Nagiggle ang babae ng nakakaloko "ay nakalimutan ko magpakilala, Yokohama Misaki, magkaschool tayo" sabay atake niya ulit ng katana niya

At nadaplisan ng kaunti ang pisngi ni Takashi "tsk" mukhang naannoy siya kaya nilabas na rin niya ang weapon niya

"oooh, katana din? Amazing" sabi ni Misaki na may nakakalokong tono

Sinubukan ulit umateke ng dalaga pero nasalag ito ni Takashi gamit ang sariling sandata , kinounter attack niya ito at nasugatan ang dalaga sa may tagiliran kaya agad itong tumalin patalikod habang hawak ang parte ng katawan na may injury

Mukhang naanoy si Misaki , kaya inilahad niya ang kamay niya at biglang nagkaron ng parang bumibilog na hangin at ibinato ito sa direksyon ni Takashi

Iniangat ni Takashi ang kanyang mga braso at pinorma ng X, dahil akala niya malakas na hangin lang ,pero laking Gulat niya nang biglang pagtama sa kanya ng hangin ay bigla itong sumabog at agad siyang tumilapon. Agad na tumayo ang binata at sa same manner na ginawa ni Misaki, inangat niya ang kanyang mga kamay at biglang may pormang thurdervolt ang lumabas sa kamay niya hinawakan ito at biglang ibinato sa babae

Sinalag naman niya ito ng combustion niya kaya nagkaron ng malakas na pagsabog

Tumagal ang paglalaban ng dalawa at mukhang natatalo na ang dalaga, dahil sa kasalukuyan ay nakagapos ito sa kidlat na lubid ni Takashi at mukhang nasasaktan ang dalaga

Nang babatuhin na ng kidlat ni Tamaki si Misaki ay bigla itong nakulong sa isang malaking air sphere

"huh???? Ano to??" tanong ni Tamaki

May tumalon na isang Yokai na lalaki, nakasuot ito ng traditional clothes at may mask ito na puti na hugis mukha na may nakasulat na japanese character na ibigsabihin ay Mischievous.

Nagsnap ito at biglang nawala ang nakapulupot sa dalaga at umubo ito

"ano to? Lagi na lang ba kita tutulungan pagmatatalo ka na??" sabi ng Yokai na isang Mononoke

"pasensya na Noh, masyado siyang malakas" sagot ni Misaki

Lumingon si Noh sa binata na nakatitig sa kanya nang masama. Tumaas ang kilay nito "ah? Talaga ba?"

"hoy Noh!" sigaw ni Ryuki "bawal tumulong ang mga Yokai sa Round na to!"

Ngumisi ito "wala naman nakakaalam eh" sabi niya na may nakakalokong tono, kaya nagsnap siya ulit at biglang sumabog ang sphere na nakabalot kay Takashi

Sinubukan ni Takashi na lumapit sa Yokai at aatakihin ito, ngunit mabilis ang yokai, bago siya makalapit ay sumulpot ito sa gilid ng binata , hinablot ang damit nito sa may dibdib at inihagis nito ang binata.

Tumama ito sa pader ng octopus slide ng park at mukhang nawalan ng malay

Lumapit si Noh kay Takashi at grinab nito ang buhok niya at iniangat ang ulo nito "oooh, buhay pa siya, kailangan na siyang tapusin" at iniangat din niya ang kabilang kamay niya at itinapat ito sa mukhan ng binata, ilang segundo ang lumipas at mukhang nagtaka ang Yokai at tinignan ang mga kamay niya

Biglang natawa si Takashi "wala bang  lumalabas?"

Sinabunutan ni Noh si Takashi para tumingin sa harap niya "hoy bata! Ano ginawa mo sakin?!!"

"wala naman, may sealing seal ka lang naman sa kamay mo. Acquired Ability ko kasi ang maglagay ng seal eh" sagot ni Takashi "yan yung sobrang light yellow na nakasulat sa mga benda mo sa kamay

-Sudden flashback-
Nang paghablot ni Noh sa damit ni Takashi ay hinawakan niya ang braso ni Noh at may naiwang seal at pagkatapos nun ay naibato na siya

-End of SF-

Biglang tinamaan nang kidlat ang likod ni Noh at napaluhod, nakatingin lang si Misaki ng nasatapat sa direction niya ang mga kamay ni Takashi

"di naman kita kailangan tapusin, yokai, kasi walang bearing pagikaw" sabi nang binata at biglang may matulis na kidlat ang lumabas sa kamay ni Takashi at dumiretso kay Misaki na nakadapat na sa lapag at walang malay

May lumabas na, na orb at nabasag ito

"Yokohama Misaki, eliminated" Takot at nanginginig na sabi ni Noh at biglang tumakbo

Ngunit may pulang bilog ang nakita sa lupa at pinalibutan si Noh at mukhang takot na takot ito.

May lumabas na isang yokai mula sa Lupa na may mask na parang papel sa mukha at may japanese character na ang nakasulat ay discipline

Nagulat si Takashi nang biglang sinaksak ng Yokai si Noh ng isang espada sa tyan at pareho silang hinigop ng lupa pababa.

Lumapit si Ryuki kay Takashi at tinulungan siyang tumayo

"a-ano yun??" tanong ni Takashi

"bawal kasi sumaway sa mga regulasyon ng paligsahan. Ang tawag sa nakita mo ay namahage, sila ang nagdidisiplina sa mga rule breakers sa underworld" paliwanag ni Ryuki

"a-" naputol na sasabihin ng binata

"huwag mo na intindihin yun, mahigpit talaga ang rule, tara na at anong oras na, mapapagalitan ka nanaman ng Mama mo"

At nagsimulang maglakad ang dalawa pauwi sa ilalim ng patulog na araw

YokaiWhere stories live. Discover now