CHAPTER 12

3.4K 117 7
                                    

Lampake.

Hyuriko's POV:

Minulat ko ng konti ang mata ko dahil sa sobrang liwanag. Nakaramdam din ako ng hininga malapit sa ilong ko at kamay na nakayakap sakin.

Gosh...

Napabalikwas naman ako at nakita ko ang tulog na tulog na Kaizer.

"Hala!" Napatakip nalang ako ng bunganga ko.

What the h*ll?! Baka may nangyari samin?!

*knock *knock

Bumungad naman sa may pinto si Sam na may nakakalokong ngiti.

"Breakfast is ready. Baba na. Gisingin mo na rin si Kaizer, magsisimba tayo."

Umalis na si Sam at tumayo na ako sa kama. As usual, toothbrush, suklay then ayos ng sarili.

After kong gawin yun, bumalik ako sa kama para gisingin si Kaizer.

"Huy..." kinalabit ko siya. Pero walang epek. Myghad.

"Kaizer, gising na...magsisimba raw tayo." Gumalaw siya ng konti pero tulog parin.

"Babangon ka o gusto mo ng suntok?" Tinapat ko sa mukha niya ang kamao ko.

"Ayaw mo  tala--." Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila niya ako kaya nakaibabaw ako sakanya.

"Good morning. Ang aga-aga ang siga mo dyan."  Namamaos niyang sabi.

Malapit rin ang mukha namin sa isa't-isa. Ramdam ko ang mabigat niyang paghinga.

"Bumangon kana kasi." Inis kong sabi sakanya tatayo na sana ako pero niyakap niya ako.

"Eh...nabitin ako sa kiss eh. Pwedeng kiss muna?" Ngumuso-nguso ito at piningot ko naman siya.

"ARAAYYYYYYYYYY!" Nakakuha naman ako ng chance para makatayo at siya naman hawak ang tenga.

"WHY DID YOU DO THAT?!" Galit niyang sigaw sakin. Uh-oh.

"Pa-para tumayo kana jan..." pabulong kong sabi.

"Tsk." Padabog siyang pumunta ng banyo at naiwan akong nakaupo sa kama.

Maya-maya lumabas na siya ng pinto na nakasibangot ang mukha.

"Halika na." Serysong sabi nito. Naglakad na siya palabas at sumunod narin ako.

"What's with the shit face Kaizer?" Tanong ni Xiam.

Di ito sumagot at umupo na. Habang ako? Nakatayo lang.

"Uy, Hyuriko kumain kana." Yaya ni Sam sakin.

"Dun kana umupo sa tabi ni Kaizer." Sabay nguso ni Alex sa bakanteng upuan.

Arte-arte naman ni Kaizer. Hmp. Naupo na ako at nagsimulang kumain. Tahimik lang ako habang kumakain habang sila nagkekwentuhan.

"Bat tahimik ka dyan?" Tanong sakin ni Adrianne na nasa left side ko.

"Hmm wala lang." Sagot ko.

"Anyare sainyo ni Kaizer?" Napatingin naman ako sakanya at ngumiti.

"Wala. Hehe. Binatukan ko lang siya, ayun nagalit." Natawa naman si Adrianne dahil sa sinabi ko.

Umiling-iling nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain at ganun din ako. After namin kumain, pumunta narin kami sa taas at naligo na magsisimba daw kasi kami.

High School Lovers (BoyXBoy)Where stories live. Discover now