🅳🆁🅴🅰🅼 #24

594 35 7
                                    

3rd Person

Tumigil ang itim kotse na sinasakyan ni Jade at ng kanyang sinasabing master. Tumigil sila isang gusali. Hindi sila lumalabas ng pinto ng sasakyan. Walang nagsasalita at tila kuliglig lamang ang kanilang narurinig.

Tuloy-tuloy na sana ang katahimikan ng biglang may tumawag sa sinasabing master ni Jade

"Hello--" paninula nito. Tumingin sa kanya si Jade. Tila nag-aabang sa susunod na sasabihin ng kanyang tinuturing na master.

"Yes, she's here. You want to talk to her?" Tanong ng master ni Jade sa kausap sa telepono. Tumingin ito kay Jade at sinenyasan ng kamay na maghintay.

"Jade. I order you connect to the call on my phone."

"Connecting..."

"Connected."

"Jade" isang malalim na boses na tila galing sa ilalim ng lupa. Halatang iniba niya ang kanyang boses upang itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.

"Yes Sir?" Tanong nito.

"Input this in your data. Your mission will start if a girl named Nine will enter the building. Get inside and help her and his partner. 3rd floor of the building." Utos ng taong kausap sa telepono.

"Sorry. But I am not allowed to input your data. Only my master and Rein are allowed to order me."

"Just follow what the caller said. This is your master's order" sabi naman ng kanyang itinuturing na master. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.

"Saving data..."

"Saving complete..."

"Good." Pagkasabi noon ay binaba na ng caller ang tawag.

"Before I leave copy the file inside this flash drive. It will help you later." Sabi ng kanyang master sabay abot kay Jade ng isang flash drive. Ipinasok ni Jade ang flash drive sa isang port sa kanyang dibdib.

"Scanning files..."

"File detected!"

"File name. Alice Driving Lesson data. Is this the file that you want me to copy?"

"Yes." Sagot ng kanyang kasama.

"Starting copying the file..."

"Done."

"New skill unlocked. Driving." Pagkasabi ni Jade noon ay inabot niya ang flash drive sa kanyang amo at tsaka ito umalis.

Naghintay lang si Jade at tumitingin sa bintana. Hindi siya makikita dahil itim ang kotse at madilim na ang paligid. May mga taong lumabas sa gusali ngunit hindi nalabas si Jade dahil hindi iyon ang hinihintay niyang signal.

Maya-maya pa ay may babaeng patakbong pumasok sa loob ng gusali.

"Face detected!"

Pagkasabi niya noon ay binuksan niya ang pinto. Sinarado niya ito at naglakad papasok sa gusali. Madilim na sa loob. Binuksan niya ang flashlight sa kanyang daliri upang magsilbing ilaw sa daan. Ini-scan niya din ang buong gusali at gumawa ng sarili nitong blueprint na siya pang ang nakakakita. Pagdating sa ikatlong palapag ay binuksan niya unang pinto pinto ngunit wala siyang nakita. Bubuksan na sana niya ang ikalawang pinto ng makarinig siya ng isang babaeng nagsasalita. Tinungo niya ang pinto na pinanggalingan ng boses at binuksan iyon.

"Face scanning..."

"Face detected!"

"Nine Jazhella Angeles"

Lumapit siya sa babaeng nakaupo sa sahig. Tsaka niya nakita ang isang lalaking walang malay at duguan ang mukha. May dugo rin ito sa braso dahil sa kutsilyo.

"Are you Nine? I'm Jade. I was told to help you."

Di na nakapagsalita ang babae at agad na tinayo ang duguang kasama. Tinulungan siya ni Jade. Binuhat niya ang lalaki sa kanyang braso at tinakbo palabas. Sumunod ang babaeng kasama nito na nagngangalang Nine.

Pagkarating sabkotse ay agad nilang isinakay ang binata. Si Jade ang driver at umupo naman si Nine sa tabi nito. Agad niyang pinaharurot ang kotse at nilisan ang abandonadong gusali.

"Opening GPS..."

"Scanning nearest hospital..."

"Scanning done..."

Agad na tinungo ni Jade ang ruta sa pinakamalapit na hospital habang si Nine naman ay nakaalalay sa nakahigang kaibigan sa likuran.

Walang naguusap.

Walang nagsasalita.

Tanging ang harurot lamang ng kotse ang nagiingay. Naiwasan ni Jade lahat ng trapiko dahil na din sa tulong ng nilalaman ng flash drive.

Wala pang kalahating minuto ay nakarating na sila sa hospital. Agad nilang binaba ang lalaki sa kotse at inilagay sa stretcher. Pinasok ng mga nurse sa emergency room ang lalaki. Sumama naman si Nine ngunit naiwan na si Jade sa labas. Muli itong pumasok sa loob ng kotse at agad na umalis.

"Task complete. Save Nine and her partner."

•••

DreamxPrometheus Part 2

KapitanFilipexwinkingpinkPiggy

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon