Kabanata 20

60.4K 2K 285
                                    

Avianna's  P.O.V

Salamat naman at umayos na ulit ang  pakiramdam niya. Makaranas lang kasi ng kaunting ginhawa, lalandi at magsusungit na naman. Pansin ko lang, mas sumasama yung lagay ng hangin dito sa bawat araw na lumilipas.

"Saan ka matutulog?"....tanong sa akin bigla ni Caspian

"Dapat kasi natutulog na talaga ako ngayon kung 'di mo lang ako binitbit dito."

"Ayaw mo non, tingnan mo unti-unting bumabalik ang mga laman ni Frost. Ang galing mo, ilang oras ka pa lang nandito ng laki na nang inaayos ng katawan niya."....inirapan ko lang siya. Medyo antok na din ako pero pinipigil kong matulog dahil itong isang 'to hindi pa tulog.

"Mas okay 'yon para mapadali trabaho ko dito"

"So we can hang out together huh?"....binatukan ko nga siya. Akala ko, masama ugali ng Caspian Sea na ito pero hindi, nagkasundo na kami dahil sa daldal niya.

"Pwede ba, wag kayong maglandian sa harap ko."....napatingin kami sa kaniya

"Jealous?"....inakbayan ako ni Caspian kay tiningnan ko siya ng masama.

"Kapag hindi mo 'yan tinanggal susunugin kita."....banta ko sa kaniya

"Chill lang baby, baka masunog mo yung buong kwartong 'to."

"Baby mo mukha mo!"

"Ang cute mo kapag nagagalit. Sana akin ka na lang!"....yayakapin niya sana ako ng itulak ko siya kaagad. Pagkatingin ko sa yelong nasa harap lang namin napakasama ng tingin niya sa aming dalawa.

"What?"....taas kilay kong tanong sa kaniya

"Kung maglalandian lang kayo dito, pwede na kayong umalis."....nang iinis siyang ngumiti. Inirapan ko lang siya, kapag umalis naman ako dito. May susundo na naman sa akin at sasabihing "He needs you again" Damn, bakit kasi hindi ka pa gumaling galing ng matapos na ang lahat ng 'to.

"First of all , hindi kami naglalandian kaya matulog ka dyan ng makaalis na ako."

"Hatid na kita mamaya"

"Malamang, ikaw nagdala sa akin dito kaya ikaw din ng magbabalik sa akin."

"Of course my baby"....piniltik ko nga ang tubig ang noo niya.

"Matulog ka na lang din diyan, gigisingin na lang kita kapag aalis na tayo."

"So may tayo na kaagad?"

"Tang**a Caspian, wag mo akong inaano"

"Hindi pa naman kita inaano, gusto mo ba?"....binasa ko nga siya ng tubig.

"Buti nga sayo!"...kung anu-ano kasi pinagsasasabi.

"What the!"....pinatuyo niya ang sarili niya, nakalimutan kong water mage ang isang 'to.

"Ang sama mo."....sabay tingin niya ng masama sa akin.

"Caspian, wala ka bang planong umalis?"....napatingin naman ako sa yeko na ito dahil sa tanong niya kay Caspian

"Meron naman"

"Bakit hindi ka pa umalis?"....mas mataray pa talaga sa akin ang isang 'to eh. Kumunot ang noo ni Caspian dahil sa inaasta ng kaibigan niya.

"Dude, anong problema mo? Kung inis ka kay Avianna 'wag mo akong dinadamay."....natatawa niyang sabi, inirapan ko lang siya. Isama na naman ba kasi ang pangalan ko.

"Pwede ka nang umalis"....napangiti ako ng wala sa oras.

"Caspian , pwede na daw! Lets go, inaantok na ako!"...tatayo na ako ng may pamilyar na malamig ang humigit sa akin paupo ulit.

"Caspian, pwede ka nang umalis"....nanlaki ang mata ko at nagpumiglas sa hawak niya.

"Dude, what's your problem? Bitawan mo si Avi, nasasaktan na oh."

"Wag mong hintaying ulitin ko ang sinabi ko. Get out"

"Fine, just don't.... don't fvcking hurt her dahil marami ka nang makakalaban kapag ginawa mo 'yon."....padabog na umalis si Caspian. Putek naman eh, bakit umalis ka? Kung hindi ako ang mapapatay niya baka siya ang mapatay ko. Hinigit ko na ang braso ko na hawak niya.

"Ano bang problema mo? Bakit pinaalis mo si Caspian?"

"Dahil mukhng masaya kang kausap siya, lahat ng magpapasaya sayo aalisin ko para parehas tayong nagdudusa."

"Napakawalang puso mo"

"Wala naman talaga".....inirapan ko na lang siya dahil sa inaasta niya.

"May paparating"....pagkasbi niya non, mabilis na bumukas ng pinto at niluwa nito ang dalawang healer at si Punong Maestro.

"Mabuti naman at sinunod mo ako Avianna."...halos mapa irap ako ng wala sa oras.

"Pa, ano na naman ba ang kailangan nyo?"

"May gusto lang kming sabihin sa inyo."

"Ano ba 'yon? Para makaalis na kayo kaagad."

"Ayon sa pag-aaral na ginagawa ng mga healer natin, unti-unting gumagaling si Frost pero hindi nawawala ang sumpa sa kaniya. Avianna, magaling ang ginagawa mo kahit sa simpleng pag-aalaga mo sa kaniya na parang normal lang ang sakit niya, napapagaling mo na siya sa ganoong paraan. Sa tuwing umaalis ka ng masyadong matagal sa tabi niya , inaatake na naman siya pero s atuwing nasa tabi ka niya, gumagaan na ang pakiramdam niya tama ba ako Frost?"....alam kong ayaw niyang aminin pero tumango lang siya.

"His body needs you kaya whether you like it or not Frost, mananatili siya dito lalo na ng napakalapit na ng Taunang Pista at kailangan na kailangan ka doon Frost. Napagkasunduan namin na sa limang araw na natutira bago ang pista, mananatili muna kayong dalawa dito. Avianna, mananatili ka dito at wala kang ibang aasikasuhin kundi ang alagaan at pagalingin si Frost at ikaw Forst wala kang ibang gagawin kundi ang sundin at makipag cooperate kay Avianna. Si Caspian lang ang papayagan kong pumunta dito wala ng iba."....halos mapamura na lang ako, kinocontrol nila ako. Hindi man lang nila ako tanungin kung ayos ba sa akin ang ganito? Kung ilang oras nga lang halos hindi na ako makatagal na kasama ang lalaking 'to paano pa kaya kung limang araw? Paano naman si Loki? Hindi ko makikita yung bata. Mamimiss ko siya ng sobra.

"Punong Maestro, sobra naman po yata 'yon, hindi ko po kayang mag stay dito at hindi makita si Loki."....naoatayo ako sa inuupuan ko

"Tsss, mamimili ka lang namn Avianna, makikita mo si Loki ng walang buhay o magtitiis ka ng limang araw dito."...napakagat ako ng labi ko at napaupo na lang ulit sa upuan ko. He knows my weakness.

"Wag kang mag alala, ang sasabihin ko sa dalawa kong anak, may ipinagawa ako sa mundo nyo kaya mawawala ka ng limang araw at babalik ka lamang sa taunang pista. Maiwan ko na kayo at papadalhan kita ng mga gamit mo Avianna. Mauna na kami at masyado ng malalim ang gabi."....hindi na ako tumango at hinayaan na lang silang umalis. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras, hindi man lang ako nakapag paalam kay Loki.

"Kasalanan mo 'to"...pabulong kong sabi

"Alam mong narinig kita"....inirapan ko lang siya. Guess what, sa sofa ako matutulog. Damn it. Tumayo na ako at pumunta doon.

"Sa tingin mo anong ginagawa mo?"

"Malamang matutulog kaya pwede ba mahimik ka.".....pumunta na ako sa sofa at tumalikod sa kaniya. Ano na naman ba ang nangyayari? Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit makatulog.

Mage AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt