Kabanata 41

49K 1.6K 110
                                    

Avianna's P.O.V

Huminga ako ng malalim bago umupo sa bakanteng upuan. Nakatingin silang walo sa akin.

"Ayos ka lang?"....tanong kaagad sa akin ni Jhaymie. Tumango lang ako at kinuha ko ang isang basong tubig at ininom. Kailangan kong mahimasmasan.

"May nangyari ba? Bakit ganiyan yang mukha mo?"....tanong naman sa akin ni Hailey. Napakuyom ako ng kamao ng maalala ko yung mga sinabi ni Collins at yung nakakabastos nyang ginawa. Akala ko pa naman, iba siya. Akala ko mabait siya pero hindi pala. Akala ko lang pala ang lahat. Bakit siya nagkaganyan?

"Wala, I'm just tired"......mapait kong sagot, nanatili akong nakatingin sa kawalan at wala ni isa sa kanila ang nagsalita ulit. Akala ko magiging maayos na ngayon pero mas lumala pa rin. Pumunta ako dito para kay Frost pero bakit ganito?

"AVIANNA!"...nagulat naman ako kay Jhaymie, may nginunguso siya sa likod ko kaya napailing lang ako at lumingon.

"Pwede ko ba siyang hiramin muna?"....nakangiting tanong niya sa kanila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagwawala na naman ang mga paru-paro na nasa tyan ko.

"SIGE LANG! KAHIT WAG MONG IBALIK!"...ang lakas ng boses ni Jhaymie, hindi naman halatang pinagtutulakan niya ako.

"Lets go?".....tumango lang ako at inalalayan niya akong tumayo. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin na siyang kinagulat ko. Damn..... My heart.....

"Love, you're so beautiful "....nakangiti niyang sabi sa akin na siyang unti-unting nagpangiti sa akin. Kung kanina wala akong pake sa mga nagsasabi niyan pero nung siya na para akong nanalo sa kung ano noong sinabi niyang napkaganda ko.

"Tha..nks"...halos sampalin ko ang sarili ko dahil sa pagkakautal ko. Umayos ka Avianna!

"*chuckle* Are you alright?"....hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ngayon at patuloy pa rin kami sa paglalakad, ni hindi ko alam kung saan kami dinadala ng mga paa namin.

"Ahmm, yeah."

"Anong sinabi ni Collins sayo?"

"Hindi na mahalaga 'yon."...sagot ko kaagad sa kaniya.

"I want to kill him right now pero mas pinili kong makasama ka."....alam kong namumula na ako dahil sa init ng pakiramdam ko ngayon.

"Frost, can I ask you a favor?"...napahinto naman siya at humarap sa akin

"Sure, anything as long as I can."

"Pwede bang pumunta muna tayo doon sa village."

"Sure, sayo naman na 'yon eh."....pinagsalikop niya ulit yung mga kamay namin at perpektong perpekto ito para sa isa't isa. I can't help but to smile. Now I know, I have this feelings everytime he's near or touching me.

"Love, can we stay like this forever?"....kumunot ang noo ko

"Huh?"

"Sana ganito na lang tayo, yung hinahayaan mong tawagin kitang love, hawakan ka at maging malambing sayo"....nakangiti niyang sabi sa akin, nginitian ko lang siya.

"Lets go, gusto ko na sa village"....hinila ko lang siya habang may ngiti sa labi ko.

"Be careful Love"....pagkasabi niya non humarap ako sa kaniya at bigla kong naramdaman ang unti unting pagtumba ko kaya napapikit lang ako.

"Sinabi ng mag-ingat eh.".........binuhat niya na ako hanggang sa makarating na kami sa village, naramdaman ko ang mas malamig na paligid kaysa kanina.

"Yah, put me down!"...binitawan niya ako at saka tumingin ako sa kaniya para yatang tumangkad siya.

"Tumangkad ka?"...tanong ko kaagad sa kaniya

"Nope, lumiit ka lang"...sabay gulo niya sa buhok ko.

"Tara doon sa taas!"....sigaw niya habang tumatakbo. Really? papatakbuhin niya ako ng naganito? Napailing na lang ako bago ko tanggalin ang heels ko at tumakbo

"HINTAYIN MO AKO!"....sigaw ko sa kaniya pero dinilaan niya lang ako. Napatigil ako dahil naalala ko yung ginawa kanina ni Collins. 

"What's wrong?".....nagulat ako ng nasa harap ko na siya.

"Stop pouting love, baka halikan na talaga kita.".....hinampas ko nga siya bigla. I'm starting to like , the way he calls me love.

"Love, I'm jealous."

"No, you're Frost"...nakangisi kong sagot sa kaniya

"Nah! Dapat ako ang first dance mo kanina tapos pinagpasapasahan ka pa ng mga gunggong na 'yon tapos...."....nakita ko na naman ang galit sa mga mata niya.

"Frost, natatakot na ako"

"Saan?"...kunot noo niyang tanong sa akin

"Natatakot na ako kay Collins, he's so strange. He said something horrible and he fvckin' licked my earlobe.".....nanlaki ang mga mata niya at nakita ko ang pagkakuyom ng mga kamay niya.

"That asshole"....umamba na siyang aalis pero pinigilan ko siya

"Hep, stay."

"Fine"....inirapan niya ako bigla na siyang kinatawa ko ng bahagya at pinitik ko siya sa ilong.

"May sasabihin ako"....nakangiti kong sabi sa kaniya kahit namumuo na ang kaba ko.

"What is it?".....bigkang humngin ng malakas kaya nagulo ang buhok ko.

"Kung alam mong masasaktan lang ako sa sasabihin mo, wag na."....kinawit niya ang mga takas kong buhok na gumagambala sa mukha ko sa aking tenga.

"Hmmmmm, this village is mine diba?"....tumango lang siya

"So......"....hindi ko maituloy ang sasabihin ko at bigla na lang akong nanlalamig. Nakatitig lang siya sa akin habang nakahalukipkip at hinihintay niya akong magsalita

"I'm waiting love"

"*pout*"....hindi ko mapigilan ang mag pout dahil kinakabahan talaga ako.

"Damn, your lips. Baka hindi ako makapagpigil."

"FROST!"....bigla kong sigaw na siyang kinagulat niya

"I'MREADY!!!"....mabilis kong sabi kaya napangiwi siya.

"What? Hindi ko naintindihan".....magkasalubong na ang mga kilay niya at ang buhok niya magulo na dahil sa hangin. Ramdam ko na lalo ang kaba ko ngayon.

"Frost"

"Yes?"...malambing niyang tanong sa akin. Pinaglaruan ko ang mga kamay ko dahil hindi ko alam kung paano ko ba talaga sisimulan ang gusto kong sabihin.

"Love, may sasabihin ka ba talaga?"...tumango lang ako na parang baliw.

"Tsskk, you're so cute. I wanna keep you".....pinisil niya ang magkabilang pisngi ko at saka niya ako tinitigan. Ang mga mata niyang nakakaadik, hindi ito yung mga mata na nakita ko noon. Malaki ang pinagbago ng mga ito.

"Frost, I just want to ask you a question bago ko sabihin ang sasabihin ko."

"Go ahead".....hindi nawawala ang ngiti niya

"Frost, do you like me?"...kumunot ang noo niya na siyang kinakunot din ng noo ko. Hindi ito ng inaasahan kong ekspresyon ng mukha niya.

"I don't like you."...napanganga ako sa sinagot niya. Gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon. Hindi niya ako gusto? Ibig sabihin naprapraning lang ako at binigyan ng malisya ang lahat?

Gusto kong magising ngayon at sabihing panaginip lang ang lahat ng ito?

"Frost, anong sabi mo?"...alam kong nangingilid na naman ang luha ko.

"I don't like you Avianna"....damn it! Parang nabibingi yata ako.......

Mage AcademyWhere stories live. Discover now