🅳🆁🅴🅰🅼 #39

422 29 2
                                    

3rd Person

Habang naglalakad ang isang lalaki hindi niya alam kung bakit nilihis ng kanyang mga paa ang daan na kanyang pupuntahan. Hindi ba siya lumaban bagkus. Sinundan niya ang bawat hakbang na kanyang ginagawa. Pabilis ng pabilis hanggang tumakbo na siya. Pumasok niya ang isang pamilyar na lugar. Isang eskwelahan na kanyang pinapasukan.

Ang mga taong nakikituloy sa mga dormitoryo ay tila may hinahanap ngunit di alam ang pupuntahan. Pero siya ay iba. Dumiretso siya sa isang gusali na kahit isa ay walang pumapasok. Sa kanyang pagpunta roon, nakasalubong niya ang isang pamilyar na babae. Tumatakbo rin ito sa direksyon na kanyang tinatahak.

"Stacy?" Tanong niya sa babae. Napatingin si Stacy sa kanya. Tumigil sila sa pagtakbo at saktong nasa pintuan na sila.

"Bry? Ano ginagawa mo rito? Tanong ni Stacy sa lalaking pumukaw ng kanyang atensyon.

"Hindi ko alam! Ewan ko basta! May tumutulak sa aking pumunta dito." Sabi ni Bryan na gulong-gulo sa nangyayari.

"Same here! I don't why pero! Basta!" Sabi ng dalaga ng may narinig silang malakas na pagbagsak mula sa itaas.

Agad silang napatakbo sa hagdanan at umakyat. Sabay ang bawat hakbang. Hindi alintana ang panganib na kabilang haharapin. Walang takot SA kanila ngunit pag-aalala ay di nawawala.

Narating nila ang hurling hagdanan ng may makita silang di pamilyar na babae. Nakatago ito sa pader at di tumutuloy sa pagpasok sa rooftop.

"Sino ka?" Tanong ni Bryan sa magandang babae. Tumingin ito sa kanila at nagbigay ng matamisbna ngiti.

"So because you two are already here, this is the plan." Sabi ng babae

"Wait! What? For what?" Tanong ni Stacy sa dalaga.

"To save your friend and a girl named Aisha." Napatingin sila sa isa't-isa at walang ano-ano'y sumilip sa sirang pintuan ng rooftop. Nakita nila ang dalawang dalaga na nakatali sa upuan. Kausap nila ang isang lalaki na nakahood at babaeng may pamilyar na mukha. Muli sinag tumingin sa babaeng kanina pa nagsasalita

"So.. What's the plan?" Tanong ni Bryan sa babae. Muli itong ngumiti at lumapit sa dalawa.

•••

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon