Invisible 16

55 1 0
                                    


"Class dismiss." Sabi ng Prof namin bago niya kinuha ang kanyang mga gamit at lumabas na ng room. Iyon ang last subject namin araw na ito kaya pupunta na kami kila Brenz. I'm so excited.

Malaki ang aking ngiti habang inaayos ang aking mga gamit.

"Hindi ka naman sobrang excited, Sofie?" Tanong sa akin ni Jane. Noted the sarcasm.

"Halata ba? I'm sorry. Next time, hindi na ako papahalata." Sabi ko bago ko sinakbit ang shoulder bag ko sa balikat ko.

"Wala ng next time." She said before she laugh. Umirap ako sa kanya.

"Pag may next time, huwag kang sasama." Sabi ko at tumalikod sa kanila.

Sumunod naman sa akin si Iniyasha at Jane papalabas ng room. "So, saan tayo magkikita-kita?" Tanong ni Iniyasha.

Hindi kasi kami magkakaklase. Si Brenz and Angelo ay may kinalaman sa Agents ang kanilang kinuha. Si Justine at si Brylle ay Mechanical Engineer. Si Beatrice, Iniyasha, Jane at ako ay Business Management naman ang aming kinuha. Hindi nga lang kami magkaklase ni Beatrice. Dahil ahead kami ng one year sa kanya.

"Sa gate na lang natin sila hintayin. Let's go." Anyaya ko kaya sinunod naman nila.

"Dapat hindi na nila tayo sinama sa kanilang practice. You know, para surprise sa atin kung ano ang kanilang gagawin for the battle of the bands. Para may thrill din sa atin." Jane said. Tumango naman si Iniyasha for the agree. Umirap ako sa kanila habang diretso ang aking paningin sa paglalakad.

"Let's help them-." Pinutol kaagad ni Jane ang dapat na sasabihin ko.

"Help them? Easy girl, hindi sila sa makakatungtong sa ganyan kung kailangan nila ang tulong natin. Baka nakakalimutan mo, tumungtong sila sa kung ano sila ngayon na walang tulong na kahit kanino. Sariling sikap, Sofie. So what's with the use our help for them?" Katwiran ni Jane. Napatigil ako sa kanyang sinabi. She's right.

"Tumigil ka sa kakapuda mo, Jane. Ang dami mong sinasabi. Hindi naman ako ang nagpumilit na pumunta sa practice nila kundi si Brenz. He wants us to be there. Si Brenz yon, Jane. Malay mo namang tumanggi ako? Mahal ko na ang nagsabi." Inis na sabi ko kay Jane at inirapan siya. Konti pa lang ang tao sa paligid ng school, I'm used to this. Maaga talaga pinapalabas ang klase namin. Maswerte kami sa huli naming subject dahil mga 30 minutes before the uwian ay pinapauwi na kaagad kami. Kaya lang, yung natututunan namin sa kanya ay kakarampot lang kada araw.

"It's your choice if you want to surprise para sa gagawin nila or hindi. And besides baka makaistorbo tayo sa kanila, right? Baka imbes na makapag-focus sila or makapag-practice ay hindi pa nila magawa because we're there. Si Iniyasha? Lalandiin lang si Angelo kaya si Angelo ay hindi naman makakapag-focus at ikaw din, lalandiin mo din si Brenz." Sabi ni Jane na may point. She's right. At gusto ko rin ma-surprise sa kanilang gagawin sa battle of the bands. Excited ako na pabagsakin nila ang Nova 5.

"Iniyasha! Sofie! Jane!" May tumawag sa aming tatlo na nanggagaling sa aming likuran. Nakita ko ang tumatakbo na si Justine habang si Brenz, Brylle at Angelo ay nagkukwentuhan sa likuran nito. Habang ang kanilang mga kamay ay nakapamulsa at ang mata ni Brenz ay diretso nakatingin sa akin gamit ang mariin niyang mga mata. God, nakakatunaw.

Napalunok ako dahil doon. Nakalapit na sa amin si Justine at umakbay kaagad siya kay Jane. Kita ko kaagad ang irita kay Jane. "Bitaw!" Inis na sigaw ni Jane pero humalakhak lang si Justine sa kanya. "Bitaw sabi!" Sigaw muli nito pero hinigpitan lang ni Justine ang pagkakaakbay dito bago tinungo ng kanyang mukha ang tenga ni Jane at may binulong rito. Kita ko ang pamumula ni Jane dahil sa kanyang sinabi. "Bastos!" Inis na inis na sigaw nito.

Napangisi ako sa kakasatan ng dalawa

Lumingon ako kay Brenz na diretso ang tingin sa akin kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Fuck it.

The Invisible WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon