Kabanata 43

53.7K 1.6K 260
                                    

Avianna's P.O.V

Nagpalit na kami ng mas magaan na mga damit pero elegante pa rin tulad kanina. Huminga ako ng malalim ng nandito na kami sa labas ng pinto kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?"....nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Natatakot lang ako"....kaagad kong naramdaman ang palad niya sa pisngi ko.

"Kasama mo ako"

"Iyon na nga ang kinakatakot ko eh."...natawa naman siya dahil sa sinabi ko.

"Tara na, wag mo silang intindihin."....dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at ito na naman tayo. Napahigpit ang hawak ko sa braso niya kaya napatingin siya sa akin.

"Love, kalma lang."....pinilit kong ngumiti at dumeretso ng tingin sa kanilang lahat.

"Teka bakit sila magkasama?"

"Akala ko ba magkaaway sila?"

"Ibig sabihin ba niyan totoo yung kumalat na issue?"

"Alin? Yung si Avianna ang dahilan ng break up ni Frost at Calisha?"

"Oo yun nga"

"Tingnan nyo yung kamay nilang dalawa?!"

"Wahh, sila ba?"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko habang naglalakad kami sa mismong gitna. Nasa amin din ang atensyon ng mga Head Master at Head Mistress pati na rin ang atensyon ni Punong Maestro.

Nakita kong nakangisi sila Hailey sa akin at si Jhaymie naman nag thumbs up pa. Nang namalayan ko ng papa-akyat kami sa stage pinigilan ko siya.

"What's wrong love?"

"Ayoko diyan sa taas"....nakayukong sabi ko sa kaniya, mabilis niyang itinaas ang mukha ko.

"I will just make it official. Ayoko kasi ng my kaagaw."....sabay kindat niya sa akin. Napailing na lang ako at hinayaan siyang hilahin ako pataas.

"Frost, saan ba kayo galing?"

"MAMA!"...nagulat naman ako ng yakapin ako bigla ni Frost.

"Pa, I'm happy"....kumunot ang noo ni Punong Maestro sa naging sagot ni Frost sa kaniya.

"Kuya, ang tanong ni papa saan daw kayo galing"....natatawang sabi ni Loki

"Sige na, alam ko na. Maupo ka muna Avianna doon at kailangang magsalita ni Frost."...tumango naman ako at umupo na nga.

"Diyan ka muna"...tinanguan ko lang din siya.

"Everyone, pasensya na kung natagalan ang batang ito na bumalik. Orion Frost is my eldest son at siya ang susunod na Punong Maestro ng ating Paaralan. Ngayon, pakinggan natin ang kaniyang talumpati."

Nagpalakpakan naman ang lahat at ganoon din kami. Kandong ko si Loki ngayon kahit na may isang bakanteng upuan sa pagitan namin ni Collins. Pinilit ko siyang hindi pansinin dahil ayokong mas magalit pa sa kaniya.

"Ahem.... pwede na ba akong magsalita? Ang ingay niyo pa kasi eh."....nagbibiro niyang tanong na ikinatawa ng lahat pati na ang mga opisyal na nasa likod namin.

"Yes, I'm the eldest son of that grandpa there and I'm his worst son. Why? Kayo na lang humusga dahil kayo ang nakakakilala sa akin. I'm a fvckin' asshole, ginagamit ko yung kapangyarihan at posisyon ko para katakutan niyo."

"Being the next Head Master of this freakin' Academy is a big resposibility. Hindi ko pinapangakong magiging maganda ang pagpapatakbo ko dito kapag ako na yung namumuno dahil gago ako. Pero gagawin ko ang lahat para mapantayan lahat ng ginawa ni Papa. Hindi ako manghihingi ng tawad sa mga nangyari simula noong tumapak ako dito dahil hindi ako nagsisising ginawa ko 'yon saka di ko ugaling manghingi ng dapat kung hindi siya yung nagawan ko ng masama.".....pagkasabi niya non tumingin siya sa akin.

Mage AcademyWhere stories live. Discover now