"Ikaw pala ang leader nila, ah," ika niya.

Napataas naman ako ng kilay. "Ano bang pake mo?"

"Aba, bastos to, a!" aniya saka dinuro ang noo ko dahilan para mapikon ako at masuntok siya sa kanyang mukha.

At dahil sa ginawa ko ay nagsimula na naman ang gulo. Hindi siguro matatapos ang away na 'to kung walang mga tanod na dumating para awatin kami. Lahat kami ay pinapunta sa barangay.

Malamang pagagalitan kaming lahat dahil sa ginawa namin. Sanay naman din kami sa ganitong sitwasiyon, halos linggo-linggong nangyayari sa amin ito.

Lahat kami ay nakaupo sa tabi nang harap-harapan, grupo sa grupo. Walang upuan, sa sahig lang. Maya-maya ay lumapit ang kapitan sa lalaking nakaaway namin. Mukhang ito nga iyong leader nila, e. Ang yabang kasing tingnan.

"Pangalan," ani Kapitan.

Tumingala naman siya at nakita ko ang kanyang bugbog na mukha. Mapula ang kanyang kaliwang mata, may dumudugo pa sa kilay nito pati na rin sa gilid ng kanyang labi. Mahina naman pala ito, e. Mabuti na lang at sa labi lang iyong sugat ko, kaso lang ang sakit kapag magsalita.

"Jeric," sagot niya.

Since kilala naman kami ng mga barangay council dito, kami iyong nasisi sa gulo—at ako pa itong walang alam sa nangyari, ako iyong nakatanggap ng apoy mula sa galit ng kapitan!

"Tigil na natin 'to," sabi ko sa mga tropa ko nang palabasin kami ng barangay. Mabuti na nga lang hindi na pinatawag iyong mga magulang namin. Suki na nga raw kami, e. Paulit-ulit na lang daw nangyayari.

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Tata.

"Mamamatay tayo ng maaga nito," sagot ko.

"Huwaw! Big word, Demi, ah! Sa 'yo pa nanggaling 'yan?" sabi pa ni Imboy.

"Hoy, Imboy! Kung hindi dahil sa 'yo, e di sana kanina pa tapos 'yung gulo!" sabi ko.

"E, kung hindi ka ba naman tanga at napikon, e di sana kanina pa tapos 'yung gulo!"

Napaisip naman ako ro'n.

"Ewan ko sa 'yo!" sagot ko. "Ano ba talagang nangyari, Gelo, ha?!" baling ko kay Gelo na tahimik lang sa isang tabi na tila ba'y ang lalim nang iniisip.

Tulala pa rin si Gelo.

"Naks! Si Gelo may utak na! Marunong nang mag-isip," sabi pa ni Joel.

"Gelo!" sigaw ko dahilan para matauhan siya. "Nakikinig ka ba?"

"Ha? May sinasabi ka?"

"Ay. Putangina."

"Ano nga?!"

"Ano bang nangyari?"

"Ba't hindi mo sila tanungin?"

"Gago ka ba? Tinatanong ka nang maayos."

"Wala! Istorbo ka!"

"Ano? Gusto mo ba ng gulo?" seryosong sabi ko.

"Hindi. Joke lang, siyempre."

"Ano ba 'yung sinabi nung Jeric na 'yon, ha?"

"Papatayin ka raw nila."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. "Ano?!"

"Shuta. Hindi pa tapos. Kalma!" natatawang saad ni Gelo.

"Pinapainit mo talaga ulo ko, Gelo. Kapag ako napikon..."

"Papatayin ka raw nila at kami."

Napairap na lamang ako. "Sus. 'Di ka pa ba sanay? Lagi na lang ganyan 'yung banta na natatanggap natin. Bobo!"

Titibo-tibo (COMPLETED)Where stories live. Discover now