🅳🆁🅴🅰🅼 #44

399 19 0
                                    

Rein

I am sitting at my bed while this two unknown things are in  front of me. A button and a knife. I don't if I will continue this journey or stop here.

"Rein! Rein! Nandyan ka ba sa kwarto mo?" Boses ng isang pamilyar na babae. Itinago ko ang mga gamit na nasa ibabaw ng kama ko at itinago ito sa ilalim. Humiga ako at nagtago naman sa ilalim ng makapal na kumot. Kunyari kong pinikit ang mga mata ko at inilihis ang aking katawan. Bumukas ang pintuan ko. Naramdaman ko na nadun lang siya.

"Alam kong hindi ka pa tulog Rein. Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Isang buntong hininga lang ang isinagot ko at hinila ko ang kumot para takluban ang aking buong katawan.

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Alam ko lagi akong wala anak. Ni hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sayo." Sabi ni mama habang hinihimas ang aking ulo.

"Sorry sa lahat. Kasalanan ko to. Kung hindi lang sana nangyari ang aksidenteng yun edi sana nandito pa ang papa mo para alagaan tayo." Napadilat ako sa mga narinig ko. Si papa.

"Kapag nakaluwag na tayo sa buhay titigil ko na ang trabaho ko para matutukan ka. Marami akong pagkakamali kaya sana ikaw na ang magtama." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun ay lumabas na siya ng aking kwarto. Pumintig sa tenga ko ang huling mga salita na sinabi ni mama.

Marami akong pagkakamali kaya sana ikaw na ang magtama

Ako na ang magtatama. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at tumakbo palabas ng kwarto. Nakita ko si mama na papunta ng kusina kaya pumunta ako kung nasaan siya. Niyakap ko siya patalikod na nagpatigil naman sa kanya.

"Ma, I'm sorry. Masyado akong naging masamang anak sa inyo. Gusto ko kasi lahat ng luho ko nasusunod. Hindi kita naiisip. Pero tama ka Ma. Ako ang magtatama ng lahat ng pagkakamali kaya nagso-sorry ako ngayon patawd Ma." Sabi ko sa kanya. May tumulong luha mula sa aking mata. Humarap sa akin si Mama at muli akong niyakap.

"Mahal kita anak"

"I love you too Ma."

I have now a decision. I want to stay here. Where I and my mother live and my other friends too.

•••

:)

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon