35 - Narration

673 12 2
                                    

J A E R I N

"Oppa said we should buy some pajamas." tiningnan naman ako ni Nayeon na parang nagtataka. Nilunok niya yung kinakain niya.

Kanina pa yan kumain ng kumain, di na tumigil yung bunganga.

"Hm? Bakit daw?

"Sleepover daw kina Ten oppa." bigla namang nagliwanag ang mukha niya.

"Aba himala! Isasama tayo ng mga halimaw?" she asked excitedly.

I chuckled then nodded my head. Ilang beses na kasi kaming nagtampo dalawa dahil hindi kami isinasama lagi. We also have three other girl friends but the other one is at Thailand right now. Yung dalawa ay may pinuntahan.

Nayeon and I are very close with Nct since some of them are already our childhood friends at yung iba naman ay matagal na din naming kakilala.

"Ano pala nangyare kahapon?" nilingon ko siya.

"What do you mean?" I asked her.

"I know pumunta sina Jaemin at Jeno sa inyo." I pursed my lips when she said that.

"How did you know?" tanong ko.

"Kasama ko kasi sina Taeyong oppa kahapon, nag-karaoke kami. Nandon din sina Mark oppa and si Renjun. Tapos nabasa ko sa gc nila na nandon daw sina Jaemin. I even saw the picture that Jaehyun oppa sent." she said. Tumango naman ako.

"Hindi ba parang napapadalas na yung pagpunta nina Renjun oppa sa inyo?" I asked.

She looked at me half glaring. Akala niya ata ay inaasar ko siya, but no. I'm serious.

"No, walang halong pang-aasar. Serious talk, para talagang napapadalas eh. I already know he likes you but... ikaw ba?" pagpuna ko. Napawi ang masamang tingin niya sa akin at nagkibit balikat siya.

"Andon din kasi lagi si Mark oppa eh. Since malapit lang bahay nila Mark oppa samin tapos yung si hedgehog ay kapitbahay lang namin kaya pag naamoy na nandon samin si Mark oppa nangangapitbahay. I don't think he likes me tho, we're just friends." inis ang pagkakasabi niya sa pahuli.

I laughed, "naamoy talaga?" I asked her. Tumawa siya at tumango.

"Actually, he's fun to be with sometimes... just sometimes." wala sa sariling sabi niya.

Tumango nalang ako at piniling wag nalang siyang asarin sa kanyang sinabi. Kunyari nalang wala akong narinig, okay? Kunyari wala rin kayong nabasa, nue ba.

"Ano pala plano mo kay Jaemin? Suko ka na?" napatingin ako sa kanya agad dahil sa nabanggit niyang pangalan.

"Of course not. I won't give up on him, because I'm still hoping na magkakagusto siya sa sakin." tumawa siya na parang expected na niya ang aking sagot.

"That's the spirit! Ganyan talaga, hirap muna bago sarap! I know worth it naman si Jaemin once na napasayo na siya." she added with a smile.

"Ang tanong, mapasakin kaya?"

"Ano ba! Wag kang nega! Kaya yan!" Tumango naman ako agad sa sinabi niya.

"Fighting!"

"Fighting sa inyo ni Jaemin!"

"At sa inyo ni Renjun!" at tumawa pa ako lalo nang malukot ang kanyang mukha.

"Lul gagu."

____________________________

maybe, just maybe | n.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon