Napangisi ako dahil doon, I know that moves, Jane.

"Hayop ka! Napakabastos ng bibig mo!" Sigaw ni Jane at hinabol si Justine kaya biglang tumayo si Justine para hindi siya mahabol ni Jane.

"Get me." Patuyang sabi ni Justine habang humahalakhak. Habang si Jane ay hinahabol pa rin Justine at inis na inis na pinapaulan ito ng mga mura.

Pasimple kong sinusulyapan si Brenz habang nakikipagusap kay Angelo at Brylle. Seryoso ang kanyang mukha habang ang mga maririin niyang mga mata ay nakatutok sa mga kausap niya.

"Baka matunaw naman iyan." Sabi ni Iniyasha na hindi ko na pala napansin na nasa tabi ko na pala.

"Hanggang ganito na lang naman ako, Iniyasha. Wala na akong chance malapitan at makausap siya. Di bale, masaya naman ako sa ganito." Sabi ko kahit labas sa ilong ang sinabi ko. I'm not happy. Gusto ko siyang malapitan at makausap.

He is my everything, while him? I'm his nothing.

"Sus, Sofie. I know you, alam ko hindi ka makukuntento sa paganyan-ganyan. Kaya nga ikaw si Sofie, di ba?" Sabi ni Iniyasha at humalakhak bago bumaling kila Brenz. "Anyway, guys. We need to go at the conference room. Ngayon na rin pala sasabihin kung pasok na kayo." Sabi ni Iniyasha kaya nagsipag-ayos na kami upang makapunta na sa conference room. Kinuha na ni Brylle at Angelo ang kanilang mga gitara, si Justine ay kinuha ang kanyang drum sticks. Habang si Brenz ay kinuha ang kanyang electric guitar. Bago kami umakyat sa conference room. Medyo kinakabahan ako dahil baka hindi sila mapasok because of my fucking brother. Hadlang talaga siya sa lahat.

We used the elevator para makaakyat na kami.

"I'm a bit nervous, guys. Kung wala lang si Nero sa mga judge, I'm sure hindi naman ako kakabahan ng ganito." Sabi ni Justine na nawala na ang ngisi sa kanyang mga labi. Napalitan ito ng seryosong mukha.

"Whatever the result is, let's accept it. At least, we did our best to pass the audition." Seryosong sabi ni Brylle na ikinatango ng lahat.

"Guys, I'm sorry. I don't know that Nero is one of the judges. Sorry talaga, hindi ko talaga alam. Kung alam ko lang, edi sana ako na yung nagpatalsik sa kanya paalis ng Recording na ito." Sabi ni Iniyasha na may malungkot na tono.

Umiling ako sa kanyang sinabi. "You know, Iniyasha. That's not your fault. Hindi naman natin alam pare-parehas na judge pala iyong lintek na iyon. Andito na ito, guys. So we need to accept, accept the decision whatever it is. Basta ang alam natin sa sarili natin na hindi tayo nagkulang when we are doing that." Sabi ko sabay ngumiti sa kanila habang naka-thumbs up.

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon