CHAPTER 15

3K 99 0
                                    

New Rules

Hyuriko's POV:

"Gusto ko nun Hyuriko ohhh!"  Turo ni Sam sa isang tindahan.

Sabay kami ni Sam pumasok, dinaanan niya ako sa bahay. Sobrang aga pa nga eh, antok pako 😑

"Sige halika." Hinatak ko si Sam sa tindahan at tinanong kung ano ang gusto niya.

"Birch Tree? Seriously?" Tumango-tango naman siya, habang ako? Napaface palm nalang.

"Eto po ang bayad ate. Salamat po." Bumalik na kami sa paglalakad.

"San mo yan titimplahin?" Taka ko siyang tinanong kasi binuksan niya na yung gatas na binili ko.

"Edi papapakin. Hahahaha! Sarap kaya nito!" So ayun pala. Tsk. Hahaha!

"Ewan. Hahahaha!" Saktong nasa highway na kami at may tumigil na bus. Sumakay na kami ni Sam at humanap ng mauupuan.

"Hyuriko dito na ako...saan ka?" San nga ako? Wala ng mauupuan? Tumingin-tingin naman ako at saktong walang nakaupo sa tabi ng isang lalaki.

"Dun oh...mag-'para' ka nalang ahh?" Tumango naman si Sam at pumunta na ako sa tabi ng isang lalaki.

Mukhang mabait naman, saka balik-bayan? Hahahaha! Medyo sosyalin kasi ang porma eh.

"Hi? Taga OLSYA ka?" Nabigla naman ako kasi nagtanong siya sakin.

"Opo. Bakit?" Napangiti naman siya.

"Nothing. See you there." Huh? Ano daw?

"Okay." Tumingin nalang ako sa labas, nang....

"Ako nga pala si Edmark...ikaw?" Nakangiting tanong nito sakin.

"Hyuriko...nice to meet you." Nginitian ko din siya at nag-shakehands kami.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto at di ako nagkamali, galing siyang ibang bansa ayun, madami pa ako sakanyang nalaman.

"Manong dito nalang po..." tumayo na si Sam at ewan ko ba, nagmadaling sinuot ni Edmark ang cap niya.

"Hyuriko halika na..." kinuha na niya ang bag niya at nagbayad.

"Mauna na ako ahh, ingat Edmark." Tumayo na ako at lumabas na ng bus.

"Ingat Hyuriko." Rinig kong sigaw nito sa loob ng bus. Di man lang lumingon sa bintana hahaha 😆😂

Pogi pala yun, matangos ang ilong, makapal ang kilay, kissable ang lips, medyo kayumanggi saka mabango. Hahahaha 😆

"Sino yun?" Tanong ni Sam na nagpabalik sakin sa realidad.

"Wala wala." Saktong may dumaan na taxi kaya sumakay na kami. 7am ng makarating na kami sa school, 30mins nalang 1st subject na kaya tumakbo na kami ni Sam papuntang room.

"Good morning!" Bati samin nila Alex at Cindy.

"Good morning din!" Bati din naman ni Sam sakanila.

Nilagay ko na ang bag ko sa upuan at napansing busy si Adrianne. Anyare?

"Busy?" Tanong ko dito. Nilingon niya ako at pawis na pawis.

"Oo, nahirapan ako sa assignment natin sa Math eh." Kamot batok na naman si Adrianne. Hahaha.

"Yan kasi...hahahahaha!" Sinamaan niya naman ako ng tingin pero natawa din.

High School Lovers (BoyXBoy)Where stories live. Discover now