🅳🆁🅴🅰🅼 #38

417 29 1
                                    

3rd Person

Gulat na gulat ang dalawa sa kanilang nalaman lalo na si Aisha. Itinuring niyang kaibigan ang isang mamamatay tao. Isang kriminal. Pinagsisisihan niya ang nagawa niyang mabubutisa kaibigan dahil sa ginagawa nito.

"Bakit mo ginagawa ito Leal?" Tanong ni Aisha sa kaibigan. Tumingin si Leal sa babaeng nakagapos.

"Hmmm? Sayo? Hindi ako ang may atraso sayo. Kundi ang isang kaibigan ko BWAHAHAHAHA!" tawang muli ni Leal. Ibig sabihin hindi LANG siya nag-iisa. May kasama siya.

"Sayo naman Rein.... Ikaw ang pumatay sa taong mahal ko! Bakit mo pinatay si Zid!" Sigaw nito sabay sampal sa dalaga. Nabigla si Rein sa pagsampal sa kanya ni Leal ngunit mas nabigla siya sa nalamang balita tungkol kay Zid.

"H--hind-i ko s--siya PINATAY!!" takot na sabi ni Rein. Hinawakan ni Leal si Rein sa kanyang leeg at kinuha ang kutsilyo sa kanyang bulsa. Gigil na gigil ang paghawak niya kay Rein habang nakatutok ang kutsilyo. Sumisigaw naman sa Aisha.

"LEAL! TAMA NA YAN! PLEASE!"

"TUMAHIMIK KA!" Walang ano-ano'y hinagis ni Leal ang kutsilyo sa direksyon ni Aisha na tinamaan sa kanyang balikat. Mas lalong napasigaw sa sakit ang dalaga na mas lalong nagbigay sa kanya ng takot na baka patayin siya nito.

Tumawa lang ng malakas si Leal at pagkatapos ay kinuha ang telepono. May tatawagan siya.

"Kamusta diyan sa baba?------mabuti. Gising na sila umakyat ka na ng makaganti ka na----oo--bilis!" Tsaka niya pinatay ang tawag.

Binunot niya ang kutsilyo sa balikat ni Aisha. Lalong humiyaw sa sakit ang dalaga sa ginawa sa kanya ni Leal.

"ISANG INGAY MO PA! PAPATAYIN NA KITA!" Sigaw ni Leal kay Aisha. Impit na ungol ng pagiyak ang ginawa ni Aisha. Kahit si Rein ay di na rin makapagsalita dahil sa ginagawa aksyon ni Leal.

Umupo si Leal sa kanyang inupuan kanina. Tahimik siyang nakatingin sa pintuan habang pinaglalaruan ang hawak-hawak na kutsilyo.

Maya-maya pa ay may naalala si Rein. Hindi niya alam kung gagana ito dahil hindi na si Jade ang kanyang alaga ngunit sinubukan niya pa rin.

"A-aa-lice are you there?" Bulong ni Rein malapit sa kanyang bulsa. Umilaw ang kanyang telepono na hudyat na gumana ang kanyang binabalak.

"A-alicee! Help me!" Pagkasabi ni Rein ng mga katagang iyon ay nagulat siya sa pagbagsak ng pinto. Napatingin siya sa pintuan. Hindi pa na labas kung sino man ang sumipa sa pinto ngunit alam niyang nakakatakot ito.

Unti-unting humakbang ang tao papasok. Sa oras na pagsilay ng kanyang katawan ay mas lalong kinagulat ng dalawang dalaga. Hindi nila akalain na siya. Ang gagawa ng bagay na iyon. Mas lalong umiyak si Rein dahil sa takot na baka mamataya siya at galit dahil sa pagtataksil sa kanya.

"B-bakit?" Tanong ni Rein sa taong nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Nilapit nito ang kanyang mukha kay Rein at bumulong.

"Sorry Rein. But I'm not here for you. I'm here for Aisha." Sagot nito at tsaka kinuha ang kutsilyo sa bulsa ng kanyang hood.

•••

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon