CHAPTER 13

3.2K 94 1
                                    

Prediction.

Hyuriko's POV:

Nakarating na kami sa simbahan at nag-uumpisa na ang misa. Pumasok na kami at naghanap ng mga bakanteng upuan para sa amin.

"Ayun oh." Nguso ni Sam sa mga upuan.

Tahimik kaming pumunta sa upuan at nakinig sa misa.

"Pst..."

"Hyuriko..."

Tsk.

"Huy..."

Ang kulit ng katabi ko. Hmp.

"Hyuriko..huy."

"Ano?!" Inis kong tinignan si Sam.

"Naiihi na ako."

"Bahala ka jan." Tumingin na ulit ako sa harap at di siya pinansin pero di talaga nagpaawat ang kumag.

"Pleasee...samahan mo na ako." Pagpipilit nito.

Tumayo nalang ako at naramdaman kong sumunod naman siya. Di ko alam ang lugar na ito kaya naman napapunta kami sa may garden ng simbahan.

May nakita akong isang matanda at nilapitan siya.

"Ahm, lola?"

Hinarap niya ako. Napakadungis ng mukha niya at may katandaan narin. Medyo may punit ang mga damit at medyo nanghihina na rin.

"Ano yun iho?" Mahinang tanong nito.

"Alam niyo po ba kung saan ang banyo dito?" Tanong ko sakanya.

"Dun oh.." turo nito.

"Salamat po." Aalis na sana kami ng pigilan niya ako.

"Iho sandali..." nilingon ko naman siya.

"Bakit po?" Taka ko siyang tinignan.

"Maupo ka muna." Sabay hatak niya sakin sa may bench.

"Hyuriko...naiihi na ako." Padyak ng padyak si Sam dahil di na ata kayang pigilan.

"Umihi kana. Dito nalang kita hihintayin." At nginitian ko naman siya. Tumakbo na ito papunta sa Cr at naupo naman kami ni Lola.

"Bakit po lola?" Kinuha niya ang palad ko at hinaplos iyon.

"Napakaswerte mong bata ka..." Huh? Di ako nagsalita at hinayaan lang siya.

"Kung di ako nagkakamali, silahis ka ba?" Nahihiya akong aminin pero tumango ako at ngumiti naman siya.

"2 lalaki ang magkakagusto sayo." Nabigla naman ako sa sinabi niya. Haba naman ata ng buhok ko? Haha!

Pero imposible. Ayokong maniwala pero kailangan ata?

"Isang lalaki ang magkakagusto sayo pero gagamitin kang panakip butas." Nalungkot naman ako sa sinabi niya.

"Masasaktan ka pero, sa huli alam kong siya ang pipiliin mo, alam mo kung bakit?" Patuloy parin siya sa pagsasalita.

"Dahil di mo na kayang mawala siya sa buhay mo, kahit pina-ibig ka niya. Siya parin ang pipiliin mo." At ngumiti siya.

"Saka, wag kang mag-alala iho. Mahal ka niya. Ginamit ka lang niya dahil ayaw niyang bumalik sakanya ang nakaraan." Napangiti naman ako sa sinabi ni Lola.

High School Lovers (BoyXBoy)Where stories live. Discover now