CHAPTER 20

2.8K 93 1
                                    

Who's HIM?

Hyuriko's POV:

Pakiramdam ko ang bigat. Parang may nakapatong sakin. Minulat ko ang mata ko at nakapatong saking tiyan ang paa ni Kuya Jeff.

Jusko ang bigat. Nag-unat ako ng katawan at tiningnan ang oras.

"6am na." Tiningnan ko si Kuya Jeff at nakamulat na ang mata nito at nakangiti.

"Good morning." Bati nito sakin.

"Good morning din kuya, anong oras ka nagising?" Namamaos kong tanong.

"Kanina lang, kanina pa kita ginigising ang sarap ng tulog mo." Bumangon na ito at nagsuot na ng sando.

Ganun ba ako ka-antok? Hahaha! Bumangon na din ako at nagsuot na ng sando.

"Halika na, mag-breakfast na tayo." Yaya nito sakin.

"Breakfast lang, walang tayo. Hahaha! Susunod nalang ako." Pagbibiro ko.

Pumasok nalang ako sa banyo at naghilamos. Lumabas rin ako at nakita kong nakaupo na si Kuya Jeff.

"Grabe, ang takaw." Pagpaparinig ko.

"Kumain kana lang, malelate na tayo." Pagsusungit nito.

Nagkibit-balikat nalang din ako at kumain. Nauna si kuya matapos at naligo na siya. Habang ako naman andito padin.

"Sir Hyuriko, nakahanda na po ang sasakyan niyo." Sabi ni Yaya sakin.

"Okay yaya. Just wait for a minute." Inubos ko na ang pagkain ko at pumunta na sa taas.

Pagpasok ko naman ng kwarto, nakabihis na si Kuya Jeff. Tiningnan ako nito na para bang nandidiri sakin. Aba? Ano na naman? Hahaha 😂

"Yuck eew, maligo kana kasi your so baho na." Pag-iinarte nito. Konyatan kita jan.

"Ahh, ganun, halika dito." Lumapit ako sakanya at dali-dali siyang lumabas ng kwarto dala ang bag niya.

"BUTI AKO MABANGO NA!" Rinig kong sigaw nito sa labas.

Tss. Naligo nalang din ako at dali-daling nagbihis. After ko magbihis bumaba na ako at sumakay sa kotse.

"Ang tagal grabe." Pagpaparinig ng katabi ko.

"At least mas mabango na ako sayo ngayon." Iritang sagot ko dito.

"Hahaha! Talaga lang ha..." Mayabang na sagot nito.

"Wala kana bang naiwan?" Tanong ko dito.

"Wala na. Halika na po Mr. Niko." Utos naman ni Kuya Jeff sa driver namin.

Chineck ko rin ang bag ko at wala narin akong naiwan. Sinalpak ko nalang ang headset ko habang nasa biyahe kami.

Nakita ko naman ang pagmumukha ni Kuya Jeff na parang excited.

"Oh? Anyare sayo?" Tanong ko dito.

"Wala. Nakaka-excite lang. Hahaha!" Sagot naman nito.

"Ahh wag kang ngumiti, para kang baliw." Pang-aasar ko dito kaya hinampas naman ako sa braso.

Nakarating na kami sa school at bumaba na kami ni Kuya Jeff.

"Tama nga si mommy, ang ganda ng school na to." Manghang sabi nito.

"Halika na Kuya, labas palang yan. Wait until you see what's inside this school." Pumasok na kami sa loob at as usual pinagtitinginan si Kuya Jeff.

High School Lovers (BoyXBoy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن