Kabanata 18

60.2K 2.2K 453
                                    

Avianna's P.O.V

Nandito na kami sa tuktok at nag-iba na nga ang ihip ng hangin. Nakangiti lang si Loki habang pinagmamasdan niya ang paligid. Napakatahimik dito at pwede ka ngang makatulog ng wala sa oras. Napatingin ako sa academy at naaalala ko na naman yung nangyari kanina.

"Hey".....tinabihan ako ni Collins, hindi ko naman siya pinansin.

"Galit ka? Ako ng dapat ang magalit eh tapos ikaw yung galit ngayon.".....natatawa niyang sabi sa akin

"Sorry"....bigla akong tumingin sa kaniya na hindi niya inaasahan

"Okay lang"....natatawa niyang sabi sa akin

"Nakaka stress pala dito"

"Sinabi mo pa, bumalik lang naman ako dahil kay Loki"...nakatitig siya kay Loki na napakasayang pinagmamasdan ang mg nasa ibaba.

"Kamusta na si Frost?"....tanong niya sa akin bigla.

"Ayos na siguro dahil nagawa niya ngang magsungit eh."

"Si Frost yung taong hindi ipapakita na kailangan ka niya, hindi niya ipapakitang mahalaga ka sa kaniya, hindi niya sasabihin kung ano yung nararamdaman niya kasi doon siya lumaki. Pinili niyang itago ang lahat ng nararamdaman niya kaya nga nagulat ako ng nalaman ko din na girlfriend niya si Cali, akalain mo may nagtyatyaga sa ugali niya.".....medyo sumikip yung dibdib ko sa mga huling salita na sinabi ni Collins pero hindi ko alam kung bakit.

"Wala naman talagang tatagal sa kaniya kaya himala na girlfriend niya si Calisha"

"Against si Papa sa kanila kaya pinaghiwalay na sila. Iyon yung dahilan kung bakit sila naghiwalay."

"Wala naman akong pakialam sa love life nya, magsama sila nung demonyita niya."

"Tss, bakit ba galit na galit ka din sa kaniya?"...bakit nga ba? Kasi yung ginawa niya kay Loki o yung pambubugbog niya sa akin na wala namang malalim na dahilan.

"Hindi ko din alam, hindi naman ako galit na galit. Galit lang naman."....natatawa kong sagot sa kaniya

"Mabait naman si Frost, kailangan mo lang talagang maging close sa kaniya."....mukhang malabong mangyari ang sinasabi nito.

"Napakalabong mangyari ang mga sinasabi mo"

"Bakit hindi mo subukan?"

"Nakakasawa subukan"....tuluyan na akong napatawa, kaya napatingin sa amin si Loki. Nagpabuhat siya kay Collins.

"Mama, Papa dito na lang tayo"

"Loki alam mong hindi pwede"....sagot sa kaniya kaagad ni Collins

"Joke lang po, you're so serious papa"

"Balik na tayo sa academy?"....pag aayaya ko sa kanila. Tumango lang naman sila at nagsimula na kaming bumaba at bumalik sa academy. Madami ang nandito sa labas dahil kaliwa't kanan ang ginagawa nila.

"Marami ba talagang dadating?"

"Oo, sobrang dami."...sagot sa akin ni Collins.

"Avianna"...pagkaharap ko sa tumawag sa akin, isang malakas na sampal ang natamo ko. Fvck you Calisha.

"What the fvck!"....mabilis akong tinayo ni Collins.

"How dare you! Akala mo maaagaw mo sa akin si Frost, hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo!"

"Calisha, ano bang pinagsasasabi mo?"....tanong ko kaagad sa kaniya , medyo masakit yun huh

"Isa ka lng namang air mage na kailangan niya kaya pwede wag kang ilusyunada. Pinakiusapan kita na tulungan siya pero wag mo namang abusuhin. Sa gabi ka talaga pumupunta, napakalandi mo!"...sasampalin niya sana ako ulit ng hinawakan na ni Collins ang kamay niya.

"One more slap baka makalimutan kong babae ka."

"Woah, malandi yang babae na 'yan, pinapaalis na siya ng boyfriend ko tapos ayaw niya pang umalis."

"Shut the fvck up Calisha, ang pagkakaalam ko wala na kayo ng kapatid ko kaya wala ka ng karapatan para maging warfreak dito."

"Wala akong pakialam, malandi yang babae na 'yan."

"Ikaw ang malandi dito, baka gusto mong isa isahin ko yung dahilan."...mukhang natakot sya sa sinabi ni Collins.

"Hindi pa tayo tapos"...tinulak niya ang balikat ko kaya napakagat na lang ako sa labi ko, pasalamat siya ayaw ko siyang patulan.

"Demonyita"...tinulak ni Loki si Calisha kaya nagulat kaming lahat.

"Loki!"...sigaw ko sa kaniya at mabilis siyang hinila ni Collins papalapit sa amin.

"How dare you! Iyan ba ang natutunan mo sa mga 'yan, aasahan mo makakaabot sa kuya mo ang ginawa mo sa akin at alam mong hindi mo magugustuhan ang pwede niyang gawin sayo."...nakita kong nagiba kaagad ang ekspresyon ni Loki.

"YOU'RE THE BITCH! HINDI KAYO BAGAY NI KUYA!"

"Loki"....awat ko sa kaniya

"Woah, wala akong pakialam sayong bata ka. You're just a worthless kid kaya wala kang karapatan para sabihing hindi kami bagay ng kuya mo."

"So? Sige sabihin na nating bagay kayo ni Kuya pero hindi maaalis ang katotohanang malandi ka."....pasugod na sa amin si Calisha ng biglang dumating si Caspian.

"Calisha, stop this. You're just making a scene again. Hinahanap ka ni Frost."

"Fine, pasalamat kayong tatlo"

"Then thank you Demonyita."....nakangising sabi ni Loki sa kaniya. Nagtataka na ako dahil paiba iba talaga ang personality ng batang ito.

"Baby, are you okay?"....tanong ko kaagad sa kaniya at kinuha ko siya kay Collins.

"I'm okay mama, kayo po? Masakit po ba yung sampal nya sayo?"....umiling lang ako

"Tara na, lagyan natin ng yelo yang pisngi mo baka magkapasa."....sumunod na kami kay Collins at pumunta kami sa bahay nila ni Loki.

Calisha's P.O.V

"What the hell is your problem Caspian?"...sigaw ko sa kaniya.

"Cali, you're just making a scene. Wag mong hintaying tuluyang hindi makapagpigil si Collins sayo. Awayin mo na ang lahat wag lang yung dalawang tao na mahalaga sa kaniya."

"I dont care, dapat lang naman sa dalawang 'yon ang ginawa ko. Avianna's just a piece of shit."

"Tsss, iyon ang akala mo. Cali, mas mabuti sana kung bawasan mo yang pag iinit kay Loki at kay Avianna pare-parehas tayong walang alam sa kaya nilang gawin."

"Omyghad Caspian! Loki is just a kid , ni hindi niya nga alam kung anong klase siyang mage kaya hanggang ngayon wala siyang nakokontrol na kahit ano. Si Avianna, she's just an air mage, mas magaling pa ako sa kaniya."

"Damn, ang kulit mo Cali! Sinabi ng tantanan mo na yung dalawang yun!"

"AYOKO! Hanggat nandito sila, hindi ako titigil."

"Cali, you're ridiculous. Nababaliw ka na, hindi nila aagawin si Frost sayo."

"Anong hindi! Tingnan mo pumunta sya kay Frost gabing gabi na!"

"Wtf! Iyon lang ang hinihimutok mo diyan! Bantayan mo 24/7 si Frost para hindi ka nagkakaganyan."

"Sino ba talagang kakampi mo huh?!"

"Wala akong kinakampihan"

"Ewan ko sayo Caspian, nasaan si Thomas?"

"Malay ko, hindi ako hanapan ng nawawala. Mauna na ako."

"Go, umalis ka na wala kang naiitulong."

"Tss, by the way tama si Loki. You're the bitch"

"Fvck you Caspian!"

Mage AcademyWhere stories live. Discover now