"Hindi ako tanungan ng nawawala"

"Fine, by the way gusto ko lang malaman mo na alam ko na ang lahat."....kumunot ang noo ko at napatingin na ako sa kaniya. Anong katarantaduhan na naman ang sinasabi nito?

"What the hell are you talking about Collins?"

"Inalagaan ka niya diba? Inalagaan ka lang niya at wala talagang pinagawa sa kaniya si Papa."....nakahinga ako ng maluwag dahil buti iyon lang ang alam niya.

"Totoo nga saka kahit alam mo na ngayon wala ka ng magagawa dahil tapos na"

"Yeah iyon nga ang maganda tapos na kaya akin na ulit siya."....umigting ang panga ko sa sinabi niya. Kahit kailan hindi naging sa kaniya si Avi.

"Chill, ramdam ko na kaagad ang galit mo"....nakangisi pa rin siyang nakatingin ng deretso sa mga estudyante sa baba

"Stop your bullshits Collins dahil hindi ako magdadalawng isip na pahirapan ka."

"Hindi rin ako magdadalawang isip na agawin siya"....nagpipigil lang ako dhil ayokong masira ang gabing 'to

"Tsss, trust me kakainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon."....nakangisi ko ding sagot sa kaniya kahit na nakakuyom na ang kamao kosa inis.

"Kuya, bakit lagi na lang ikaw? Bakit ikaw pa? Sinaktan mo na siya noon at hindi malabong gawin mo ulit 'yon. Kung ginagawa mo ito dahil mayroon kang hidden agenda pwede ba tumigil ka na."....mas nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi niya alam ang mga nangyayari. Wala siyang alam.

"Tssk, tama na nga. Sa akin din naman siya sa huli"

"Binabalaan kita, hindi ako nagdadalawng isip na atayin ka sa oras na may ginawa ka kay Avianna. Magkalimutan ng magkapatid tayo."....madiin kong banta sa kaniya

"Edi magkalimutan na."...sasagot pa sana ako pero dumating na si Loki kaya minabuti ko na lang na manahimik. Lumipas mg ilang minuto at may nagbukas ng pintuan. Nakuha nito ang atensyon ng lahat, isa sa mga kasama ni Hailey kaninang lumabas. Nagsunod sunod silang pumasok at pang huli si Hailey. Nakatutok silang lahat kay Hailey pero napawi ito ng biglang may lumitaw pang isa.

"Damn it"....gustong gusto kong bumaba pero hindi maaari. Magtataka silang lahat. Suot niya ang inihanda ko para sa kaniya na siyang nagpangiti ng bahagya sa akin. Nag umpisa ng magbulungbulungan pero mukhang wala din siyang pake tulad ko. Palinga linga siya at mukhang may hinahanap. Tumigil siya ng makita niya na ako. Tinitigan ko siya at ganon din siya. Tatayo na sana ako ng biglang

"Lets start the annual dance"

Fvck you Calisha! Nakita kong ngumisi siya na siyang dahilan kung bakit ko siya gustong pagyelohin ngayon.

Natabunan na si Avianna ng mga nagsasayaw.

"Papa, ang ganda ni Mama nakita mo?"

"Yes, she's beautiful"...sabay baling niya sa akin at ngumisi. Kung pwede ko lang siyang patayin ngayon ginawa ko na.

Damn, paano ko siya mapupuntahan. Nakita kong kasayaw niya na si Chase na mas lalong nagpainit ng dugo ko pero hindi kalaunan si Kevin naman. Damn, sinong nagbigay ng pahintulot sa inyong pagpasapasahan ang babae ko?

Mas kumunot ang noo ko ng si Caspian naman ang kasayaw niya. Alam kong oatapos na ang tugtog at hindi nga ako nagkamali. Tumigil na ng ito at tumayo si Papa.

"Ngayon, panoorin naman nating isayaw ng mga anak ko ang kani-kanilang date ngayong gabi."

Wala akong nagawa kundi dalhin si Calisha sa baba kahit ayaw ko. Nakita ko siya at gustong gusto ko na siyang puntahan

"Frost, yung kamay mo sa bewang ko"....halos itulak ko siya sa inis pero sa huli hinawakan ko din ang bewang niya. Nakatingin pa rin ako kay Avianna at nakita ko ang mata niya. Mata iyon na nagseselos. Hindi ako pwedeng magkamali. Nagsimula na ang tugtog at nagsimula na din kaming magsayaw pero hindi pa nagsasayaw si Collins, paano magsasayaw kung wala namang kasayaw. Napairap ako sa ere. Damn, nagiging hobby ko na yata ang pag irap, nagmumukha na akong bakla. Halos mapatigil ako ng tumakbo siya at kinuha si Avi. Damn you! Umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa galit. Inaapoy na ako ng selos. Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila pero kitang kita ko kung paanong hindi komportable si Avi sa kaniya na siyang dahilan kung bakit ko gustong pugutan si Collins ngayon.

"Boo, look at me please"..malanding sabinng kasayaw ko.

"Don't you dare"...tiningnan ko ng masama si Calisha dahil hahawakan niya na naman ako. Bumaling ako ulit sa kanila na siyang mas kinagalit ko. Binalaan kita Collins pero hindi ka nakinig. Sobrang lapit niya kay Avi at may binulong siya na kung ano na siyang kinatulak sa kaniya ng bahagya ni Avi. Kung sa iba hindi nila napansin pero ako Oo dahil sabay ng pagtulak ni Avi at pagtigil ng musika. Mabilis na pumunta si Avi kayla Hailey kaya binitawan ko na si Calisha.

It's dooms day Collins. Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa malaman niya na gusto ko na siyang patayin ngayon pa lang. Naglakad ako patungo sa direksiyon nila Hailey at sinadya kong banggain si Collins

"Get ready for the war Collins"

Mage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon