🅳🆁🅴🅰🅼 #20

646 37 8
                                    

Rein

Nagulat ako na may kinalaman ang Jade sa pagkamatay ni Arlene. Hindi ko alam Kung sino ang malapit kay Leal na pwedeng gumawa nito sa kanya and the word. Don't trust anyone. Ano meaning nun? Why do I need to do that? May mali ba?

"Hey Rein! Bakit di ka pa nauwi?" Benjo asked. Galing siya sa loob ng building kung saan sinabing nagpakamatay. Hindi kaya---- NO! hindi siya ganon! Bastos siya pero hindi siya napatay.

"Hey! Parang wala ka sa sarili mo!?" Nakalimutan ko na nasa harap ko nga pala to.

"Sorry... Pauwi na din ako... Narinig ko lang na sumigaw yung babae kaya napatakbo ako dito." Sabi ko sa kanya. Hindi ko inaalis yung hinala sa kanya pero hindi kasi ganun yung pagkakakilala ko.

"Kawawa si Arlene no!? Hindi kasi siya tinatanggap ng magulang niya. Siguro depression na din ang pumasok sa kanya." Mali! Hindi siya nagpakamatay! Pinatay siya!

"Sige.. Uuwi na ko. Hinihintay na ko nila Stacy. Bye." Sabi ko sa kanya at tumalikod. Sinabayan niya ko sa paglalakad at kinuha ang hawak kong notebooks.

"Hatid na kita" sabi niya kaya hindi na ako tumanggi. Natatakot pa din ako dahil hindi ko alam kung kalaban ko ba si Benjo or hindi.

"Kawawa si Arlene no? Ayaw kasi siya tanggapin na ng magulang niya dahil sa mga ginawa nilang magkakaibigan. Pero kasalanan din naman kasi niya. Bakit kasi siya gagawa ng kalokohan kung ayaw din naman pala niya ng gulo. Hay nako. Sana panaginip na lang lahat to!" Sabi niya.

Tango lang ang sinasagot ko. Occupied kasi ang isip ko ng thought na maaring siya ang killer. Baka mamaya patayin niya ako habang naglalakad kami.

"Ikaw Rein, Kung panaginip lahat to, gusto mo pa ba magising?" Tanong niya sa akin habang patuloy kaming naglalakad. Malapit na kainin ng dilim ang liwanag kaya puro posts na ng ilaw ang nagbibigay liwanag sa amin.

"Ako? Hmmm. Siguro gusto ng magising. Gusto ko makasama si Papa.  At hindi na magkaroon ng magulang buhay ngayon. Gulong-gulo na ko sa buhay ko! Di ko alam kung ano ang gagawin."  Sabi ko sa kanya ng nakayuko. Ginulo niya ang buhok at tumawa. Anong masaya dun?

"Hahaha! Parehas lang pala tayo. Gusto ko makita yung tunay kong mga magulang. Sabi kasi sa akin ni mama yung tunay na nanay at tatay ko raw ay naghiwalay tapos iniwan ako sa ampunan. Pero kahit iniwan nila ako gusto ko sila makita. Ayoko humiwalay sa kanila." Sabi ni Benjo. He is so sincere in saying every words. Nagpunas pa siya ng mata. Umiyak siguro.

Then I stop on a green gate. This is our house

"Sige! Salamat Benjo. Bye!" Sabi ko sa kanya at pinindot na ang doorbell.

"Sige bye!" Sabi niya at naglakad na palayo.

Binuksan ni mama ang pinto at binati ako. Binati ko rin siya at sinabi niya na nasa loob na daw ang mga babae.

"What took you so long!? Kanina pa kami nandito!" Sabi ni Stacy habang naglilinis ng kuko.

"Yah! Kanina pa! Ano bang ginawa niyo sa glee club!?" Sabi ni Kyla as she browse on her phone.

"Patay na si Arlene." Sabi ko sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin. Tinigil nila ang kanilang ginagawa.

"Ha?" Iisang reaksyon nila. Kahit naman sino magugulat kapag nalaman nilang may namatay diba?

"How? I mean.... Pinatay mo!?" Sabi sakin ni Kyla.

"Gaga! Tumalon siya sa school building natin. Nabalitaan ko drop-out na daw siya." Sabi ko sa kanila. Ayokong sabihin na pinatay siya dahil hindi ko pa naman kilala ang pumatay sa kanya.

"Oh god! Kawawa naman siya. In the other hand, kasalanan niya din kasi" sabi ni Stacy.

"Let's start this party!" Sabi naman ni Riza. This is gonna be a riot! Huhuhu

•••

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon