🅳🆁🅴🅰🅼 #40

451 27 6
                                    

3rd Person

"Leal!" Agaw atensyong tawag ng isang babae mula sa pintuan. Itatapon na sana ni Leal si Aisha sa gusali ng bigla siyang napatingin sa babae sa pinto. Pagkakita niya sa babaeng nasa pinto ay siya namang pagbitaw nito kay Aisha. Nagulat din ang kasama nitong nakahood dahil sa nakita nilang pamilyar na babae sa pinto.

"A-a-arlene!?" Sabi ni Leal

"Pinatay na kita!" Sigaw naman ng kasama nito.

"Nagkakamali kayo. Lalo ka na Benjo." Sabi ng nagpakilalang Arlene sa kasama nito.

Kumaripas ng takbo si Benjo sa babae at akmang sasaksakin ito ngunit nakailag naman agad babae at sinipa sa sikmura si Benjo. Napangiwi ito sa sakit at napaluhod sa lupa. Hinagis ni Leal ang kutsilyo sa direksyon nito at agad namang nailagan. Kinuha niya ang kutsilyo at hinagis naman kina Bryan na patakbong lumapit kina Aisha at Rein. Hindi ito napansin ni Leal dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa babae. Agad na kinalag ni Bryan ang tali sa kinauupuan ni Rein. Ganun din ang ginawa niya kay Aisha.

Sumenyas ang babae na tumakas na kaya agad silang umalis sa lugar. Pinagtatadyakan, sinuntok at sinakal ng babae si Benjo. Duguan na si Benjo at nawalan na ng malay. Itinali niya ito sa isang bakal upang pagkagising ay hindi na ito makakawala pa. Tumingin naman siya kay Leal.

Ang mukha ng katapangan ay nawala sa babaeng may hawak ng kutsilyo. Nabalot siya sa takot ng makita kung ano ang ginawa nito sa kanyang kasama.

"A-aarleene! H-h-hindi ko g-gusto t-to!" Pagmamakaawa nito sa babae. Palapit ito ng palapit sa kanya kaya paatras na hakbang naman ang kanyang tugon.

"Ginusto mo di bang patayin ako? Bakit ngayon parang takot na takot ka?" Sabi ng babae habang palapit ng palapit. Punulot niya ang kutsilyong hawak kanina ni Leal gamit ang panyo.

"Hindi ko gusto to! Bakit ka kasi kumampi sa Rein na yon! Wala kang utang na loob! Kami! Kami ng daddy ko ang tumulong sayo! Kami ang tumulong sa inyo na bumangon sa hi---- AAAHHH!" napasigaw si Leal ng iba to sa kanya ang kutsilyo. Tumama ito sa kanyang tiyan. Pagkatapos naman noon ay hinablot nito ang buhok ni Leal at inumpog sa batong nagsisilbing harang ng rooftop.

Nagdugo ang kanyang noo ngunit hindi ito nagdulot para nawalan siya ng malay. Tumama pa ang kutsilyo sa bato kaya lalo itong bumaon at nagdulot lalo ng sakit.

"Ganito ang ginawa mo sa akin di ba!?" Sigaw ng babae kay Leal na halos umiyak na sa sariling dugo. Iniangat niya ang ulo nito at muling inumpog sa bato. Sa huling angat niya sa ulo ng dalaga, hindi na niya ito muling sinubsob sa bato bagkus, magsalita siya

"Nakikita mo ba yan! Namnamin mo nang maigi ang hangin! Tignan mo yung paligid! Bakit? Eto na ang huling beses na makikita mo sila!" Sigaw nito. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay itinulak niya ang dalaga katulad ng pagtulak nito sa kanya. Umiiyak ang dalaga habang unti-unting nahuhulog. Saka lang niya napagtanto na sa Simula pa lang dapat di na niya tinanggap yung alok. Ngayon eto na ang huling beses niyang mararamdaman ang lupa.

Pagkatapos ng isang malakas na pagbagsak. Isang malakas na sigaw ang pumukaw atensyon sa lahat ng tao sa baba. Si Leal. Basag ang bingo na halos makita na ang utak. Ganun din ang bituka dulot mg kutsilyong hindi niya naalis. Ang bingo ay lumipad kung saan. Wasak ang mukha na halos di mo na makilala.

Pagkatapos noon ay ngumiti ang babae dahil sa kanyang ginawa.

"Deleting 'Arlene.exe'. Done!"

•••

Hi sa kaibigan ko diyan! Hi din kay winkingpinkPiggy

Malapit na natin natapos woottt

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon