Invisible 14

70 1 0
                                    


Nakarating na kami sa Bar at pagkarating namin ay dinaluhan kaagad kami ng usok ng sigarilyo at amoy alak. Pagkapasok namin ay kaagad akong tumabi kay Brenz at humawak sa kanyang braso.

Seryoso niya akong tinignan bago ngumisi. Ngumiti rin ako sa kanya. Shit, kakilig.

Kahit na nasa private bar na kami ay marami pa ring nakakakilala sa Norotimus Band.

"Oh my Gosh. Ang gwapo ni Brenz. Papicture tayo later." Rinig kong sabi ng babae. Napairap na lang ako. Nakita ng may nakadantay ng braso sa braso ni Brenz, hindi pa rin tumigil. Kainis. Mukhang sinasadya talaga na iparinig sa akin.

Maraming nakakilala sa Norotimus Band pero hindi na sila nagtangkang lumapit pa dahil ang kalalaki ng bouncer na nakapalibot sa amin. Buti naman, dahil kapag hindi ako makapagpigil ay baka sugurin ko ang mga babaeng yan.

Muling umirap ang aking mga mata bago taas noong lumakad habang nakaalalay si Brenz sa aking tabi.

"What's with that face?" Bulong sa akin ni Brenz sa kanang tenga ko habang naglalakad kami papunta sa isang VIP room.

Nangatog pa ang aking mga binti dahil naramdaman ko na naman ang init ng hininga niya sa aking tenga. "W-Wala." Nauutal kong sabi bago ako ngumiti sa kanya. Kinakabahan ako kapag siya ang kaharap ko, shit. At kinikilig rin ako at the same time.

Kailangan ko na bang umaasa? Dahil sa pinapakitang ganito sa akin ni Brenz? Shit.

"Sure?" Tanong muli ni Brenz sa akin habang wala ako sa aking sarili kaya nakapagsalita na pala ako sa sobrang lutang at kilig ko.

"So many girls, Brenz. Ang daming nakakakita sayo." Sabi ko at ngumuso.

Maya-maya ay nakarating na kami sa VIP room at umupo na kami.

Katabi ko sa kanan ay si Brenz at sa kaliwa naman ay si Justine.

"Pero sayo lang nakapako ang mata ko, Sofie. This eyes are all yours." Sabi ni Brenz sa nakakaakit at paos na boses. Shit, ramdam na ramdam ko ang lakas na tibok ng aking puso.

Napahawak ako lalo sa braso niya dahil hindi ko kinakaya ang kilig ko. Why all of sudden na naging ganitong ka-sweet na sa akin ni Brenz? Ganon na ba kalakas ang aking alindog? "Do you want me to die?" Bulong ko sa kanya dahil sobrang nanginginig na ako dito sa kanyang tabi.

Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa aking mga mata. At mas lalo pa siyang gumwapo at mas naging mainit pa sa aking paningin dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo. "I don't want you to die, Sofie. What are you thinking?" Nahimigan ko ang irita ngunit may pagkabanayad na boses sa kanyang tinig.

"Gusto mo ako patayin. Sa kilig." Sabi ko at ngumisi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin bago umiling sa akin. "You're funny, Sofie. I like that, I like funny girl." Bumulong muli siya sa aking kanang tenga. Nakakaakit ang kanyang boses, buti kayang-kaya ko ang sarili ko kaya hindi ako nagpapadala sa tukso. Ngunit, konting-konti na lang ang pisi ko. To the max ang pang-aakit niya sa akin kahit alam ko na hindi niya naman ako inaakit.

May narinig akong tumikhim kaya napatingin ako don, si Brenz ay umayos naman ng upo sa aking tabi.

"Ang lalandi talaga." Rinig kong sabi ni Jane. Kaya tumaas ang aking kilay.

"Atlis may kalandian." Sabi ko at nakita ko na naapektuhan siya sa aking sinabi dahil umiba ang timpla ng kanyang mukha.

Rinig ko na humalakhak si Angelo, Brylle, Iniyasha at Justine sa aking sinabi, habang si Brenz tumaas lamang ang isang sulok ng labi habang mangha na nakatingin sa akin.

"Pinapamukha mo ba sa akin na ako ay wala?!" Iritadong sigaw ni Jane sa akin.

"Hindi ako ang may sabi niyan, Jane. Hindi ako." Sabi ko sabay ngumisi sa kanya. Kita ko ang galit sa kanyang mata kaya ng ni-serve na ang mga alak sa center table ay kaagad kumuha si Jane ng alak at mabilis na nilaklak ang isang bote.

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon