Kabanata 19

58.9K 2.2K 405
                                    

Avianna's P.O.V

Gabi na naman at hindi na naman ako makatulog. Napagdesisyunan ni Collins na sa kaniya muna matutulog si Loki ngayon kaya ako lang mag-isa ang nandito.

"Avianna"....halos mapatalon ako sa gulat.

"Ano na naman ba Caspian?".....nakalutang sya gamit ang tubig na kinokontrol niya. Ano na naman bang kailangan nito?

"He needs you again"

"Caspian, ayoko pang mamatay ng maaga kaya tigil tigilan mo na ako. Kung ayaw nyang tulungan ko siya edi wag, ako ba yung mamamatay , siya naman diba?"

"Tsss, basta dadalhin kita doon!"....hinila niya ako at napunta ako sa labas.

"Damn it! Ibalik mo ako sa kwarto ko!"

"Shhh, wag ka ngang eskandalosa, gabing gabi na ang ingay ingay mo pa."

"Ibalik mo kasi ako doon!"

"Tsssss"....nagpupumiglas ako sa kaniya pero mas hinihigpitan niya lang ang hawak niya sa akin. Nakakaputang**a lang

"Here we go"....binaba niya na ako. Nandito na kami sa tapat ng pintuan ng yelo na iyon.

"Babalik na ako sa kwarto ko."....tumalikod na ako sa kaniya

"Oops, hindi pwede. Binantaan ka na ni Punong Maestro at kung hindi mo pa siya kilala, sasabihin kong kaya niyang gawin yung sinabi niya sayo."...halos manlambot ako, bwisit. Bakit ba kasi si Loki pa ang kailangang mapahamak kapag hindi ko ginawa 'to.

"Pumasok ka na doon"....binuksan niya ang pintuan at nakayuko akong pumasok, naramdaman kong kasunod ko din siya. Sabay ng pagtungo ng ulo ko ang pagsara ng pinto at pagiging madilim bigla ng paningin ko. What the hell? Problema mo na naman ba Caspian. Tinanggal ko ang takip sa mga mata ko at humarap ako sa kaniya.

"What's wrong with you?"

"Kung ayaw mong makakita ng kung ano, manatili kang nakatingin sa akin."....anong pinagsasasabi nito. Inirapan ko siya at tumingin na ako kay........

Fvck, sana pala sinunod ko na lang si Caspian. Ito na yata ang pinakamalaswang nakita ko sa buong buhay ko. Damn! May sakit na nga yung yelo na 'to tapos nagagawa pa nilang dalawa ang ganiyan. May humila sa akin at tumama ako sa dibdib niya.

"Sinabi ng wag titingin doon eh, you're too inocent for that thing. Cali pasensya na pero itigil nyo yan baka mas mapaaga ang pagkamatay ni Frost."

"Mukha naman nag-eenjoy kayong manood diba?"....gusto kong lamukutin ang mukha ng babaeng 'yan, ito na naman yung pagkirot ng puso ko , ogag na ogag na naman.

"Calisha, umalis ka na sabi , wag mong hintaying kaladkadin kita ng huba't hubad."

"You're so Kj Casp"......narinig ko ang mga kaluskos na mukhang nagbibihis na.

"Bye Babe, see you tomorrow. Rest well I love you".....Tssssss, nakakainis lang pakinggan , ang sarap sapakin. Hindi na akong nag abalang tingnan pa yung demonyita na yan at buti naisipan niya ng umalis, narinig ko na yung tunog ng pinto eh.

Ayoko ng amoy dito. Pinaghalong sex at hindi ko maipaliwanag.

"Anong ginagawa nyo ditong dalawa."...so malakas na pala siya kaya naggawa niya na 'yon.

"Damn, kakasabi ko lang sayo Frost. Tama na muna yang ginagawa nyo ni Cali dahil ikakamatay mo lang lalo."

"Shut up, alam ko yung ginagawa ko Caspian saka ano bang ginagawa nyo ng babaeng 'yan dito?"

"Tsss, Frost look at yourself! Para ka ng bangkay tapos tingnan mo that damn ink! Nasa balat mo na naman"

"Mamamatay din naman ako, bakit hindi ko pa sulitin?"

"Damn you, kaya nga dinala ko si Avianna dito."

"Hindi ko kailangan ang walang kwentang babae na 'yan."

"Your body says the opposite. Kaya ka nakakapagsalita at gising na dahil sa kaniya. Kung wala si Avianna sigurado wala ka pa ring malay ngayon."

"So dapat na ba akong magpasalamat sa kaniya?"

"Look, gagawin ko lang ito dahil ayokong madamay si Loki kaya pwede ba makipag cooperate ka na lang."....inis kong sabi sa kaniya

"I don't need your help"

"Damn, Ilang beses bang dapat ipaintindi sayo? Mamamatay ka kapag hindi kita ginamot! Hindi ka ba masaya na you can do whatever you want kapag gumaling ka na? Akala mo ba ikaw lang ang may ayaw na nandito ako pwes nagkakamali ka. Sa tingin mo gusto ko 'to? Mas gusto ko pang malunod kaysa makasama ka.".......yamot na yamot na talaga ako sa kaniya

"Dude, makipag cooperate ka na lang"

"Caspian, palitan mo ang lahat ng nasa kama. Nakakadiri."......nilapitan ko na yung yelo na ito. Pinilit kong hawakan siya kahit na ayoko.

"Don't touch me."

"Kapag hindi kita hinawakan, tataob ka lang."....mataray kong sabi sa kaniya.

"Damn, Frost hindi ka pa rin ba natatauhan? Alam kong alam mo yung ginagawa ng girlfriend tapos patuloy pa rin kayong nag me make out. Tskkkkk, disgusting."

"Shut up Caspian. Alam ko yung ginagawa ko."...siguro nga, mahal niya talaga dahil ganoon niya na lang ipagtanggol si Cali sa tatay niya. Hoy! Hindi ako nagseselos.

"Ano ba, wag mo ngang higpitan ang hawak mo!".....sigaw niya sa akin

"Napaka arte mo."....padabog ko siyang iniupo ulit sa kama niya.

"Nakikipag make out ka pero hindi ka makatayo mag-isa. Pagaling muna kasi bago landi."

"Anong sabi mo?!"

"Wala, ang bingi mo kasi."

"Caspian! Ilayo mo na nga sa akin yang babae na 'yan!"

"Avianna, wag mo na ngang patulan yan"...nayayamot na din sa amin si Caspian. Sobrang lamig na naman dito at nag-iiba na naman yung daloy ng dugo niya.

"Yung daloy na naman ng dugo mo, bwisit na naman.".....pinaapoy ko na ulit ang mga furnace at nilagay ko na sa noo niya ang kamay ko. Unti-unti na naman siyang nilalamig at ramdam na ramdam namin yun dahil unti unti na ding lumalamig dito.

"Caspian, pasuyo naman nung prutas pakihiwa na din."...tumango lang si Caspian

"Tanggalin mo nga yang kamay mo sa noo ko! Naalibadbaran ako."

"Gago, kapag tinanggal ko 'to mamamatay ka sa lamig.".....inirapan ko lang siya.

"Nga nga".....sinamaan niya ako ng tingin. Napakaarte jusko

"Ngumanga ka , ibubuhos ko sayo 'tong tubig na 'to."...may pinapaikot akong tubig sa kaliwang kamay ko. Unti unti siyang ngumanga at unti unti ko din siyang pinainom ng tubig.

"Here"....inabot sa akin ni Caspian yung prutas

"Thanks"....tumango lang sa akin si Caspian.

"Kainin mo 'to para umayos yung lagay mo".....ang tubig at pagkain na gawa ko lang ang tinatanggap ng katawan niya at alam ko din sa sarili ko na ako lang ang makakatulong sa kaniya. May kakaiba sa akin na kailangan ng katawan niya para mabuhay kaya dapat magpasalamat pa nga siya at hindi magsungit at maging maarte ng ganito.

"Avi, you're amazing."....nagulat naman ako sa sinabi ni Caspian at nakangiti pa siya sa akin. Nagtitigan lang kaming dalawa at hindi pa rin nawawala ang ngiti niya hanggang sa

"Where's my fvcking food!?"...panira talaga 'tong lalaking 'to. Padabog kong sinubo sa kaniya yung prutas at inirapan ba naman ako.
Bakla ka? Bakla ka? Inirapan ko nga din siya.

Mage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon